Maingat na nilapag ni Zyros si Jackie sa kanilang higaan. Nakatulog ito dahil sa maghapon nilang pamamasyal. Muntikan pa ngang mahulog si Jackie dahil nakatulog ito noong pauwi na sila. Mabuti na lamang ay mabilis niya itong napansin kaya agad niyang nasalo ang dalaga. Naaalala niya pa ang mga ngiti ni Jackie noong makarating sa lugar ng mga leon. Kaya napangiti na rin siya sa kabila ng pangamba na nararamdaman niya.
Hinalikan niya muna si Jackie sa noo bago muling lumabas ng kuweba. Pupuntahan niya ang mga mortal para malaman niya kung ano na ang ginagawa ng mga ito. Ilang saglit lang ay narating na niya ang lugar at muli siyang pumuwesto sa dati niyang pinipuwestuhang puno. Napakapit siya ng malakas mula sa sanga ng puno na nahahawakan niya dahil sa nakita niya. Malaki na ang nabubutas nila. Lumalawak na rin ang mga punong kahoy na napipinsala nila. Kahit gabi ay wala silang tigil sa pagtatrabaho. Nararamdaman niya ang malakas na t***k ng puso nang mga minero dahil sa matinding pagod.
Hindi na kasi makapasok ang malaking kamay ng backhoe sa lupa na binubutas nila. Parang gumagawa sila ng kuweba sa mataas na bahagi nang lupa malapit sa hideout nila. May taas ang lupa ng dalawang poste ng kuryente kapag pinagdugtong. Kahit malalaking bato ang iba sa mataas na bahagi ang hinuhukay nila ay nagagawa parin nila itong butasin. Limang truck na mamalaki ang nakaabang sa lupa na sinisikwit ng backhoe. Iipinun muna ito ng bulldozer bago sisikwatin ng kamay ng backhoe.
Dumagdag rin ang ingay mula sa kanila dahil sa isang truck na may matulis na bagay sa dulo nito. Kapag hindi mabitak ng mga minero ang isang bato na kasing laki ng bahay ay ito ang gumagawa. Gamit ang matulis na bagay sa unang dulo nito ay nagagawa niyang tibagin ang bato kaya yumayanig ang buong paligid. Makalipas lamang ang ilang minuto ang nagbabagsakan na ang mga natibag na piraso ng malaking bato. Hindi rin ito masyadong kalakihan kaya kaya nitong pumasok sa loob ng butas na ginagawa nila.
Kasing laki lang ito ng isang pinakamaliit na pison. Pabalik-balik lang din ng lakad ang ibang mga kalalakihan na may mahahabang baril. Napakarami nila sa paligid at halatang nagmamatyag lamang kung sakaling umatake na naman siya. Umagaw sa atensyon niya ang isang magarang sasakyan na paparating. At isang lalaki ang sumalubong dito habang nagmamadali. Sa kanila niya naituon ang atensyon niya at hinintay na makababa ang sakay mula sa kotse na iyon.
Matapos iparada ang sasakyan ay lumabas ang isang lalaki na nakasuot na sa tantya niya ang apat na put limang gulang. Nakasuot ito ng isang itim na damit na hapit sa kanya at naka-brown na pantalon na may six pocket. May bit-bit itong kulay itim na malapad na bag na hindi matukoy ni Zyros kung ano ang laman. Kahit papaano ay may alam si Zyros sa mga kulay dahil tinuruan siya ni Thanus noon.
Nang makalapit ang lalaking lumapit dito na sa tingin niya ay alalay nito, kinuha mula dito ang dala nitong itim na bagay na dala nito. "Kung hindi ako nagkakamali siya ang amo nila," bulong nito. Maya-maya ay naglalakad na ang mga ito papunta sa tent na gawa nila. Naririnig niya rin ang usapan ng mga ito habang naglalakad.
"Nakabalik na ba ang mga tauhan natin, Berto?" tanong ni Congressman kay Berto.
"Kung ganun, ikaw si Berto," wika ni Zyros habang nakatuon kay Berto.
Tumigil sa paghakbang si Berto kaya lumingon sa kanya si Congressman na may pagtataka. Tumambad kay Congressman ang nakatungong tauhan habang nakatingin sa baba. "'Wag mong sabihin na kahit isa man lang ay walang nakabalik sa kanila?"
Tumango si Berto mula sa sinabi ni Congressman. "Gano'n nga, Congressman," mahinang pagkakasabi ni Berto na may pangamba sa magiging reaksyon ni Congressman.
"Kung gano'n, ang lalaking dumating ay siya ang Congressman?" muling usal ni Zyros sa kanyang isipan. "Ikaw pala ang utak sa lahat ng ito?" dagdag pa nito at biglang bumangis ang kanyang itsura.
Kahit gusto nang sumabog ni Congressman ay pinilit niyang kumalma dahil inaasahan niya na may ginawa si Berto para mahanap ang mga tauhan nila. "Nagpadala ka na ba ng mga tauhan para hanapin sila?" pagtatanong na nito.
"Hindi pa, Congressman—" Magsasalita pa sana ito subalit biglang nagtaas ng boses si Congressman na ikinagulat ng lahat. Lahat ng mga tauhan nila ay napunta ang tingin sa kanila dalawa.
"Bakit hindi ka nagpadala ng tao natin para hanapin sila?! Ikaw ang may hawak sa kanila kaya dapat ikaw ang gumagawa ng paraan!" bulyaw nito. Namumula na rin ang mga mata ni Congressman dahil sa galit na nararamdaman niya. Maski ang dalawang tainga nito ay namumula na rin. Napasapo siya sa kanyang noo at hinilot-hilot niya iyon para kahit papaano ay mabawasan ang init ng kanyang ulo.
"Kung magpapadala pa tayo ng mga tauhan, baka hindi na naman sila makabalik, Congressman. Marami na po ang nalagas sa mga tauhan natin!" katwiran naman ni Berto.
Napatingin ng masama si Congressman kay Berto at mabilis niya itong nilapitan kasabay mahigpit nitong pagkakakapit sa kwelyo ni Berto gamit ang dalawang kamay ni Congressman. "'Di maghanap ka pa ng ibang mga tauhan kahit saang lugar pa 'yan dito sa Pilipinas! Wala akong pakialam, basta ang gusto ko, mahanap ang halimaw na 'yun!" impit subalit madiin nitong pagkakasabi kay Berto habang naniningkit ang mata sa galit.
Rinig na rinig iyon ni Zyros kaya nagsisimula na naman siyang manggigil sa galit.
Nagulat si Berto sa naging reaksyon ni Congressman kaya hindi agad siya nakapagsalita. "Naiintindihan mo ba ako?" madiin ulit na tanong ni habang pinipigilan pa ang labis na galit.
Nataranta si Berto kaya sunod-sunod ang pagtango na ginawa niya. Ilang segundo lamang ay binitawan na siya ni Congressman at nagawa pa nitong ayusin ang kwelyo niya na tila may pagbabanta. "Good! Dahil kilala mo ako kapag nagagalit, Berto!"
"Y-yes, Congressman!" nauutal-utal nitong sagot.
Matapos marinig ang sagot ni Berto ay tumalikod na ang Congressman at muling humakbang papasok sa tent nila. Natataranta namang sumunod si Berto para ihatid si Congressman sa loob. Subalit laking gulat nila ng makita na walang mga buhay ang limang tauhan niya na nakaharap sa computer. Nagkalat ang mga dugo nito sa baba at wala man lang nakapansin dito. May tatlong nagbabantay sa labas ng pintuan subalit hindi man lang nila nakita na may nakapasok na pala sa loob.
Kaya napasigaw na naman sa galit ang Congressman. "Wala man lang nakapansin sa inyo?" malakas na bulyaw nito sa tatlong nasa labas. Importante sa kanya ang apat na iyon dahil sila ang nagbabantay sa tracker sa. Sila ang nakakaalam kung may masagap silang ginto dahil sa teknolohiyang gamit nila. Maski si Berto ay hindi makapaniwala sa nakita.
Sa galit ni Congressman ay binunot niya ang dalawang baril niya na kwarenta y singko at pinaputukan ang tatlo. Kaya walang buhay na bumagsak ang tatlo sa lupa dahil sa noo nila tumama ang bala ng baril. "Para sa halimaw ang bala ng mga ito, pero kung tatanga-tanga kayo, sa inyo ko ipuputok gagamitin ito!" madiing pagkakasabi niya kay sandaling natahimik ang lahat ng manggagawa pati na ang mga tauhan nila nasa paligid lamang.
Natulala na lamang si Berto dahil sa ginawa ni Congressman sa mga tauhan niya. Si Congressman ang nagpapasahod sa kanila subalit si Berto naman ang nagdala ng mga ito sa kanya.
Matapos iyon ay tumalikod si Congressman sa tatlong katawan na nakahandusay sa lupa na walang mga buhay. "Ipalinis mo lahat 'yan!" utos nito kay Berto at binaling niya ito na may matalim na tingin. Pagkatapos ay ibinalik niyang muli ang dalawang baril niya sa magkabila niyang baywang at muling isiniksik. Matapos maisiksik ang dalawang baril ay may dinukot ito sa isang bulsa niya. Isang kulay puting tela at pinunasan ang dalawa niyang kamay na natalsikan ng dugo.
Napalingon pa siya sa apat na nakatungo sa lamesa nila sa harap ng computer na walang mga buhay bago tuluyang humakbang pabalik ng sasakyan. Hindi na siya tumuloy sa pagpasok dahil sa mga walang buhay na tauhan niya na naroon.
Kitang-kita ni Zyros ang nanggagalaiting mukha ni Congressman habang pabalik sa kanyang sasakyan. Pabagsak pa nitong isinara ang pintuan ng kanyang kotse at narinig niya pa ang malakas na sigaw ni Congressman mula sa loob. Alam niya na galit na galit na ito sa pagpaslang niya sa apat na lalaking nasa loob ng tent. Hindi talaga nila maririnig ang ginawa na pagpaslang ni Zyros dahil sa lakas ng ingay sa buong kapaligiran. Ingay mula sa generator na gamit nila at sa truck na may matulis na bagay sa dulo nito na nagpapayanig sa kapaligiran kapag nagtitibag ng bato.