Chapter 40

1181 Words
Samo't-sari ang nararamdaman ngayon ni Jackie. Takot na baka mapahamak ang lalaking pinagkatiwalaan ng kanyang puso, o takot para sa maaaring sapitin ng mga kalahi niya sa kamay ni Zyros. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga sa mga nangyayari. Halos mabuwal na siya sa kinatatayuan niya habang naririnig ang sunod-sunod na pagpapaulan ng bala ng mga mortal. Alam niya na para iyon sa Zyros. "Kayo na po ang bahala sa lahat, Amang nasa langit!" Taimtim niyang dalangin habang sunod-sunod ang luha na bumabagsak sa kanyang mga pisngi. Ilang minuto pa ang lumipas mula sa mga putok ng baril. Sunod-sunod na rin ang mga sigawan na naririnig niya mula sa labas. At alam na niya kung kanino nanggagaling ang tinig na iyon. Sa pagkakataon na iyon ay alam niyang nakaligtas si Zyros sa sunod-sunod na bala na pinapaulan nila dito. Nanginginig na rin ang kanyang mga kamay sa magkahalong kaba at takot sa kalalabas nito. Ilang saglit ay biglang natahimik ang buong kapaligiran kaya dahan-dahan na siyang lumabas sa kinatataguan niya. Inihanda na rin niya ang kanyang sarili sa maaari niyang makita ng mga sandaling iyon. Tumambad sa kanyang harapan ang magkakahiwalay na mga kalalakihang walang buhay. Naliligo ang mga ito sa sarili nilang dugo, kaya halos madurog ang kanyang puso sa mga nakikita. Malalalim na kalmot sa iba't-ibang bahagi ng kanilang katawan maging sa mukha, at talaga namang kalunos-lunos ang sinapit nila sa kamay ni Zyros. Halos magkadalasog-lasog ang kanilang katawan sa nangyari. Dahan-dahan niya ring binaling ang paningin niya sa lalaking nakatayo sa gitna ng mga nakahandusay na kalalakihan. Punong-puno ng dugo ang kamay nito at natalsikan din ng dugo ang kanyang mukha. Bahagya siyang napaatras sa kakaibang itsura ni Zyros. Muntikan pa siyang matumba sa sobrang panginginig ng buong kalamnan, mabuti na lang at agad niyang naitukod ang isang kamay niya sa pader ng kuweba kaya nakapag-balanse siya. Para itong isang napakabangis na halimaw sa paningin niya. May mabalahibong kulay itim sa braso at pati sa kanyang mga binti. Mahahaba rin ang kuko sa kamay at paa. At hindi rin nakaligtas sa kanya ang mukha ng isang napakabangis tingnan. Nagmistulang pula ang kuko sa dugo mula sa mga mortal. Kitang-kita niya pa ang pagpatak ng mga dugo mula sa mahahaba nitong kuko sa kamay. Sa mga pelikula siya nakakakita ng ganoong uri ng nilalang, pero ngayon nasa harap na niya mismo. Pakiramdam niya ay ito ang hindi niya napaghandaan sa kanyang sarili kaya halos maputol siya ng ugat sa leeg sa pigil hininga sa kanyang sarili. Hanggang sa makita niya na unti-unti ng humaharap sa kanya si Zyros. Nanatiling nakatayo si Zyros matapos maubos ang mga kalalakihan. Natatakot siya sa maaaring maging reaksyon ni Jackie sa kanya. Naramdaman niya ang paglabas ni Jackie sa kinatataguan nito pero hindi niya magawang tumingin dito. Nakakaramdam na siya ng p*******t ng buo niyang katawan dahil sa mga bala na sa tingin niya ay tumagos sa kanya. Pero kailangan niyang harapin ang dalaga. Kaya dahan-dahan niyang hinarap ang dalaga na puno ng takot ang mga mata. Ngunit hindi pa man siya nakakaharap ay tuluyan ng dumilim ang paningin niya. At naramdaman na lamang niya na tila bumagsak na siya sa lupa. Rinig na rinig niya pa ang ang pagsigaw ni Jackie sa pangalan niya habang tumatakbo papalapit sa kanya. "Zyros, gising! Gumising ka!" subalit kahit anong sigaw at pagyugyug na gawin ni Jackie kay Zyros ay hindi ito nagigising. Nang buksan niya ang butones ng damit nito ay tumambad sa kanya ang mga bala na nakabaon dito. "Diyos ko, Zyros!" Napasapo siya sa kanyang bibig dahil sa takot habang sunod-sunod pa rin ang pag-agos ng kanyang masaganang luha. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin ng mga sandaling iyon. Dumilim rin ang buong kalangitan at biglang lumakas ang hangin sa buong paligid. Pumasok sa isipan niya si Thanus kaya sumigaw siya ng malakas at tinawag ang pangalan ng matanda. Ilang sandali pa ay lumitaw na si Thanus sa harapan nila. "Anong nangyari?" Bungad na tanong nito na puno ng pag-aalala sa nakikitang itsura ni Thanus. Nakita niya rin ang mga bangkay na katabi ng binata kaya itinaas niya muna ang tungkod niya. Ilang saglit lang tumubo sa katawan ng mga kalalakihan ang mga d**o na may kulay puting bulaklak. Kaya nawala ang bakas ng mga kalalakihang walang mga buhay. "T-tulungan mo kami, Thanus, pakiusap! S-si Zyros!" Halos mawalan na siya ng boses sa tindi ng takot na nararamdaman niya. Hinawakan ni Thanus ang braso ni Jackie at ang isang kamay naman ay nakapatong sa dibdib ng binata. Ilang sandali pa ay nasa loob na sila ng kuweba. "Magiging maayos lang ba siya?" natatarantang tanong ni Jackie sa matanda. Hindi na sinagot ni Thanus ang tanong ni Jackie. Gamit ang tungkod ng buhay ay inilapat niya iyon sa dibdib ng binata at bahagyang nag-usal ng ritwal. Ilang sandali pa ay umilaw na ang kulay gintong tungkod ni Thanus at naglabasan ang lahat ng bala mula sa iba't-ibang bahagi ng katawan ni Zyros. Ilang minuto pa ay sunod-sunod ng naghilom ang lahat ng sugat ni Zyros. Kaya napayakap ng mahigpit si Jackie sa wala pang malay na binata. Walang tigil ang pagtangis ng kanyang mga mata dahil sa takot at pag-aalala sa kalagayan ni Zyros. Nawala ang takot niya sa itsura ni Zyros kanina. Ang takot na nararamdaman niya ngayon ay takot na baka mawala sa buhay niya ang lalaking pinakamamahal. "Bumalik ka, Zyros! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa buhay ko!" Napailing-iling si Thanus na bakas ang lungkot at pag-aalala para kay Zyros. Hindi niya sukat akalain na gano'n kabilis ang epekto ng sumpa. Dapat hindi siya tinablan ng bala, pero ngayon ay naghihirap siya sa tama ng bala. Mula sa pagkakayakap ni Jackie sa nakahigang katawan ni Zyros ay nabuhayan siya ng maramdaman niya ang mainit na haplos mula sa kanyang likuran. Kaya napatingin siya sa mukha ng binata na ngayon ay nakadilat na ang mga mata. "Zyros!" Muli niyang niyakap ng mahigpit ang binata dahil nagising na ito. Pagkatapos ay muli siyang kumalas at natatarantang kinausap ang binata. "Okay ka na ba? May masakit ba sa 'yo? Saan, sabihin mo!" Kinapakapa niya ang dibdib ng binata para malaman niya kung may masakit pa ba rito. Banayad na ngumiti si Zyros at hinawakan ang mga kamay niya. "Ayos lang ako, Jack. Walang masakit sa 'kin," wika niya kay Jackie na may malapad na ngiti. Muli na namang rumagasa ng luha mula sa mga mata ni Jackie. Pagkatapos ay hinampas niya ang braso ni Zyros ng malakas. "'Wag mo na ulit gagawin 'yun, ha! Paano kung wala si Thanus? Paano kung mawala ka sa 'kin? Ikamamatay ko rin 'yun!" Niyakap siya ng mahigpit ni Zyros matapos sabihin iyon ni Jackie. Tumulo na rin ang luha sa kanyang mga mata dahil sa nangyari. Binalingan niya rin ng tingin si Zyros na malungkot ring nakatingin sa kanya. Ilang saglit pa ay kumalas siya sa pagkakayakap at tinitigan sa mata si Jackie. "'Wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ulit iyon!" Hinalikan niya sa labi ang dalaga na puno ng pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD