***
Chester's Pov
Pilit akong kumakawala sa taling nakatali sa aking kamay.Itinali nila kami sa isang kawayan at pabilog kaming tatlo doon.
"May kutsilyo ba kayo 'jan o kaya naman posporo?" tanong ko sa kanila ngunit pabulong.
Umiling lang si Shiela sa akin. Napatingin ako sa likuran ko kung nasaan si Harlyn. Nginuso niya ang kanyang bulsa, napataas ang aking kilay sa kanyang senyales.
"Sa bulsa mo?" tanong ko.
Tumango ito.
"Posporo lang ang nanjan sa bulsa ko." aniya.
Kung minamalas ka pa naman mahirap pa namang kunin ang posporo sa kanyang bulsa pero buti na lang at nasa likuran niya ako.
"Lumapit ka ng kaunti para makuha ko." bulong ko sa kanya.
Lumapit naman siya dito. Ang kamay kung nakatali ngayon ay iyon ang ginamit ko para kuhanin ang pospporo sa likod ng bulsa niya. Napatingin ako sa itaas habang kinukuha ko iyon, nakakangalawit, ang hirap kunin.
Biglang nahagilap ng mga mata ko ang isang lalaki na papunta sa amin kaya naman tinigil ko ang aking ginagawa.
"Ano ang ginagawa niyo?" tanong nito.
"W-wala." sagotko sa kanya.
Sa minamalas ka naman ay biglaitong umupo sa harapan namin kaya naman hindi ko maitutuloy ang aking ginagawa. Hindi kami nagsalita dahil nakataingin lang sa amin ang lalaki.
Napatingin na lang ako sa bata kung saan mahimbing pa itong natutulog. Ano ba kasing klaseng lugar itong napuntahan namin?
"A-anong balak niyo sa amin?" tanong ni Harlyn sa kanya.
"Wala kaming balak sa inyo pero ang isa naming kasamahan meron." sabi nito sa amin.
Rumihistro sa utak ko kung ano ang kanyang sinabi. SInong kaibigan? Sino 'yun? at anong balak niya sa amin? Sana naman makawala kami dito ng buhay sana naman ayos lang kami dito.
Nag-aalala narin ako kina Judy Ann doon kung ano a ang kalagayan nila, kung ok na ba sila. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila, sana ok lang sila, sana walang napahamak.
"Parang-awa mo na oh. Pakawalan niyo na kami." pagmamaka-awa ni Shiela sa kanya pero ang lalaki ay parang wala lang ito sa kanya.
Reynalyn's Pov
"Wala pa sila, Chester!" giit ko sa kanilang lahat.
"Ssssshhhhh! Wag kang maingay." pagtatahimik sa akin ni Ginang Rosenda.
"Nag-aalala na po ako sa kanila." pahayag ko dito.
Hindi ako mapakali, gabing-gabi na at wala pa sila, baka kung ano na ang nangyari sa kanila. Ayaw kung isipin na baka nakain na sila ng abwak pero iyon ang posibleng nangyari. Bakit kasi lumabas pa sila. Nag-aalala tuloy ako.
May mga abwak pa sa labas, madami pa sila.
Tumayo ako at lumapit sa haligi ng bahay. Sumilip ako sa butas nito, nakita ko ang mga abwak sa kalsada na gala ng gala.
Bigla nalang akong napaatras ng nakita ko ang isang abwak na biglang tumingin sa akin, malaki ito, kakaiba sa kanila, parang ito ata ang pinuno nila.
"Anong nangyari?" lumapit kaagad si Judy Ann sa akin at hinwakan ang aking likod.
"W-wala." giit ko at tumingin sa ibang direksyon.
Natataranta ako at hindi ako mapakali dahil sa kakaisip kina Chester, asan na sila? Kanina pa sila.
Hindi ko na kayang maghintay pa bagkus ay kinuha ko ang flashlight sa table at kinuha ang kutsilyo doon at nagtungo sa pintuan.
Bubuksan ko na sana ito ng biglang may humawak sa aking kamay. Napatingin ako kung sino 'yun. Si May-Ann.
"Saan ka pupunta?" tanong nito sa akin.
"Hahanapin ko sila Chester. Hindi ako napapanatag hangga't hindi ko pa sila nakikita." sagot ko dito.
Hindi ko inaasahan ng bigla niyang kunin ang jacket at ito'y kanyang sinuot.
"Sasama rin ako sa'yo." anito. Nanlaki ang mga mata ko. Lumapit sa amin si Ginang Rosenda.
"Baka kung ano pa ang mangyari sa inyo. Mas makabubuti pang dito na lang muna kayo." sabi niya sa amin.
Umiling lang ako sa kanya at kumuha ng ilang bawang sa table at asin at nilagay sa aking bulsa.
"Hindi po. Hindi po ako mapapanatag kung hindi ko tiyak na ligtas sila." sabi ko sa kanya.
Naging malungkot ang mukha nito. Kinuha niya ang dalawang bawang na kwentas at isnuot ito sa amin.
"Mag-iingat kayo. Wag kayong maghihwalay at kapag nakita niyo na sila, yakagin niyo na silang umalis at magdiretso dito. Maliwanag?" paalala niya sa amin.
Tumango kaming dalawa at niyakap siya.
"Opo, babalik po kaming lahat. Babalik po kaming kompleto." sabi ko.
Tumalikod na kami. Bago namin buksan ang pintuan ay nagkatinginan kami ng May-Ann at tumango. Binuksan ko na ang pintuan at isinara ito. Hindi ko alam kung makakaya ba namin, si May-Ann na walang kamay at ako na takot.
Paglabas palang namin sa pintuan ay naramdaman namin ang lamig ng hangin na dumadampi sa aming katawan. Napayakap ako sa sarili ko at unti-unting sumilip sa kalsada.
Nakita ko ang mga abwak doon. Napatingin naman ako kay May-Ann at sinenyasang lumapit sa akin.
Tinuro ko ang malaking bato malapit sa kalsada.
"Doon tayo. Kapag sinabi kung takbo tumakbo tayo ng mabilis, ok?" sabi ko.
Tumango ito. Nagsign of the cross muna ako.
"Isa....dalawa....tatlo...Takbo!" sabi ko at dali-dali kaming tumakbo papunta sa malaking bata doon.
Napatingin sa amin ang mga abwak pero bago nila kami makita ng tuluyan ay nakatago na kami sa batuhan. Napahinga ako ng maluwag. Buti na lang.
Inangat ko ang aking ulo at titignan sana ang mga abwak ng nakita kungf may paparating na isang abwak sa kinaroroonan namin. Agad akong napa-upo at hinahabol ang aking hininga. Natataranta ako at kinakabahan at the same time natatakot.
"B-bakit?" tanong ni May-Ann.
"Sssshhhhh..." aniya ko at kinuha ang bawang at asin sa bulsa ko at pinahid sa muykha namin at paa.
Humalukipkip kami sa bato para hindi makita.
Nakita ko na lang na nasa gilid namin ang abwak napapikit na lang kami at nagdasal na sana hindi niya kami mapansin.
Chester's Pov
Naka-upo lang kami doon at hirap na hirap habvang nakatali ang aming mga kamay.
Nang hindi na nakatingin sa amin ang lalaki ay ginawa ko ulit ang aking ginagawa. Pilit ko paring kinukuha ang posporo sa kanyang bulsa.
Malapit na...Hayan na... at nung nakuha ko na ito ay hinawakan ko ng mahigpit. Hinintay ko munang umalis ang lalaki sa harapan namin at nung umalis na ito ay sinindihan ko na ang posporo. Nahirapan pa akong sindihan ito pero hindi nagkalaunan ay nasindihan ko naman.
Itinapat ko ang apoy sa tali nito, napapikit na lang ako at hindi ininda ang init na dulot ng apoy sa aking kamay. Napapasok ang aking kamay pero hindi ko na lang ito iniinda. Nung nawalan ng apoy ang posporo ay nagsindi nanaman ako ng isa at itinapat uli sa tali. Napapikit na lang ako dahil sa sakit.
"Anjan na siya." sabi ng isang lalaki.
Itinigil ko ang aking ginagawa at napatingin sa kanyang tinutukoy. Nakatalikod ito pero parang pamilyar siya sa akin. Ang likod niya parang nakita ko na ito.
"Andun po sila." kahit medyo malayo ay dinig ko ang sabi ng lalaki. Itinuro niya kami.
Napatingin ang tao sa amin. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan namin, nung una hindi ko alam kung sino siya pero nung nakita ko na ng tuluyan ang mukha niya ay doon ko napagtanto kung sino ito.
Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba patay na siya?
***