Enjoy reading! Pagdating ko sa bar ay agad kong nakita si Shiela sa labas. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa 'kin. "Tara na sa loob." Sabi niya at hinila ako papasok sa loob ng bar. Agad na sumalubong sa amin ang ingay at usok. Agad na naghanap si Shiela ng pwesto. Ngunit nahagip ng aking mga mata ang isang grupo ng mga babae na nagtatawanan. At aksidenteng napatingin ang isa sa kanila sa kinatatayuan namin. At kumaway 'yon sa amin. At agad na nakilala ni Shiela ang babae. Pamilyar din sila sa 'kin. Agad na lumapit si Shiela sa kanila. At sumunod din ako. Agad silang binati ni Shiela. "Hi, girls. Kumusta?" Tanong ni Shiela sa kanila. "We're fine." Sagot ng isang babae habang tinitingnan ako. "Meet my friend. Anthonette Castillo." Pagpapakilala sa 'kin ni Shiela sa

