Chapter 18

1768 Words

Enjoy reading! Kuntento na ako sa kung anong mayroon ako ngayon. Masaya na ako na kasama ang anak ko. Masaya kami kahit dalawa lang kami. At sapat na sa 'kin na makita kong masaya ang anak ko. Sa lumipas na limang taon ay wala akong ginawa kung hindi ang alagaan ang anak ko. Ilang buwan pagkatapos kong manganak noon ay bumalik ulit ako sa pagtuturo. Kumuha si Tita Maryen ng mag-aalaga sa anak ko. Kaya hindi ako nahirapan. "Mama, gusto ko ng cars." Pamimilit ng anak ko. Ilang beses niya ng sinasabi sa 'kin 'yan. Kahit na marami naman na siyang nabili. Pati ang hilig ng ama niya sa mga sasakyan ay mukhang namana niya pa. "Tama na muna 'yan. Marami ka ng laruan." Sagot ko. "Pero, ma...." "Josh Emmanuel, huwag matigas ang ulo." Agad siyang tumahimik. Sa tuwing babanggitin ko ang bu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD