Chester's Pov
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. Ibig sabihin hindi ganun ang tisura nila? at maslalong lalakas pa sila?
Unti-unti rin naman akong nakabawi sa pagkabigla sa kanyang sinabi. Napatingin ako kay Ginang na patuloy parin sa pag-aayos.
"Ano po ang kaialangan naming gawin? Ano po ang pwede naming maitulong?" tanong ko sa kanya.
Tumigil siya sa pagaayos at humarap sa kinaroroonan ko. Itinuro niya ang likod ng bahay kaya nagtaka naman ako.
"Kunin niyo yung, tatlong galun ng suka doon sa likod, yung mga asin at bawang. Ipalibot niyo sa bahay." sabi nito.
"Bakit po? Makakatulong po ba 'yun?"
"Oo. Epektibo ito para hindi tayo maamoy ng mga abwak mamayang gabi. Ang abwak ay hindi nakakakita. kundi nakakrinig lang ito at nakaka-amoy." lahad nito.
Tumango ako sa kanyang mga sinabi. Hindi na ako nagsayang pa ng oras kaya sinabi ko na sa mga kasamahan namin ang gagawin namin para matapos namin ang paghahanda ng mas maaga.
Harlyn's Pov
Kinuha nila Shiela, Judy Ann ang asin habang si Mkcleine naman ay tig-isang galun ng suka.
Napatingin ako sa suka na nasa harapan ko. Kukunin ko na asana ito ng biglang may humawak kaya naman ang nahawakan ko ay ang kanyang kamay. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang mukha ni Cody na nakatingin rin sa akin.
Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa aking kamay ng nahawakan ko ang kanya.
Agad rin naman akong lumayo at inilagay ang kamay ko sa likod ko tyaka nahihiyang napakamot ng ulo.
"Ikaw na." nahihiyang saad ko at tumingin sa ibang direksyon.
Wala siyang sinabi o reklamo man lang basta binuhat niya na lang ito. Suplado talaga ng lolo niyo alam niyo. Sayang gwapo pa siya pero suplado.
"Harlyn, tulungan mo ako dito sa mga bawang." napatingin ako kay May-Ann na nagpupulot ng mga bawang sa lupa.
Naawa naman ako sa kanyang sitwasyon. Iisa lang ang ginagamit niyang kamay sa pagpupulot. Nagtataka ako kung bakit nawala ang kanyang isang kamay.
"A-anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanyang habang nakatingin sa kanyang nawalang kamay.
Napatingin siya sa akin at napatingin siya sa kanyang kamay na wala. Biglang nag-iba ang anyo ng kanyang mukha. Kumunot ang noo niya at biglang sumama ang timpla niya.
"Wala!" masungit na sabi niya. Nabigla ako dahil sa napalitan ng maamong tinig kanina na ngayon ay masungit na.
"Ha? O-ok." sabi ko na lang at hindi na nagsalita at tinulungan ko na lang siya sa mga bawang.
Pagkatapos naming magpulot ng bawang ay agad kaming sumunod sa kanila. Pumunta kami sa harapan ng bahay para tignan kung paano ang gagawin.
Pagkapunta namin sa tapat ng bahay ay nakita namin ang mga kasamahan nain na nakatayo doon at nag-uusap.
"Paanong lalakas?" tanong ni Mkcleine.
"Hindi ko rin alam kung paano basta ang sabi niya kapag bilog ang buwan ay mag-iiba ang anyo ng mga abwak at mas magiging malakas pa sila." pahayag ni Chester sa amin.
Nagulantang ako sa kanyang sinabi. Ibig sabihin mas malakas pa sila? Ano na ang gagawin namin?
Bakit ba kami napunta sa klaseng lugar na ito? Ang gusto lang namin ay mahanap sila Chester at makaalis pero mukhang matatagalan pa ata kami bago kami makaalis. Sa katunayan isa lang ang puno't dulo ng lahat ng krimen na ito, kung bakit ganito ang nangyayari ngayon isa lang kundi si Krisanta! Plinano niya talaga ang lahat ng ito at tinotoo nya na wala siyang ititra. Wala siyang puso! Wala siyang kasing-sama! Kung hindi dahil sa kanya kung hindi dahil sa paghihiganti niya sana wala kami dito sana maayos ang lahat sana wala noong namatay at sana nag-aaral pa kami noon at sama-sama kami pero hindi eh!
"Paano 'yan? Ni hindi na nga natin kaya noon ang mga maliit na abwak paano pa kapag lumaki sila?" tanong ni SHiela.
Walang sumagot sa kanilang lahat at pati rin ako ay wala ring makitang sulosyon sa lahat ng nangyayaring ito. Sana matapos na ang lahat ng ito, sana panaginip lang ang lahat na ito! Pero hindi eh this is a reality, we just need to face the truth, we just need tp be brave, storng and tactic so that we can live together!
Pero ang tanong paano nain gagawin iyon? Eh sa ganitong pangyayari ay wala na kaming makitang sulosyon?
Minsan gusto ko naring sumuko pero hindi ko magawa. Bakit? Dahil naiisip ko kung paano kami makipagpalaran noon,paano kami sama-sama sa mga nangyari noon, at kung paano kami ngayon nandito. Ngayon pa ba ako susuko? Sa katunyangan nga parang patay narin ako eh. alang-alang sa mga kaibigan ko gagawin ko ang lahat.
"Gusto ko ng maka-alis dito. Gusto ko ng umuwi sa pamilya ko." umiiyak na sambit ni Judy Ann sa amin na kagigising lang kanina dulot ng prutas.
"I miss my familiy too. I want to go home, natatakot ako sa posibleng mangyari." umiiyak rin na sabi ni May-Ann sa tabi ko.
Sino ba naman ang hindi makakamiss sa mga magulang namin? Ilang buwan na naming hindi sila nakakasama? Ilang araw? Namimiss ko na 'yung sabay-sabay kaming kumakain tuwing gabi, yung nagkwekwentuhan kami at nagtatawanan, yung masaya kami. Namimiss ko narin sila Papa at Mama. Kamusta na kaya sila? Ok lang ba sila? Hinahanap ba nila ako? Yang mga tanong na iyan ay hindi ko pa ngayon masasagot, masasagot lang ang mga iyan kapag naka-alis na kami dito sa lugar na ito.
"Sana matapos na ang lahat ng ito. Pagod na pagod na ako." sabi ni Reynalyn.
"Kung gusto niyong maka-alis dito sa lugar na ito bilisan nating ipalibot ang lahat ng ito sa buong bahay at bukas na bukas hahanap tayo ng sulosyon kung paano tayo makakaalis dito sa lugar na ito" sabi ni Chester.
"Bilisn na natin." sabi ko sa kanila.'
Kinuha namin ni May-Ann ang mga bawang at ipinalibot sa buong kabahayan, sila Chester naman ay ibinuhos ang mga suka, ipinalibot nila ito pati rin ang mga asin. Tulad ng sabi ni Ginang Rosenda ay aming ginawa at wala kaming inaksyang oras/
Hanggang sumapit na nga ang gabi at nasa loob lang kami ng bahay, tanging takot at kaba ang nararamdaman naming lahat.
Third Person's Pov
Nang gabing iyon. Biglang nagliliparan ang mga ibon sa mga kapunuan, nagtatahol ang mga aso.
Maslalong natakot sila Chester at kanyang mga kaibigan sa posibleng mangyari. Nsa loob lang sila ng maliit na bahay at madilim. Walang nagsasalita sa kanila tanging paghinga at pintig lang ng puso nila ang iyong maririnig.
Bagama't sa kabilang dako ng bayan may mga hindi mawaring uri. Para silang tao, pero kakaiba sila. Iba ang kanilang galawa para silang mga zombie, pero bigla-bogla na lang may isang tao na pumunta sa kanilang harapan.
"Ipahid niyo sa inyong katawan ito at maghasik na tayo ng lagim." sabi niya.
Malalim ang boses nito at nakakatakot.
Tulad ng sabi niya sinunod naman nila ang kanyang sinabi tinampisaw nila ang kanilang kamay sa baldeng nasa harapan nila at ipinahid nila ito.
Bigla-bigla na lang nag-iba ang anyo nila, ang payat na katawan nila ay biglang lumaki mas malaki pa sa aso. Ang mukha nila ay kakaiba, mas nakakatakot pa sa tigre.
"Awwwoooo" ungol nila.
Lahat ng tao sa lugar ay maslalong natakot dahil alam nilang paparating na sila.
Ngumisi naman ang taong parang lider nila.
"Ganyan nga. Maghasik kayo ng lagim. Ubusin niyo ang lahat ng tao dito." sabi niya sa kanyang sarili at sinabayan pa niya ito ng nakakatakot na halakhak.
Pero sino nga ba ito? Sino ang taong ito?
***