Chapter 6

1094 Words
Habang nakaupo si Zyros sa isang malaking bato ay nakaramdam siya ng kakaiba sa buong kapaligiran ng kagubatan. "Hindi mapakali ang gubat," pagtataka niyang bulong. Luminga-linga rin siya sa paligid at pinatalas ang pandinig habang nakapikit ang kanyang mga mata. Hanggang sa marinig niya ang mga yabang ng paa na nila tumatakbo. "Hindi maaari!" muling sambit niya ng marinig niya ang t***k ng puso ng isang na nilalang na tila takot na takot. "May pangahas na pumasok sa aking teritoryo!" madiing sambit niya at biglang nagliwanag na kulay berde ang kanyang mga mata. Nagsimula na ring humaba ang kanyang mga kuko sa kamay at lumabas na rin ang matatalim nitong pangil. Maya-maya ay narinig niya ang isang boses na biglang napatigil sa t***k ng kanyang puso. "Marahil ito na ang katapusan ko." Nang mapagtanto niya na isang babaeng mortal ang nakapasok sa kanyang teritoryo ay kakaibang siyensya ang bumalot sa buo niyang katawan. At hindi niya mawari kung bakit gano'n na lang nararamdaman niya. Hanggang sa narinig niyang muli ang tinig ng babae. "Pakiusap, tulungan mo ako!" Dito na siya nataranta. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at isang kisapmata mata lang ay narating niya ang kinaroroonan ng mortal na babae. Kitang-kita ng kanyang mga mata ang dahang-dahang paglapit ng dalawang Lion sa estrangherang babae na takot na takot at nagsisisigaw. Kaya mabilis siyang kumilos at isang kisapmata lang ay napatay niya ang dalawang Lion. Nakita ni Jackie ang buong pangyayari kaya lalo siyang natakot dahil sa mas mabangis na nilalang na pumatay sa dalawang Lion. "S-sino ka? M-maawa ka, 'wag mo akong papatayin," pakiusap niya habang paisa-isa na lang ang tinig dahil sa kakaiyak at kakasigaw. Nauubusan na rin siya ng hangin dahil sa matinding takot na nararamdaman. Kitang-kita rin ng kanyang dalawang mata ng kakaibang kulay ng mata nang isang nilalang na nasa kanyang harapan. Kitang-kita niya ang mahahaba nitong kuko na nababalutan na ng dugo dahil sa pagpaslang nito sa dalawang Lion. Sa hindi maipaliwanag na damdamin ni Zyros sa kaawa-awang mortal ay nakatayo lang ito sa harapan ni Jackie habang natitig sa itsura nito. Dinig na dinig niya ang napakalakas na pintig ng puso ni Jackie na halos magpabingi sa kanya. "Paano ka nakapasok sa teritoryo ko?" tanong ni Zyros sa dalaga na dumagundong sa buong kapaligiran. Nang marinig ni Jackie ang tinig ni Zyros ay tuluyan na siyang naubusan ng hangin dahil sa magkahalong takot at kaba na nararamdaman. Kaya bigla na lamang nanlambot ang buo niyang katawan at babagsak na sa lupa dahil nawalan na ito ng malay. Nang marinig ni Zyros na tumigil ang pintig na puso ni Jackie at tila babagsak na ito sa lupa ay mabilis niya itong sinalo. At sa pagkakataon na ito ay malinaw na niyang nakikita ang napakaamong mukha ng dalaga habang karga niya ito. Ngayon lang siya nakakita ng gano'ng kalapit na mortal. Kaya natulala siya habang pinagmamasdan ang kaaya-ayang itsura ng dalaga. Dinala niya sa kanyang kuweba ang dalaga at hindi niya alintana ang panganib na dulot ng mortal sa kanya. Tila bigla niyang nakalimutan ang paulit-ulit na bilin sa kanya ni Thanus. Inilapag nito si Jackie sa kanyang hinihigaan na isang gintong bato na flat. Kitang-kita niya ang kalunos-lunos na itsura ng dalaga habang nakahiga ito. Punit-punit ang damit at kalat ang sugat sa buo niyang katawan. Nakita niya rin na namamaga na ang paa nito at may natuyo nang dugo mula rito. Kaya lalo siyang nahabag sa dalaga. "Nakakaawa ka naman," sambit niya habang nangungusap ang mga mata na natitig pa rin kay Jackie. Naisip niya na kailangan magpalit ng damit ni Jackie. Ngunit hindi niya alam kung saan siya kukuha. Hanggang sa may maalala siyang lugar kung saan siya pwedeng kumuha ng magiging damit ni Jackie. Kaya naman ay sandali niyang iniwan si Jackie at kisapmata mata na lumabas ng kagubatan. May mga nakita siyang damit na nakasampay sa labas ng bahay ng mga mortal kaya mabilis niya itong nilapitan at kinuha. Alam niya na masama ang kumuha ng hindi mo pag-aari, pero kailangan niyang gawin 'yon para kay Jackie. Naghanap na rin siya ng mga halamang gamot na pwedeng ipangtapal sa maliit na sugat ni Jackie. Kung tutuusin ay may kapangyarihan siyang magpagaling ng sugat gamit ang kanyang dugo. Ngunit hindi niya pwede gawin iyon dahil isang beses niya lang dapat gamitin iyon. Alam niya na hindi naman gano'n kalala ang tinamo ng dalaga kaya minabuti niya na gamotin na muna ito ng mga halamang gamot. Nang makabalik na siya sa kuweba ay pinunasan niya muna ang buong katawan ni Jackie. Pagkatapos ay binihisan niya ito kaya nanlaki ang kanyang mga mata ng bumalandra sa kanya ang maputi ang makinis nitong katawan. Lalo na ng mapako bigla ang paningin niya sa malulusog nitong umbok. "Ano bang ginagawa mo, Zyros?" bulalas niya sa kanyang isipan. Nakakaramdam na siya ng hiya dahil sa ginagawa niya. At parang ayaw na niyang ituloy ang pagbihis kay Jackie. "Woo. Kalma ka lang, Zyros!" bulong niya at tinapik-tapik ang kanyang dibdib dahil nararamdaman niya ang t***k ng kanyang puso. Subalit wala na siyang magagawa dahil nahubaran na niya ang dalaga. At kitang-kita niya ang kabuuhan ng katawan nito pati na ang masilang parte ni Jackie. "Hangal ka, Zyros. Bakit hindi mo naisip na isa siyang babae?" bulong ulit nito sa kanyang sarili. "Bahala na nga!" Kinuha niya ang ninakaw niyang damit pambabae at pilit na isinuot kay Jackie. Nahihirapan pa siya dahil hindi niya alam kung paano magpalit ng damit. Ngunit gayunpaman ay napagtagumpayan niya pa rin ito. Pinunasan niya rin ang mga paa ni Jackie dahil nagmistulang itim na ito dahil sa basang lupa na kumapit dito. Pagkatapos ay dinurog niya ang mga halamang gamot na napitas niya sa gubat at itinapal sa mga sugat ni Jackie. Nang matapos na siya sa pag-asikaso kay Jackie ay lumabas siya ng kuweba. Malapit na rin kasi mag-umaga at alam niya na baka magutom ang bisita niya. Siya nga na isang mortal ay nagugutom, si Jackie pa kaya. Kaya umakyat siya sa puno ng mangga at kumuha ng tatlong piraso. May nakita rin siyang hinog na saging kaya kinuha na rin niya ito. Pagkatapos ay bumalik na siya at itinabi niya ang mga dala niya sa dalaga. Pagkatapos ay naupo siya sa isang sulok at tinitigan na lamang ang natutulog pa niyang bisita. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya para sa mortal niyang bisita. At hindi niya maipaliwanag kung ano iyon. Napabuntonghininga na lamang siya at ipinikit ang kanyang mga mata. Hanggang sa bahagya siyang nakatulog habang nakaupo at nakasandal sa gintong pader ng kanyang kuweba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD