***
Third Person's Pov
Tanging takot at pangamba ang nararamdaman ng mga nakatira sa bayan na iyon. May mga ilan ay umiiyak na sa tako dahil sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan ay hindi sila nakakatulog dahil sa mga ingay at takot nadarama nila.
Sapakat ang mga abwak naman ay nakapaligid sa bayan. Nagmamasid sila, hanggang sa may nakita silang isang lalaki na lasing na lasing at hindi alam ang gagawin.
Paika-ika itong naglalakad dahil sa kalasingan at halos matumba na siyaito.
"Oh!" sigaw niya dahil may nakita siyang papalapit sa kanya.
Sa una hindi niya alam kung ano iyonpero nung nakalapit na talaga iyon ay doon na napagtanto kung ano iyon. Nanlaki ang mga mata niya at hindi na siya nagdalawang isip na nagtatakbo.
Kahit anong bilis niya sa pagtakbo ay maabutan parin siya nito ng mga abwak dahil mas mabilis ang mga abwak sa mga tao.
Nakuha siya ng mga abwak at wala siyang awang kinain. Gurtay gutay ang mga laman nito.
Chester's Pov
Nandun kami lahat sa loob ng bahay. Nakahiga sa madilim na kapaligiran. Walang nagsasalita sa amin at tanging mabibigat lang na paghinga ang naririnig naming lahat.
"Paano sila nakaktulog ng maayos?" pabulong na tanong sa akin ni Harlyn.
"Hindiko rin alam." sagot ko sa kanya.
Totoo naman iyon. Hindi ko alam kung paano sila nakakatulog ng maayos kapag sumasapit ang kabilugan ng buwan. Ang ingay sa labas, nakakatakot n kahol ang maririnig mo dito.
"hmmmmm....hmmmmmm.. Mama!"
Hindi ko alam kung guni-guni ko ba iyong narinig ko parang may-isang batang umiiyak sa labas. Hindi ko na lang iyon pinansin bagama't ipinikit ko ang mga mata ko.
"Mama!" sigaw nito at umiyak. Napamulat ako ng aming mga mata at napa-upo mula sa pagkakahiga ko.
"Narinig mo iyon?" agad na tanong ko kay Harlyn.
Umupo rin siya at humarap sa akin.
"Ano yun?" tanong niya.
"Yung batang umiiyak sa labas."
"Ha? W-wala naman ah." sabi niya sa akin.
"Mama! Asan ka?" sigaw ng bata sa labas habang umiiyak.
Nagkatinginan kami ni Harlyn at sabay kaming tumayo. Kinuha ko ang flash light na nasa table at in-on ito. Nagtaka ang mga kaibigan namin kung bakit.
"Saan kayo pupunta? Dilikado na." sabi ni Shiela.
"May bata salabas na umiiyak. Titignan lang namin." sabi ko sa kanila.
"Sama na lang ako sa inyo." sabi ni Shiela at tumayo narin.
Nagtungo kami sa pintuan ng bahay at unti-unti naming binuksan ito. Pagbukas namin ay may nakita kaming bata kaagad malapit sa gusali kung saan kami nagmula. Nakaupo ito at sumusobsob ito sa kanyang mga tuhod.
Naaawa ako sa kanya. Sino ba naman ang magulang na iiwan ang kanyang anak sa isang madilim na lugar?
"Mama!" anito at patuloy parin sa pag-iyak.
Maya-maya pa ay narinig namin ang papalapit na mga yabag na nagmumula sa kalsada. Napatingin ako doon. Wala naman pero maya-maya pa ay may mga anino na papalapit sa kinaroroonan namin.
Malalaking mga anino at mas malaki pa sa mga aso. Sa una hindi ko alam kung ano 'yun pero nung medyo malapit na sila sa amin doon ko na lang napagtanto kung ano ang mga iyon.
Iyan na ba ang mga abwak? Ganyan ba ang itsura ng mga abwak kapag kabilugan ng buwan.
Akala ko kami ang puntirya nito pero nakatingin sila sa bata. Nanlaki ang mga mata ko at napagtanto kung bakit sila nakatingin. NBapatingin ako kay Shiela at Harlyn.
Hindi na kami nagatubiling pa na tumakbo papunta sa bata at bigla ko siyang hinagkan at pumasok sa gusali kung saan kiami nagmula.
Madilim sa parteng ito wala kangmakikita. Ang flash light ko kanina ay inoff ko baka atakihin p kami ng mga abwak kung sakali.
"Ssssshhhh!" anunsyo ko sa bata. Tumigil naman ito sa pag-yak at pasigok-sigok siya. Inalo ko ang kanyang likodpara patahanin siya.
Maya-maya pa ay narinig namin ang mga yabag na papasok sa gusali. Pumunta kami sa isang sulok at doon nagtago. Nanginginig ang mga tuhod at kamay ko habang yakap-yakap ko ang bata. Pati narin sina Harlyn at Shiela ata ay ganun din ang nararamdaman.
Papalapit ng papalapit ang mga yabag sa amin. Napapikit na lang ako ng may biglang isang nguso ang tumapat sa amin at kitang-kita mo ng matatalim na ngipin at ang laway nito. Napapikit na lang kami ng bigla niyang inamoy ang parteng kung saan kami nagtatago.
Pero hindi namin inaasahan ng bigla siyang umalis dito at pumunta sa ibang sulok.
"Uuuurrrrgggghhhh!" nakakatakot na ungol nila.
Pinagpapawisan na kami dahil sa takot at init na nararamdaman namin.
Napatingin ako sa pintuan papasok pa sa gusali. Napatingin naman ako ina Harlyn at Shiela, mukhang nalaman naman nila ang gusto kung niparating sa kanila.
Dahan-dahan kamingbtumayo at dahan-dahan kaming naglakad patungo doon sa pintuan pero sa hindi inaasahan may naapakan si Harlyn na isang kahoy kaya tumunog ito. Napatingin ang mga abwak sa amin at bigla silang nagsipunta sa kinaroroonan namin.
Nagulantang kami sa nangyari at dali-dali kaming tumakbo papunta doon. Inon ko ang flashlight ko at inilawan ang bawat nadaraanan namin. Hindi ako masyadong makatakbo dahil nasa likod ko ang bata pero kinakaya ko parin.
Napatingin ulit ako sa isang pintuan kaya naman dali-dali kaming pumunta doon. Pero kung minamalas ka naman nakalock ito. Wala kaming choice kundi sirain. Ginamit namin ang katawan namin pati narin ang paa namin para mabuksan ito at sa awa ng diyos ay nabuksan na kaya hindi na kami nagdalawang isip pa na agad na pumasok doon.
Ibinaba ko ang bata sa aking likod.
"Kumuha kayo ng pwedeng pangharang sa pintuan!" sigaw ko sa kanila habang pinipigilan ang mga abwak sa pagpasok.
Agad naman silang naghanap ng pwedeng pangharang. Kinuha nila ang malaking kabinet at iyon ang inamit namin pangharang doon.
Tuloy-tuloy ang pagkalampag ng mga abak sa pintuan pero maya-maya pa ay biglang nawala ito. Napa-upo kami sa sahig dahil dulot sa pagod at tako.
Pero hindi pa kami nakakapagpahinga ng biglang nabutas ang nasa bubong nito. Nakita namin ang mga abwak na nandun. Nataranta kaming lahat at agad kung iginayak ang bata sa likod ko at dali-daling nagtatakbo papunta ulit sa isa pang pintuan.
Biglang tumalon naman ang mga abwak kaya masbinilisan pa namin ang pagtakbo at hindi namin alam kung saan kami pupunta.
Hindi ko alam pero may isang bagay sa bulsa ko at hindi ko mawari kung ano iyon. Hinawakan ko ang bulsa ko habang tumatakbo kami at kinuha ang bagay na iyon. Tinignan ko ito at napagtanto kung ano nga ba ang bagay na iton. Bawang!
"Sa isang sulok tayo!" sigaw ko sa kanila at pumunta kami sa sulok ng pader at sama-sama kaming umupo doon.
Inilabas ko ang lahat ng bawang sa aking bulsa at inilagay sa harap namin para hindi nila kami maamoy.
"Urrrggghh!" ungol nila.
Lumapit sa amin ang ibang abwak at maslalo kaming kinabahan at natakot sa posibleng mangyari sa amin.
"Urrrggggh!" sigaw nila.
Unti-unting gumapang ang kamay ko saisang dos por dos na kahoy sa tabi ko incase kung may mangyari man.
"Achu!" biglang bahing ng bata.
"urrrgggh!" ungol ng abwak na nasa harapan namin at kakagatin na sana kami ng madali kung inihampas ang dos-por-dos na hawak ko at napahiga ang abwak.
Tumakbo nanaman kami kami sa isang pintuan. Humahabol ang mga abwak namin at hindi namin alam kung makakaligtas ba kami ngayon sa nangyayari sa amin.
Papalapit na papalapit kami pa sa isang pintuan. Nagtataka ako kung bakit ang dami namang pintuan dito bagamat kapag nasa harapan kami ng gusali parang ang liit lang nitong gusali na ito.
Mas lalo pa naming binilisan at nung nakalapit na kami sa pintuan at papasok na sana kami ng napahinto ako sa aking nakita.
Isang bangin na ito at sa baba nito ay isang tubig na rumaragasa.
Ano ito? Anong klaseng gusali ito?
"Urrrghhh!"
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang mga papakapit na papalapit na mga abwak. Napapikit na lang ako at tumalon kami sa bangin habang hawak-hawak ko ng mahigpit ang bata.
***