***
Chester's Pov
Napaiyak si Shiela sa nangyari. Napa-upo siya sa sahig at parang batang hindi matigil ang pag-iyak.
"Sabi ko na sayo eh! Sana hindi na lang tayo nagtatakbo papunta dito!" giit sa akin ni Mkcleine. Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
"Anong gusto mong palabasin?! Na ako ang may kasalanan-"
"OO! Nang dahil sayo may namatay nanamang kaibigan natin! Padalos-dalos ka kasi ng desisyon hindi mo i-iniisip kung ano ang kahahantungan nito!" sigaw niya sa akin.
Uminit ang pisngi ko sa kanyang sinabi. Uminit ang dugo ko at parang nangangalaati.
"Anong gusto mong mangyari ha!? Doon na lang tayo hanggang sumapit ang araw!? Paano kung hindi natin maabutan ng buhay si Judy Ann!? Ha!?" sigaw ko sa kanya.
Hinawakan ako ni Harlyn at hindi ko pa alam na nandun sila.
Pinakalma niya ako dahil parang hindi na ako makapagpigil sa nangyayari.
"Oo may maliligtas tayong isang kasamahan natin! Pero may isa namang nawala! Parang wala rin lang ang pinagharipan natin!" sigaw niya.
Sasagot pa sana ako ng biglang sumigaw si Shiela mula sa pagkakaupo niya.
"TUMIGIL NA KAYO PWEDE BA!? WALANG MANGYAYARING MAGANDA SA PAGBABANGAYAN NIYO! TAPOS NA ANG NANGYARI, WALA NA MOVE ON!" sigaw niya.
Napatingin sa amin sila Ginang Rosenda at ang kanya pang mga kasama.
"Wag kayong maiingay anjan pa ang mga abwak." pahayag nito sa amin.
Naging tahimik ang loob ng bahay. Hindi kami nagpapansinan, walang nagsasalita sa amin. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Judy Ann. Ibinigay ko ang nakuha namin, agad namang pina-inom ni Ginang Rosenda si Judy Ann ng katas ng bunga na nakuha namin.
"Mamaya unti-unti na siyang gagaling yan. Wag kayong mag-alala magigising na siya maya-maya pa." sabi niya sa amin.
Tumango lang kami. Napatigin ako sa Mamang nasa harapan namin at sa lalaking kasama nito.
"Ako pala si Roger at itong anak ko naman ay si Cody. Tinulungan namin ang mga kaibigan niyong hanapin kayo." sabi nito sa amin.
Napatingin ako sa gawi nila Harlyn. Nakatingin rin sila sa akin. Agad akong lumapit sa kinaroroonan. Umpo ako sa tabi nila at hinawakan ang balikat ni Harlyn at iharap sa akin.
"Ba't pa kayo nagpunta dito/" tanong ko habang may pagkadiin ang boses ko. Nag-aalala lang ako, mas dumami kami, mas marami kami at tyak na mas maraming mawawala ang buhay ngayon dito.
"H-hinanap namin kayo. K-kung saan na kami nakarating buti na lang at nanjan sila Cody na tumulong sa amin." sagot nito sa akin.
"Sana hindi na kayo nagpunta dito salugar na ito! Alam niyo bang dilikado dito ha!?"
"Nung una hindi namin alam. Sinabi lang sa amin nila Cody kung ano ang nangyayari dito. ANg gustolang naman namin eh yung mahanap kayo at masiguradong kung'ok lang ba kayo."
Napabuntong hininga na lang ako. Wala na kaming magagawa. Wala na nandito na sila eh pero ang kinababahala ko lang hindi naman forever na nandito na lang kami.
"P-paano ba kayo napunta dito? Bakit bigla-bigla na lang kayong nawala sa school trip?" seryosong tanong nito sa akin.
Sumeryoso ang mukha ko at sinagot ko ang kanyang tanong. Ikinwento ko ang lahat ng nangyari noon. Yung mga hirap na dinanas namin sa nangyari. Hbanag kinukwento ko iyon ay bumanbalik lahat ng mga pangyayari,yung mga p*****n at iba pa.
"Kayo? Anong nangyari noon?" tanong ko rin sa kanya.
Ikinwento niya rin sa akin ang lahat ng nangyari noon. Nagulat ako ng kasama pala sila Mariela at Jamaica sa mga pumapatay. Ikinwento niya rin sa akin kung paano sila nakaligtas dahil sa tulong noon ni Sir JP.
Hindi ko na lubos maisip ang mga nangyari na noon sa amin. Kung paano nagsimula ang lahat. Nung si Sir Bueno palang ang namamatay at ang kasunod ay si Rosemarie at iba pa. Sila lang ang nakaligtas wala ng iba.
Marami na kaming pinagdaanan tapos ito nanaman, mas mahirap ito kaysa noon yung p*****n, yung mga bankay pero iba talaga ito. Iba ang kalaban namin isang aswang at hindi namin alam kung paano masosolosyonan ang mga nangyayari dito sa lugar na ito. Hindi naman pwedeng basta basta na lang kaming aalis dito, paano ang mga tao dito? Paano si Ginang Rosenda na tumulong sa amin? Hindi naman pwedeng pabayaan na lang namin sila. Kung aalis kami dapat kasama rin sila, kung makakligtas kami dapat kasama rin sila.
Kinaumagahan ay nagising kami ng maaga. Kulang na nga ang tulog namin naging pa kami ng ganitong oras. Medyo sumisikat na rin ang arawkaya tumayo na kaming lahat.
Nagdiretso ako sa pintuan at binuksan ito pero ssa pagbukas ko ng pintuan ay halos masuka ako sa nakita ko. Ang katawan ni Jessa na puro mga laman niya ang nakikita.
Isinara ko kaagad ang pintuan at napasandal doon. Napatingin sila Shiela sa akin at iba pa.
"Bakit?" tanong ni Rica at lumapit sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Parang natuyo ang lalamunan ko at parang may bumara na kung ano.
Pipigilan ko sana siya na buksan ang pintuan pero huli na ang lahat. Nabuksan na niya at halos lumabas ang kanyang mga mata sa pagkagulat.
"AAAAHHHH!" sigaw nito.
Lumapit silang lahat sa kinaroronan namin. Napatakip silang lahat ng bibig sa nakita at si Reynalyn ay nasuka sa kanyang nakita.
Ikaw ba naman ang makakita ng isang katawan na puro laman lang ang makikita mo, ang utak, ang mga iilang laman niya sa katawan. Hindi ka ba masusuka doon.
Napagpasyahan naming lahat na ilibing si Jessa sa likod ng bahay. Gumawa kami ng malaking hole at inilagay namin doon ang kanyang bankay. Gumawa rin kami ng krus at ipinako sa lupa kung saan nakabaon ito.
Nilagyan rin namin ng bulaklak.
Nakatingin kami doon sa kanyang lupa at sila Rica at Harlyn ay nagyayakapan habang umiiyak. Naiiyak narin ang iba dahil sa pagkamatay ni Jessa. Wala kaming magawa, wala.
"Hindi sana nangyari-" hindi natapos ang sasabihin ni Mkcleine ng biglang nagsalita si May-Ann.
"Ano ba!? Pwede ba tumahimik na kayo! Tapos na ang lahat! Wala na ang kailangan na lang nating gawin ay kalimutan at humanda sa mga darating pang pagsubok dahil hindi natin alam na mamaya o kinabukasan may-isa nanaman sa atin ang mawawala!" sigaw nito at umalis na.
Natahimik kaming lahat sa kanyang sinabi.
Yes, maybe it's my fault pero nangyari na.
Nagsibalikan na kaming lahat sa loob ng bahay.
Nadatnan namin si Ginang Rosenda na nag-aayos ng bintana. Nilalagayan niya ito ng kahoy. Nagtaka kami sa kanyang ginagawa. Napatingin rin ako kina Mang Roger na tumutulong din.
Dahil sa vurious akong tao tinanong ko kung bakit.
"Ano pong ginagawa niyo?" tanong ko at lumapit ako kay Ginang Rosenda.
"Mas-sinesecure ko ang bahay" sagot nito.
"Bakit po?" nagtataka kung tanong sakanya.
"Dahil mamayang gabi ay bilog ang buwan." sabi nito sa akin.
Nagtaka ako. Ano namang kinalaman ng bilog na buwan sa mga nangyayari. Bakit? May hindi pa ba kami nalalaman?
"Ha?" naguguluhan kung tanong sa kanya.
Tumigil siya sa kanyang ginagawa at hinarap niya ako.
"Dahil kapag bilog ang buwan nag-iibang anyo ang mga abwak at mas-lalo silang lumalakas." sagot nito.
Kinilabutan ako sa narinig ko at mas lalong nadagdagan ang takot na nararamdaman ko.
***