Chapter 20

1116 Words
Ang tahimik lugar, at mga kabahayan sa paanan ng bundok ng Death Forest ay biglang nabulabog dahil sa pagdating ng limang malalaking truck lulan ang mahigit anim na pong mga minero. Sa mga malalaking truck kasi nila isasakay ang mabubungkal nilang lupa mula sa bundok. Pagkatapos ay ibebenta ni Congressman Richard ang lupa sa mga nagpapatayong malalaking building upang mapakinabangan. Nakasunod naman ang dalawang malalaking backhoe na gagamitin nilang pambungkal ng lupa. At ang panghuli ay ang dalawang malalaking bulldozer. Naroon din si Congressman lulan ng kanyang sasakyan kasama ang pinagkakatiwalaan nitong si Berto. Puro armado ang mga kasamahang minero ni Congressman dahil hindi basta-bastang lugar ang papasukin nila. Sandaling tumigil ang mga ito sa paanan ng bundok at lumabas ng sasakyan si Berto. "Makinig kayo!" Pagkuha ni Berto sa atensyon ng kanilang mga kasamahan. "Alam niyo naman siguro na hindi basta-basta lamang na lugar ang papasukin natin! Kaya matuto kayong magmatyag sa paligid oras-oras. Isang maling galaw niyo lang ay maaari kayong mamatay sa bundok na 'yan! Binaling niya ang paningin sa bundok na nasa kanyang likura habang nakaharap sa kanilang mga tauhan. "Kapag may nakita kayong kahit na anong mababangis na hayop na sa tingin niyo ay maaaring kumitil sa inyong mga buhay ay 'wag na 'wag kayong mag-aatubili na gamitan ng mga dala niyong armas! Wala pa ni isa ang nakakakita sa halimaw na pumapatay sa Bundok na 'yan, kaya kailangan niyong talasan ang inyong mga pakiramdam! Maliwanag ba?" Sabay-sabay na sumagot ang lahat na mga minerong nakasakay sa truck. "Maliwang, Bosing!" Kaya napangiti na naman ng mapait si Congressman dahil matutupad na ang ilang dekada niyang pinaghandaan. Naglabasan naman ang mga resendente sa lugar na iyon at tahimik silang pinagmasdan. Kahit alam na ng mga resendente sa lugar na iyon ang pakay nila ay hindi na lang sila kumibo dahil alam nila na hindi rin magtatagumpay ang plano ni Congressman. At ilang beses na nila iyong napatunayan. Kaya imbes na magalit dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan ay binaliwala na lamang nila iyon dahil alam nila na mabibigo lamang ang mga pahangas na iyon. Nang matapos nang paalalahanan ni Berto ang kanilang mga tauhan ay kaagad na siyang sumenyas na pasukin na ang tarangkahan ng bundok. Pagkatapos ay kaagad na siyang bumalik sa sasakyan ni Congressman at sinundan ang mga sasakyan na nasa unahan nila. Gamit ang malalaking ngipin at lakas ng backhoe ay nalilinisan nila ang daan mula sa mga malalaking puno na nakaharang sa kanilang daan. At bawat puno na natutumba ang sinisikwat ng backhoe at isinasakay sa truck. Mapapakinabangan pa kasi nila ang mga iyon. Mahina lang ang papagtakbo nila dahil mabagal lang namang umandar ang bulldozer pati na ang backhoe. Bukod sa mga dala nilang sasakyan ay may dala rin silang pamutol ng puno, tulad ng truso. May mga makenarya din silang dala para magamit sa pagmimina. Ilang container din ng krudo ang dala nila para sa gagamitin nilang makenarya. May mga ilang pirasong mahahabang bakal na maaari nilang magamit sa paggawa kanilang tent. Dahil iyon ang magsisilbing pahingaan ni Congressman kapag naroon siya sa bundok. "Nakahanda na ba ang mga tracker natin, Berto? madiing tanong ni Congressman dito. Sa ibang bansa niya pa binili ang gagamitin nilang tracker para ma-detect kung saang parte sa bundok namumugad ang pinaniniwalaan niyang ginto. Nakaset-up na ang lahat ng tracker sa loptop ni Congressman. At sa oras na magbigay ng senyales ang tracker kung saang parte ang may ginto ay kaagad nila itong makikita. Maya-maya ay may dinukot si Congressman sa loob ng itim niyang brief case na dala. Tumambad ang isang makalumang papel na halos manilaw-nilaw ang ang kulay dahil sa kalumaan. Mapa pala iyon ng bundok. Galing pa daw ang mapa na iyon sa kayang mga ninuno. Mariin niya iyong tinitigan na tila kinakabisado ang bawat guhit na nakasulat dito. Maya-maya ay muli niya itong ibinalik sa dating lagayan at biglang sumilay ang malalapad at mapait nitong ngiti. Makalipas ang halos mahigit isang oras ay tumigil na ang kanilang sasakyan. Bumaba ang isang driver ng malaking backhoe at lumapit sa sasakyan kung saan lulan si Congressman. Binuksan ni Congressman ang bintana ng kanyang sasakyan at matamang sinalubong ang may edad na lalaki. "Hanggang dito na lang po tayo, Congressman. Ito lang ang nakikita kong pwede nating tayuan ng tent. Puro malalaking bato at hindi na pantay ang lupa sa bandang unahan. Delekado na po kung lalayo pa tayo." seryosong pagkakasabi nito. Bumaba si Berto at naglakad papunta sa unahan upang makita ang paligid. At sa tansya niya ay malapit na sila sa gitna. Kung tutuusin ay hindi naman malayo iyon kung sa normal na kalsada lamang ang pagbabasihan. Sadyang mabagal lang ang pag-abante ng kanilang sasakyan dahil sa matarik at maalon-alon na daan. Dagdag pa ang mga nakabanlandrang malalaking biliugan na bato sa daan. Kung susuriin mo ang taas ng bato ay tila kasing taas ng isang apat na taong gulang na bata. Mabuti na lang may dala silang backhoe at bulldozer na siyang nagpapagaan sa paglilinis ng kanilang daanan. Inikot-ikot niya pa ang paningin sa kabuuhan ng paligid kung saan siya nakatayo. "Kakaiba talaga ang lugar na ito. Malayong-malayo ang itsura sa mga karatig na bundok na pinagmiminahan namin," bulong ni Berto sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay isang paraiso sa ganda ang lugar na tinitingnan niya. Kahit sinasabi ng mga tao na nakakatakot ang lugar na ito ay hindi niya iyon naramdaman. Tumatambad kasi sa harap niya ang mga kakaibang punong kahoy na tila kumikinang dahil sa sikat ng araw. Kakaiba rin ang liwanag sa paligid na tila walang kadiliman na bumabalot sa bundok. Ultimo mga d**o na hindi niya kilala ang pangalan ay puno-puno ng mga iba't-ibang kulay ng bulaklak na pinapalibutan ng mga iba't-ibang kulay ng paru-paro. Ang ibang bundok kasi na pinagmiminahan nila ay karamihan kilala niya ang mga pangalan ng mga malalaking kahoy. Subalit sa bundok na ito ay hindi niya matukoy kung anong klaseng kahoy ang mga ito. Karaniwan din sa mga d**o na nakapaligid ay puro mga damong ligaw na talagang pamilyar na sa kanila. Kapansin-pansin rin sa kanyang paningin ang kulay ng mga dahon pati ang laki ng mga puno na tila isang likha lamang ng tao. Para kasi itong napinturahan ng mga matitingkad na kulay. Lalo na kapag natatamaan ng lakaibang sikat ng araw. Maski ang katawan ng puno ay may mga nakapulolupot na sa tingin niya ay ligaw na d**o, pero puno ito ng bulaklak. Kahit ang mga malalaking bato sa paligid ay tila isang pilak ang itsura. Kakaiba rin ang kulay ng lupa na inaapakan niya. Kukay pula ito at ngayon lamang siya nakakita ng ganito. Karaniwan sa nahuhukay nilang lupa ay madrigal na kulay brown.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD