Enjoy reading! Hindi ko akalain na ganito kahirap maging buntis. Lalo na at ako lang mag-isa. Napapunas ako ng luha sa mga nangyayari sa akin ngayon. Sa lumipas na siyam na buwan ay tanging si Shiela lamang ang naging kasama ko. Si Shiela lamang ang nahihingian ko ng tulong. Siya lang ang malapit na mahihingian ko ng tulong. Nagkaayos na rin kami ng mga magulang ko. Pinangako ko na sa sarili ko simula nang umalis ako roon na ayoko na muling bumalik pa. Natatakot na ako. Naka balik na rin ako sa pagtuturo. 'Yon nga lang. Huminto ulit ako dahil kabuwanan ko na. Kaya nakakulong lang ako palagi sa bahay. Sina mama na lang ang pumupunta sa akin dito sa Sta. Barbara. At dahil sa layo ng lugar na 'to ay minsan lang sila makapunta. Masaya na rin ako sa ganon. Pati sila ay excited na rin na m

