Enjoy reading! Gabi na nang matapos ang birthday ni Shiela. At dahil inaantok na rin si Josh ay nagpaalam na ako kay Shiela. "Thank you sa pagpunta." Sabi niya at hinalikan sa pisngi ang anak ko. "You're welcome po, ninang." Inaantok na sagot ng anak ko. "Sasakay lang ba kayo sa jeep? Pasensya na hindi ko kayo masasamahan sa pag-uwi. May mga bisita pa kasi." Sabi niya. "Okay lang. Kaya naman namin. At saka isang sakay lang naman." Sagot ko. "Hatid ko na kayo." Napatingin ako sa likod ko nang magsalita roon si Diether. "Ninong." Tawag sa kanyan ng anak ko. Agad niyang binuhat si Josh. "Antok ka na ba?" Tanong niya. Tumango lang ang anak ko at yumakap sa kanya. Tinuturing ni Josh si Diether bilang pangalawang ama niya. Kaya magkasundo sila palagi. "Mabuti na lang at nandito

