Enjoy reading! Gabi na nang dumating ako sa bahay. Napag desisyunan ko na magluto ng marami dahil gusto kong isorpresa si Aiden pagdating niya. Alas syete na ng gabi at excited na akong ibalita sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sigurado akong matutuwa siya. Pagkatapos kong magluto ay pumunta ako sa kwarto upang maghugas ng katawan. Ilang minuto akong nanatili sa banyo at pagkatapos ay agad na akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Ang akala ko ay paglabas ko ng kwarto ay makikita ko na si Aiden. Pero wala pa rin siya. Tiningnan ko ang aking cellphone kung nag text ba siya. Pero wala rin. Nasaan na kayo 'yon? Bakit wala pa siya? Alas otso na ng gabi pero wala pa rin siya. Umupo ako sa sofa sa sala. Dito ko nalang siya hihintayin. Kahit na nagugutom na ako at takam na takam sa m

