Kabanata 10

1134 Words
*** Chester's Pov Wala kaming choice kundi ang tumalon dito na kahit wala kaming alam kung ano ang mangyayari samin pagkatapos. Niyakap ko ng mahigpit ang bata habang nasa ere kami at bago pa kami bumagsak sa tubig ay lumanghap ako ng hangin para makahinga sa ilalim ng tubig. Paglubog pa lang namin sa tubig ay nahirapan na kami. Nabitawan ko ang bata sa aking pagkakayakap na ngayon ay kitang-kita ko sa ilalim ng tubig na nahihirapan siyang huminga. Lumangoy ako papunta sa kanya at niyakap siya bago ko inahon ang aming ulo para makahinga. Napatingin ako sa taas, biglang nagsialisan ang mga abwak doon. Napatingin naman ako sa batang hawak ko ngayon. Umuunog ito ng tubig kaya naman hinagod ko s=ang buhok niya at hinawakan ang kanyang pisngi. "Are you ok?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya habang umuubo. Hinagod ko ang kanyang likod para maibsan ang kanyang ubo. Bigla namang lumutang sila Shiela at Harlyn. Napatingin sila sa kinaroroonan namin at agad na lumangoy papunta dito. "Ok lang ba siya?" tanon ni Harlyn nung nakalapit siya sa akin. "Oo ok lang siya. Mabutipang humanap tayo ng maaahonan." sabi ko sa kanila. Napatingin ako sa kabuuan ng binagsakan namin. Hindi namin akalain na may ilog dito at gubat. Iginala ko ang aking paningin, puro mga puno, mga bato,. Anong klaseng lugar ito? Nasaan kami? "Doon tayo." ani Shiela. Tinulungan nila akong lumangoy papunta doon. nang nakarating kami sa lupa ay agad kung binuhat ang bata at tyaka inihiga sa malaking bato na nasa tabi namin.  "Ayos ka na ba? Wala bang masakit sayo?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Umiling lang ito. Napahinga ako ng maluwag at napatingin kina Shiela na namamngha sa nakikita nila. "Anong lugar ito?" tanong ni Shiela. Napanganga sila. Hindi rin ata nila akalain na may lugar na ganito dito sa Baranggay Maligaya. may nakapunta na ba dito na tao noon? "Baka ito na ang susi para maka-alis tayo sa lugar na ito." ani Harlyn. "Kahit ito man ang susi para maka-alis tayo kailangan parin nating balikan ang mga kaibigan natin at dapat kapag aalis tayo isasama natin ang mga tao dito sa bayan." pahayag ko. Bumagsak ang kanilang mga balikat at umupo sa tabi ko. Nabalot ng katahimikan ang lugar. Napatingala ako salangit at nakita ko ang mga makikinang na mga bituin. Nakikita rin ba ito ng mga magulangko ngayon? Hinahanap ba nila ako? Namimiss ko na talaga sila. "Ano na ang gagawin natin?" tanong ni Harlyn. Napatingin ako sa loob ng kagubatan. Madilim ito at ang tanging naririnig mo lang ay yung mga huni ng ibang hayop. "Hindi ko alam. Masmabuting maghanap tayo ng daraanan para makabalik sa lugar." sabi ko sa kanila. "Ha? Paano kung andun pa ang mga abwak? Ano ang gagawin natin?" tanong ni Harlyn. "Bahala na. Basta maghanap na lang muna tayo." ani ko. Lumuhod ako sa bata at akin siyang inangkas sa aking linkuran bago tuluyang maglakad. "Nakakatakot naman dito." sabi ni Shiela habang nakasunod sa amin. "Syempre nakakatakot dahil gabi. Safe ata itong lugar na ito dahil wala kang naririnig na ungol ng mga abwak." sagot ni Harlyn. Oo nga nu? nagtataka rin ako. Dapat may mga abwak dito sa lugar na ito. Dito sa isang madilim na lugar na ito pero bakit walang mga abwak? "Nagtataka lang ako. Sino kaya ang mga magulang ng batang ito?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan lang sila at nagsenyas na hindinila alam ang sagot. Napatingin na lang ako sa likuran ko kung saan natutulog ang bata. Mahimbing ang kanyang tulog, ang amo ng kanyang mukha, naawa ako sa kanya dahil iniwan siya ng kanyang ina, sino ba naman ang inang mang-iiwan sa kanyang anak sa madilim at nakakatakot na lugar. Napatingin ako sa dinaraanan namin. Halos mapatalon ako sa gulat ng may nakita akong isang parang anino ng lalaki na nakatayo doon hindi kalayuan sa amin. Kinalabit ko si Harlyn at napatingin naman siya sa akin. "Bakit?" tanong nito. "Nakita mo ba 'yun?" sabi ko at ibinaling ang tingin ko at itinuro kung saang parteng nakita ko ang anino perowala na ito. "Ha? Saan?" tanong niya."Wala naman ah." dagdag pa nito. "Meron ka-kanina eh." sabi ko. "Wag ka ngang ganyan Chester. Nakakatakot na nga ang lugar na ito mas tinatakot mo pa kami." sabi ni Shiela habang nanginginig sa takot. Hindi na lang ako nagsalaita at nagtuloy-tuloy nalang kami sa paglalakad. Para kaming bukag doon na naglalakad habang may hawak hawak kaming kahoy na nagmimistulang parang kamay namin at para hindi kami ma-accidente. Patuloy lang kami sa paglalakad at nagbabakasakaling may makikita kaming bahay man dito peroalam naming imposible iyon, sino ba naman ang taong magpapatayo ng bahay sa gitna ng kagubatan diba? Ano 'yun lokohan lang? "Hindi ba kayo napapagod?" tanong ni Shiela. "Napapagod narin. Maghanap na lang kaya muna tayo ng pagpapahingaan?" tanong ni Harlyn. "Mas mabuti pa nga." sabi ko sa kanila at naghanap na kami ng pwedeng pagpahingaan at sakto namang may nakita kaming pwede naming pagtulugan. Pero habang pumupunta kami doon sa nakita naming pwede naming pagtulugan ay may biglang limang mukha na lumitaw sa harapan namin. May hawak silang kahoy na amtaas at sa dulo nito ay may patalim habang ang suot nila ay yung may saplot lang sila sa kanilang bewang. Nataranta kami ng bigla nilang itinutok ang kahot na may patalim. Nangmba kami dahil baka kung ano ang gawin nila sa amin. Itinusok-tusok nila ito, napaatras kaming tatlo at habang umaatras kami ay biglang may tumakip sa mukha namin at nawalan na kami ng malay. Halos mapamura ako ng may nagsaboy sa akin ng tubig. Iminulat ko ang mga mata ko, wala akong makita. Biglang may umalis sa takip ng mukha ko at nakita ko ang parang isang tribo na nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko sina Harlyn at Shiela. Yung bata! Agad na hinanapng mga mata ko ang bata at napahinga ako ng matuwasay ng nakita kung natutulog ito sa isang bahay na nasa tapat namin. "A-anong kailangan niyo sa amin?" tanong ni Harlyn. Biglang nagive way ang mga tao at biglang nakita namin ang isang matanda na nakahawak ng baston at naglalakad patungo sa amin. Sa totoo lang parang hindi siya nakakatakot sa kanyang itsura. Tumigil siya sa harapan naming tatlo. "Taga-saan kayo?" tanong nito. Someone's Pov "Sila Chester nawala!" sabi nitong si Mkcleine ata na kasamahan nila. "Baka kung ano na ang nangyari sa kanila." sabi ng isang babae na kaibigan niya. Baka nga sa ngayon ay patay na ang mga iyon eh. Bakit ba kasi nila naisipan pang iligtas ang isang musmos na bata sana hinayaan nalang nilang yung bata na lang ang mamatay at hindi sila pero ano ang ginawa nila, tinulungan pa nila ito kaya iyan ang napala nila. "Saan ka pupunta?" tanong nung May-Ann na wala ang isang kamay. "Hahanapin ko lang sila." sagot ko at tinalikuran na silang lahat at lumabas ng bahay. Paglabas ko palang ng bahay ay inilabas ko na ang pangil ko at tuluyan ng naging abwak. Ganyan nga, maghasik lang kayo ng lagim. Patayin niyo ang lahat ng tao na naririto at wala kayong ititra. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD