Chapter 41

1456 Words
"Boss! Boss!" Humahangos na sigaw ni Berto mula sa labas ng tent. Nasa loob ng tent si Congressman habang kinakausap mga bago niyang nakuhang tauhan na magbabantay bente-kuwatro oras sa harap ng computer. Kumunot na naman ang noo ni Congressman dahil baka may hatid na naman na masamang balita si Berto. "Bakit ka humahangos? 'Wag mong sabihin na may masamang balita ka na naman na dala?" madiin nitong pagkakasabi kasabay ang paglawak ng gitling ng kunot mula sa kanyang noo. "Masamang balita nga, Congressman! Pero may magandang balita naman ang hatid!" Lumalim ang tingin ni Congressman sa mukha ni Berto dahil sa sinabi nito. Maya-maya ay narinig nitong nagsalita ulit si Berto. "Ipasok niyo na 'yan!" Ilang saglit pa ay lumitaw ang isang lalaki na namumutla at pagod na pagod dahil sa katatakbo. "Ano na naman 'to, Berto?" Binalingan niya ng tingin na matalim ang tauhan na tila takot na takot dahil sa pamumutla nito. "Sige magsalita ka!" Sinabi na ng tauhan nila ang lahat na nasaksihan niya mula sa pinuntahan nila. Nagkataon raw kasi na umihi siyang mag-isa ng mga oras na iyon kaya hindi siya nakasama sa pagpaslang ng taong halimaw sa mga kasamahan niya. Sinabi niya na kitang-kita niya kung anong itsura ng nilalang na nakita niya at kung paano nito brutal na inubos ang kanyang mga kasamahan. Nakakubli lamang siya sa isang malaking puno kaya hindi siya napansin at nakita ng nilalang na iyon. Sinabi niya rin kung saan ito nakatira. At lalong nanlaki ang mga mata ni Congressman nang banggitin na nito ang tungkol sa kuwebang ginto kung saan nakatira ang sinasabi niyang halimaw. Hindi rin nakaligtas sa sumbong nito ang babaeng kasama ni Zyros na sa tingin niya ay kauri nilang mga mortal. "Kung gano'n may mukha na tayo. Hindi pala talaga siya isang pipityuging nilalang!" Napangiti ng mapait si Congressman sa sinabi niya. Ngayon ay alam na niya kung paano siya kikilos. "Sino kaya ang babaeng 'yon? Isa rin ba siyang halimaw? O isa ring mortal?" Muli niyang napangiti ng mapait mula sa kanyang iniisip. Hindi na siya makapaghintay na mapasakamay niya ang nilalaman ng buong kweba. "Kung ginto ang labas ng kuweba, paano pa kaya ang loob?" Napahalakhak siya ng malakas na may matatalim na tingin sa kawalan. "Totoo nga! Totoo ang ginto!" "Anong plano niyo, Boss? Kailan tayo susugod?" basag ni Berto sa kanya. Hinarap niya si Berto at tinapik sa balikat na may nakakalukong ngiti. "Hindi tayo susugod, Berto! Ang kailanga mo munang gawin ay dalhin dito ang mga natitira pa nating tauhan. Pag-aaralan natin kung paano natin mahuhuli ang babae." "B-babae? Bakit siya, Boss? Hindi ba ang halimaw ang dapat nating mapatay?" "Tssk, tssk, tssk! Gamitin mo rin paminsan-minsan ang utak mo, Berto! Kailangan nating mahuli ang babae para gawing pain laban sa halimaw na 'yon! At kapag nahuli na natin at napatay ang halimaw, isusunod rin natin ang babae!" Lumapad na rin ang nakakalukong ngiti ni Berto dahil sa sinabi ni Congressman. "Napakatalino niyo talaga, Congressman," bati ni Berto. "Tama, matalino ako. Dahil kung hindi ako matalino, hindi ko mararating ang posisyon ko! Kaya bilis na, lakad na! Ang dami mo pang satsat, e!" madiing bulyaw nito kay Berto. "Hindi ko lubos maisip na gano'n kabilis manghihina ang kapangyarihan mo, Zyros!" wika ni Thanus. Lumabas muna sila ng kuweba upang hindi marinig ang pag-uusapan nila ni Jackie. "Iyan nga din ang nais kong itanong sa 'yo, Thanus. Bakit ganito kabilis humina ang kapangyarihan ko? Kung tutuusin may dalawang araw pa akong natitira," pagtataka niyang usal. "Mukhang kailangan mo nang sabihin kay Jackie ang totoo bago pa mahuli ang lahat!" Napabaling ng tingin si Zyros kay Thanus mula sa sinabi nito. "H-hindi. Hindi niya dapat malaman ito, Thanus." Bakas sa mukha niya ang lungkot habang nakatingin kay Thanus. Napabuntonghininga si Thanus mula sa sinabi ni Zyros. "Kung gano'n, hahayaan mo lang siya na wala siyang alam sa mangyayari sa 'yo? Paano siya pagnagkataon? Hindi ka ba naawa sa kanya sa maaari niyang maramdaman kapag nawala ka na?" Napabuntonghininga si Zyros mula sa mga sinabi ni Thanus kasabay ang napakalungkot nitong mga mata. "May hihiling sana ako sa 'yo, Thanus. Ikaw na sana ang bahala kay, Jackie kapag nawala na ako! Pakiusap, hayaan mo siyang makabalik sa kanila ng mapayapa." Nagdadalawang isip man ay kailangang pagbigyan ang isang kaibigan. Kaya ipinangako ni Thanus na ibabalik niya si Jackie kung saan man ito nagmula. Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay umalis na kaagad si Thanus. Pumasok na rin sa kuweba si Zyros at muling hinarap ang dalaga na naghihintay sa kanya. "Nakaalis na ba siya?" bungad na tanong ni Jackie. Lumapit si Zyros sa dalaga at tinitigan niya ito sa mata. Hinawi niya rin ang buhok nito at inipit sa gilid ng tainga ng dalaga. "Oo nakaalis na siya!" Hinalikan niya sa labi ang dalaga na puno ng pagmamahal. Namamasa na rin ang gilid ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha na gustong kumawala. Napapikit na lamang si Jackie habang pinagsasaluhan nila ang mainit na halik. Maya-maya ay sandaling tumigil ang binata at unti-unti nang tinatanggal ang mga saplot sa katawan ni Jackie. Nais niyang paligayahin muli ang kanilang damdamin kahit sa huling pagkakataon. "Sigurado ka ba dito? Wala ka na bang nararamdaman na kahit anong sakit sa katawan?" tanong ni Jackie sa kanya na bakas pa rin ang lungkot sa mga mata. Hindi na sumagot ang binata dahil muli niyang siniil ng mainit na halik ang dalaga. Kaya wala na ring nagawa si Jackie kung hindi ang damhin ang kanilang matamis na pagmamahalan. Mapupusok ang bawat halik na pinagsasaluhan nila na animo'y sabik na sabik sa bawat isa. Habang nag-aalab ang kanilang halikan ay unti-unti nang gumagapang sa katawan ni Jackie ang mainit na palad ni Zyros. Pakiramdam niya ay mababaliw siya sa bawat haplos na pinapadama sa kanya ng binata sa buong katawan. Kaya hindi niya maiwasan na maiaangat ng kaunti ang sarili sa higaan dahil sa mainit na haplos ni Zyros. "O, Zyros!" mahinang pagdaing niya na may pamamasa ng luha mula sa gilid ng kanyang mga mata. Ibang-iba ang hatid ng bawat galaw ngayon ni Zyros sa ibabaw niya na tila sabik na sabik sa kanya. Nararamdaman niya rin ang paghagod ng palad nito sa pagitan ng kanyang mga hita kaya napapalakas na ungol niya. Halos sakupin ng palad ni Zyros ang buo niyang katawan haggang sa makapa nito ang dalawa niyang umbok. Pagkatapos ay bumaba ang halik nito mula sa leeg niya hanggang sa magkabila niyang umbok. Pakiramdam niya ay lalo na siyang nababaliw at gustong-gusto niya ang ganoong bagay. Salitan ding dumadaan ang labi ni Zyros sa dalaga niyang umbok kaya muli na naman siyang napaangat ng pwet sa kanyang higaan. Humagod rin ang dalawa niyang kamay sa likod ni Zyros dahil sa matinding init ng katawan na nararamdaman niya. Bawat dampi ng daliri ni Zyros sa kaselanan niya ay talagang nagpapabaliw sa kanya. Lalo na ang maingat na paglalaro ni Zyros sa c******s niya ay pakiramdam niya'y binabalot ng kilabot ang buo niyang katawan. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang pag-ulos ng ulo ng binata pababa sa kanyang kaselanan. Kaya muli na naman siyang napadaing ng maramdaman niya ang mainit na hininga ng binata mula sa kanyang pagkakabae. Ramdam na ramdam niya ang paghagod ng dila ni Zyros sa kanyang kaselanan. "Hmmm, s**t!" Napasabunot siya sa buhok ng binata at halos gusto na niyang ibaon sa p********e niya ang mukha ni Zyros. Hanggang sa maramdaman na naman niya ang kakaibang pakiramdam mula sa kanyang puson. At sa pagkakataon na iyon ay alam niya na malapit na naman niyang maabot ang r******************n. "Oh, s**t!" Halos ipitin niya ng kanyang dalawang hita ang mukha ng binata nang maramdaman niya na may sumabog mula sa kaloob-looban niya. Bumalik ulit sa ibabaw niya ang binata at siniil siya ng halik. Randam na ramdam niya ang init ng mga katawan nila na magkadikit. Ramdam na ramdam niya rin ang matigas na bahagi sa pagitan ng kanyang mga hita na nag-uumpisa ng bumaon. "Jack!" mahinang daing ni Zyros nang tuluyan na niyang mapasok ang lagusan ng dalaga. Napaungol din si Jackie at kinagat ang pang-ibabang labi niya. Nararamdaman niya rin ang banayad na pagbaon ng mga kuko niya sa likod ng binata dahil sa matinding sensasyon na nararamdaman nila. Ilang segundo pa ay nagsimula na sa paglabas masok ang p*********i ni Zyros sa makipot na lagusan ng dalaga. Kaya napuno ng ungol ang apat na sulok ng kanilang kuweba mula sa pinagsasaluhan nilang sandali. Damang-daman nila ang maainit na sandali sa katawan nilang magkadikit. At hindi nagtagal ay pabilis na pabilis na ang paglabas masok ni Zyros sa lagusan ni Jackie. Hanggang sa sabay nilang naabot ang tunay na langit ng kanilang pagmamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD