Chapter 39

1772 Words
"Bakit naparito ka?" boses ni Thanus mula sa likuran ni Zyros. Humarap si Zyros sa kaibigan habang nakasilid ang isang kamay nito sa kanyang bulsa. Nagpakawala muna ito ng malakas na buntonghininga mula sa kanyang ilong bago nagsalita. "Nararamdaman ko na ang panghihina ng kapangyarihan ko, Thanus," mahinang pagkakasabi nito. Lumapit si Thanus sa kanya at iginiya siya paupo sa nakatumbang puno. Naupo rin ang matanda at hawak pa rin nito ang tungkod na nagbibigay buhay sa kanya. "Bakit mo nasabi na humina na ang kapangyarihan mo?" Yumuko ito at nagpakawala na naman nang isang malakas na buntonghininga. "Napasok na nila ang sagradong lupain," seryosong wika nito habang nakatingin sa kawalan. Gulat na napabaling ng tingin sa kanya si Thanus. "Imposible! Paano nila nagawang makapasok sa lugar na iyon?" Napailing-iling si Zyros habang nakatingin pa rin sa kawalan. "Hindi ko rin alam, Thanus. Kung magpapatuloy ang ganitong pangyayari, baka hindi ko na kayo maprotektahan," malungkot na pahayag niya sa matanda. Binalingan niya ng tingin si Thanus matapos niyang sabihin iyon. "Lahat na nilikha ko dito sa bundok, mawawala, Thanus! Lahat ng buhay na nagmumula sa 'kin ay kasama ko ring maglalaho!" Tuluyan nang bumuhos ang luha mula sa kanyang mga mata. "Magpakatatag ka, Zyros! 'Wag mong hahayaan na mangyari iyon." Hinawakan ni Thanus ang balikat ni Zyros ay mahinang tinapik-tapik para kahit papaano ay mabawasan ang bigat na dinadala niya. Hindi sukat akalain ni Zyros na sasapitin niya ang ganitong bagay sa loob ng mahigit isang libong taon. Pero gayunpaman ay hindi siya nagsisisi na dumating sa buhay niya si Jackie. "Pinasok ko noon ang panaginip ni Jackie mula ng matuklasan ko ang kapalaran mo, Zyros. Sa maniwala kaman o sa hindi ay pinigilan ko siya—" Yumuko muna siya at nagpakawala ng buntonghininga bago itinuloy ang sasabihin. "Ginawa ko ang makakaya ko, pero nabigo pa rin ako, Zyros. Ni hindi ko nga naramdaman na dinala na pala siya ni Bathala sa 'yo, e." Tahimik naman na nakikinig lamang si Zyros mula sa mga sinasabi ni Thanus. Hindi siya nagsisisi na nakilala niya si Jackie. Ang tanging pinagsisisihan niya lamang ay ang kabiguan niya sa pagiging bantay. Dahil sa pansarili niyang damdamin ay maraming mawawala at maglalaho kapag dumating na parusa niya. Hindi kasama doon si Thanus dahil hindi niya karugtong ang buhay nito. Galing kay Diyosa Aguas ang buhay niya kaya hindi siya nangangamba para sa buhay ni Thanus. "Alam mo ba kung kailan mangyayari 'yon?" Muling nagpakawala ng malakas na buntonghininga si Thanus sa tanong ni Zyros. "Sa darating na ikalabing walong araw ay magiging itim ang pulang buwan, at ayon sa nakasulat sa aklat, iyon ang palatandaan ng pagpaparusa ni Bathala sa mga hinirang niya na hindi nakapasa sa pagsubok niya." Mataman na tinitigan ni Thanus si Zyros na puno ng lungkot ang mga mata. "Hindi ka nakapasa sa pagsubok niya, Zyros. Kung nakinig ka lang sa 'kin, mababasag sana ang sumpa." Napatingin si Zyros kay Thanus dahil sa sinabi nito. At base sa kalkulasyon niya ay tatlong araw na lang iyon mula ngayon. Nakaramdam siya ng matinding kaba dahil dito, hindi niya sukat akalain na ganun kabilis ang lahat. Paano niya ipapaliwanag ang ganoong bagay kay Jackie. Baka kapag sinabi niya iyon ay maguluhan lamang ang dalaga. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Thanus ay bumalik na siya sa kuweba na tinitirahan nila ni Jackie. Natutulog pa rin ng mahimbing ang dalaga ng makabalik siya. Malungkot ang mga mata niya na naupo sa dulo ng higaan at hinaplos ang nakatagilid na ulo ng dalaga. At halos madurog ang puso niya sa bawat titig na pinapakawalan niya mula rito. Naramdaman na lamang nito na umiinit na ang magkabilang gilid ng kanyang pisngi dahil sa mga butil ng luha na bumabagsak dito. Kahit alam na niya ang kahihinatnan niya ang hindi niya ay hindi niya pa rin magawang magsisisi dahil sa pagdating ni Jackie sa buhay niya. Kung meron man siyang ipagpapasalamat ngayon, ay 'yun ang pagdating ni Jackie sa buhay niya. Dumating man ang takdang panahon na sinasabi sa aklat, mamamatay siyang may matamis na ngiti sa labi. Nang magising ang dalaga ay nagulat siya sa napakaraming bulaklak sa tabi niya. Bumungad rin sa kanya ang matamis na ngiti ni Zyros na may hawak na isang taling iba't-ibang kulay ng bulaklak. "Magandang umaga!" bati nito at hinalikan sa labi ang dalaga. Pagkatapos ay inabot ang bulaklak na hawak niya sa nakahiga pang dalaga. Lumapad ang ngiti sa labi ni Jackie at agad na bumangon. Tinanggap niya ang napakabangong bulaklak na inaabot ni Zyros sa kanya. "Inubos mo na ba lahat ng tanim mo doon?" bulalas pa nito sa binata. Wala siyang kaalam-alam na may mabigat na pinagdaanan si Zyros kay nilulubos na niya ang panahong magkasama sila. Tumambad rin sa tabi niya ang mga nakahandang pagkain nila. At sa pagkakataon na ito ay hindi lang limang klaseng prutas ang meron sa harap niya. May apple na rin, papayang hinog, at may ubas. May isang buong baboy ramo din na nilechon. "Ano bang okasyon at napakarami nating handa ngayon?" pabirong tanong pa ng dalaga. Napangiti naman si Zyros sa kanya. Ngiti pa lang kasi ng dalaga ay napapawi na ang bigat na nararamdaman niya. "Ano ba ang okasyon? Kinakain ba 'yon?" inosenteng tanong ni Zyros. Hindi niya talaga kasi alam kung ano ang ibig sabihin ng okasyon. "Sira! Hindi nakakain ang okasyon! Ang ibig kong sabihin, ano ba ang espesyal ngayon at naghanda ka ng ganito karami? Saka paano mo natutunang maglechon, e hindi ka naman marunong magluto." Napangiti si Zyros sa sinabi ni Jackie. Totoo naman talaga na hindi siya marunong magluto. Nakita niya lang ang ganoong pagluluto sa mga mortal kanina noong pumunta siya. May limang mga kalalakihan na nagluluto ng tatlong baboy ramo habang pinapaikot sa nakakalat na baga. Nakatusok rin ang tatlong baboy ramo sa kawayan at walang tigil nilang pinapaikot. Kaya pinanood niya iyon ng mabuti para matutunan niya. "'Di bale na nga lang, 'wag mo nang sagutin ang tanong ko. Kasi kumukulo na itong tiyan ko, e mukhang nais ng tikman ang lechon mo!" Muli na namang natawa si Zyros sa kanya. Kahit papaano ay nababawasan ang bigat na dinadala niya kapag masaya ang dalaga. Nasa kalagitnaan na sila sa kanilang kinakain nang may marinig silang mga tinig sa labas. "May tao ba sa labas?" Nagkatinginan sila na kapwa pareho ang tanong. Ni hindi narinig ni Zyros ang mga yabag nila. Ibig sabihin masyado nang mahina ang kapangyarihan niya. "Tingnan niyo ang loob ng kuweba, baka nariyan ang halimaw!" sigaw ng isang lalaki at dinig na dinig nila iyon. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jackie at napalitan ng takot. Mukhang kasamahan iyon ng mga kalalaking nakita niya sa gubat noong nakaraang Linggo. Sabay silang lumabas ni Jackie para tingnan ang mga pangahas na nakapasok sa sagradong lupain. Bumungad sa kanila ay may bente katao at lahat ito ay puro armado. "Sino kayo? Bakit nasa loob kayo ng kuweba na 'yan? Diyan ba kayo nakatira?" matapang na tanong ng isang lalaking mukhang sanggano ang mukha. Tumago naman sa likod ni Zyros si Jackie na mababakasan ng takot sa mga kalalakihan. "Hindi ba ako dapat ang magtanong sa inyo niyan? Bakit kayo narito sa teritoryo ko?!" Dumagundong na sigaw ni Zyros sa buong kapaligiran. At kitang-kita niya ang pagkagulat nila sa boses niya. Sandaling natigilan ang mga kalalakihan habang nagtitinginan sa bawat isa. Nang makabalik sila sa reyaledas ay sabay-sabay nilang tinutok ang mga baril nila sa direksyon nina Jackie at Zyros. "Pakiusap, ibaba niyo 'yan, hindi kami masasama!" Nanginginig na sabat ni Jackie. Isang lalaki ang nagsalita sa kanila na ikinakali ng mga mata nilang lahat. "G-ginto! Ang ginto!" Tinuro niya gamit ang kanyang hintuturo ang b****a ng kuweba ni Zyros na nababalot ng ginto. Kaya lahat sila ay napatingin sa tinuro ng isang lalaki. "G-ginto nga!" Muli nilang itinuon ang atensyon nila kina Jackie at Zyros. "Tumabi kayo diyan kung ayaw niyong mamatay!" Isa-isa na nilang ikinakasa ang mga hawak nilang mahahabang baril. Humalakhak ng tawa si Zyros dahil sa matapang na pagkakasabi ng isang lalaki. "Sa tingin niyo ba mapapatay niyo ako ng hawak niyong 'yan? Kapag kayo ang hindi umalis sa lupain ko, wala ng makakalabas ng buhay sa inyo rito! Alis!" Madiing bulyaw at pagtataboy ni Zyros sa may halos bente katao. Natameme ang mga kalalakahin mula sa narinig kay Zyros. Pero hindi nila pinahalata ang takot nila sa naiisip na baka ang lalaking kaharap nila ngayon ay ang kinatatakutan nilang halimaw. "Nasisiraan ka na ba? Nag-iisa ka lang, marami kami! Sa tingin mo maniniwala kami sa 'yo?" pang-iinsulto pa nito kay Zyros. Lalong nagalit si Zyros sa sinabi ng matapang na lalaki. Nagbago bigla ang itsura niya sa galit. Naging kulay berde na umiilaw ang mga mata niya at humahaba na rin ang mga kuko niya. May mga balahibo na rin na tumutubo sa braso at binti niya na kulay itim. At isang kisapmata mata lang ni Zyros ay nakalapit agad siya sa isang kasamahan ng mga kalalakihan at walang awang binali ang leeg nito sa harap nila ng hindi napapansin ang paglapit niya. Kitang-kita nila ang napakabangis nitong mukha na galit na galit. Alam ni Jackie na may kapangyarihan si Zyros pero hindi niya alam na gano'n uri ang anyo ni Zyros kapag nagagalit ito. Para siyang taong lobo na napakabangis. Mula sa kinatatayuan niya ay unti-unti siyang umatras para hindi niya makita ang pagpatay ni Zyros sa mga ito. Alam niya na gagawin iyon ni Zyros dahil may napatay na agad ito. Nakubli siya sa gilid ng kuweba at napapikit na lamang. "Siya ang halimaw na hinahanap natin!" Sabay-sabay silang nagsisiatrasan na may kilabot na nararamdaman dahil sa kakaibang nilalang na pumaslang sa isa nilang kasamahan. Nawala rin ang tapang ng isang lalaki kanina at naihi pa ito sa salawal dahil sa matinding takot. "A-ano pang tinatayo-tayo niyo diyan! Barilin niyo na!" Sabay-sabay nilang pinaulanan ng bala ang kinaroroonan ni Zyros. Subalit tila walang epekto ang bala na tumatama rito kaya tuloy pa rin sa pag-atras. Ilang minuto pa ay natigilan na sila dahil naubos na ang bala nila. Pero nakatayo pa rin ang nilalang na nasa harap nila kayo halos mangiyak-ngiyak na sila sa takot. "Binigyan ko na kayo nagpakakataon na makaalis sa lugar ko! Pero hindi kayo nakinig! Pagsisisihan niyo 'to ng malaki!" Matapos niyang sabihin niyo ay mala-kidlat na siyang umatake sa mga ito at puro hiyawan na lamang ang maririnig bago sila malagutan ng hininga. Napatakip na lamang sa bibig si Jackie habang sunod-sunod ang luha na bumabagsak sa kanyang mga mata dahil sa mapait na sinapit ng kanyang mga kalahing mortal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD