V: Monochrome

3009 Words
"SINABI ko naman sa inyo na h'wag na h'wag kayong pupunta sa kakahuyan!" sermon sa kanila ng matanda nang sumapit ang kinabukasan. Pigil hininga lang si Serena sa tabi ni Gin habang pinapakinggan ang sermon sa kanila ng Lola nito. Ni hindi naman siya makapagpaliwanag dito at masabi na hindi naman sila nagtunggo sa kakahuyan kahapon. "Ang tigas-tigas talaga ng ulo ng mga kabataan ngayon. Kung ano ang ipinagbabawal siyang patuloy na ginagawa." Umiling-iling ito. Napakamot na lang siya sa ka kanyang baba habang sinusundan ng tingin ang pagliligpit ng matanda. "Kapag kayo talaga nalapitan ng masasamang espirito ro'n ay nako! Hindi ko na alam ang gagawin sa inyo." "Gin, anong gagawin natin? Hindi naman tayo nagpunta sa kakahuyan kahapon. Bakit parang ang init ng ulo ni Lola tungkol sa lugar na 'yon?" nagkibit balikat ang binatang katabi at marahang humarap sa kanya. "Kasalanan mo 'to. ayan tingnan mo si Lola ngayon, parang armalite ang bibig." Pabulong na sambit nito. "Nakikinig ba kayong dalawa sa akin?" umiling-iling ang matanda. "Puputi ang buhok ko sa inyong dalawa." "H'wag kang mag-alala Lola, maganda pa rin naman kayo kahit puti na ang buhok mga niyo." Ngiting sambit ng binata. Pansin niyang mukha namang natuwa ang matanda sa sinabi ng kanyang katabi. Pinagmasdan niya lang ito habang nakangiting kumakain ng prutas. Binalik niya ang tingin sa katabing binata na kaagad namang tumango sa kanya. Bahagya uli itong lumapit sa kanya at bumulong. "Anong gagawin natin sa araw na 'to? Nauubos ang isang buwan natin sa kakakain mo sa bayan. Sigurado ka bang iyon ang unfinished business mo?" "Kasama kaya sa bucket list ko ang mag-eat all you can. Baka siguro hindi pa ako nasasatisfy sa kinakain ko kaya walang nangyayari." "Ang sabihin mo hindi 'yon ang unfinishes business mo. Anong plano mo? Ubusin ang lahat ng mga pagkain sa bayan? Anong klaseng tiyan ang mayroon ka?" dumistansya ito sa kanya at tumayo. Sinundan naman niya ang binata na patungo sa labas ng bahay. Tuloy-tuloy lang siya sa pagsunod hanggang sa makarating silang dalawa sa likod na bahagi ng bahay. Saka niya napansin na may munting hardin sa likod ng bahay at sa palagay niya'y matatanaw iyon sa kabilang bahagi ng binata sa silid ng binata. sa 'di kalayuan ay mayroon din maliit na bahay na nagsisilbing imbakan ng ilang mga gamit sa hardin at iba pa. Napansin niyang binuksan ng binata ang pinto ro'n at pumasok. "Gin? Anong gagawin mo?" "Dito na ako matutulog mamaya." Umawang ang bibig niya sa narinig at dali-daling tumakbo patungo sa pintuan. "S'yemre biro lang." lumabas ito dala ang isang bisikleta. Balot na balot 'yon ng alikabok ngunit nananatili pa rin ang orihinal na ganda ng disenyo nito. Napakatingkad pa rin ng pintura no'n maging ang ilang parte na mukhang hindi dinapuan ng kahit anong kalawang. "Lilinisin koi tong bisikletang 'to para hindi tayo naglalakad kung sakaling may kailangan tayong puntahan habang ginagawa ang trabaho mo." Inilapit nito ang bisikleta sa kanya at pinahawak. Pinagmasdan niya lang ang binata at patuloy pa ring nagtataka sa nais nitong gawin. Pinadaan niya ang daliri sa katawan ng bisikleta't naipon ang dumi sa kanyang daliri. Muling lumabas ang binata sa maliit na bahay na 'yon dala ang mabahang hose na nakasabit sa kanang kamay nito. Sa kabila naman ay bitbit nito ang maliit na timba na kaagad din naman nitong inilapag sa damuhan. "Tulungan mo muna akong linising 'tong bike bago tayo umalis. Pero kung ayaw mo okay lang naman ikaw naman ang uupo sa maruming parte." Isnismiran niya ang binata. Bahagya niyang sinipa ang stand ng bike at maingat itong pinatayo sa kinaluluguran. Pinagpag niya ang kanyang mga kamay at dumiretso sa maliit na timbang dala-dala ng binata. Dinampot niya rin ang hose sa damuhan at binalak na ilagay sa timbang nilagyan niya ng kaunting sabon nang bigla na lang 'yong bumukas. Napabalikwas siya ng talon, pansamantalang nabitawan ang hinawakang hose at nabalot ng matinding pagkagulat. Basang-basa ang kalahati ng kanyang katawan sa biglaang pagdaloy ng tubig. "Oopss." Tanging sambit ng binata at ngumiti sa kanya. Pinandilatan niya ito ng mga mata at mabilis na dinampot ang hose. Tumakbo siya at itinutok sa binata ang hose at ipinatama ro'n ang tubig na dumadaloy. Mabilis naman itong umiwas sa kanya at tumakbo sa kabilang bahagi ng bakanteng lote na kaagad din naman niyang hinabol. Pareho silang nag-iiwasan, parehong nakadistansya sa isa't-isa. "Para kang bata, Serena. Tigilan mo na 'yan at nababasa ako!" Natawa na lang siya sa ekspresyon ng binata habang patuloy pa ring umiiwas sa kanya. "Basa ka na pero patuloy ka pa ring umiiwas!" muli niyang hinabol ang binata sa kabilang bahagi. Ipinagpapasalamat na rin niyang mahaba-haba ang hose na kanyang hawak at 'di siya gano'ng nahihirapan sa pagkilos. Tanging ang pagtawa lang nilang dalawa ang maririnig sa bakanteng lote. Sa sandaling pagkakataon ay narinig niyang tumawa ang binata kahit na parang napakahirap nitong patawanin. Dahil sa ngiting 'yon, mas lalong nag-uumapaw ang saya sa kanyang puso. Nabitawan niya ang hawak-hawak na hose nang matisod siya'y mapaupo sa damuhan. Mabilis namang dumistansya sa kanya ang hose nang hilahin ng binata ang katawan nito. parehong tumutulo ang tubig sa kanilang mga buhok, parehong naghahabol ng hininga at parehong basang-basa. "Tingnan mo 'tong ginawa mo." Asik ng binata. "Basang-basa na 'tong damit ko. Magpapalit na naman ako mamaya." Inis nitong ginulo-gulo ang basang buhok. "Ang arte naman this boy. Takot ka ba sa tubig." Itinapat nito sa kanya ang hose at winisikan ng tubig. "Bata talaga." At saka nito itinigil ang pagbasa sa kanya. minabuti na lang nitong itutok ang hose sa maalikabok na bisikleta.  "Sa totoo lang, Gin, mas okay sa 'yong nakangiti. Walang halong biro." Hindi siya tiningnan ng binata. "Kapag nakasimangot ka kasi parang monochrome ang buong mundo mo. Alam mo 'yon? Walang buhay, walang kulay." "Mas maigi pa kung sisimulan na nating linisin 'tong bisikleta na 'to nang makapaglibot na tayo sa bayan para sa trabaho mo." Nagkibit balikat siya at tumabi sa kung nasaan ang timba. Hinintay niya lang bumula ang powder soap na inilagay niya ro'n kanina. "Siguro wala ka pang girlfriend 'no? wala ka pang inspirasyon o wala pang nagpapakilig sa 'yo." "Ano bang gusto mong sabihin?" "Sinasabi ko lang na mas maganda kung hindi ka sisimangot palagi." Nilingon niya ang binata. "May nakapagsabi sa akin noon na kapag dumating daw ang taong para sa 'yo, makikita mong magkakaroon ng kulay ang buong mundo. Parang nakaksilaw na liwanag ng araw mula sa maaliwalas na kalangitan. Ang mga mata mo'y kikinang na para bang bituwin sa gabing madilim. At ang sandali na magkrus ang landas niyong dalawa, magsisimulang magbago ang lahat. Hindi ba ang galing no'n?" Ngumiti siya rito. "Ang saya siguro sa pakiramdam na bibigyan mo ng kulay ang mundo ng isang tao. Parang isang ilaw sa madilim na kapaligiran, isang makinang na bituwin sa paligid ng makakapal na ulap, isang musika sa tahimik na lugar. At sa tuwing nalulungkot siya, maalala ka niya kasama ang magagandang ala-ala na ginawa mo sa kanya." Nakita niya ang sarkastikong ngiti ng binata. Kinuha nito ang sponge sa inilubog sa timbang may laman na sabot at saka sinimulang sabunin ang bisikleta. "Totoo namang makulay ang mundo. At 'yang pinagsasasabi mo, napatunayan mo na ba 'yan? Nadadala ka lang ng mga napapanood mo sa telebisyon." Sumimangot siya sa narinig. "At sa tingin mo may telebisyon sa kabilang buhay? eh kung papuntahin kaya kita ro'n?" Asik niya. "Ang sinasabi ko lang, masyadong maikli ang buhay para magsungit ka sa lahat ng pagkakataon. At saka, naniniwala ako sa sinabi ng kaibigan ko no'n kahit na hindi ko pa 'yon napapatunayan." Binanlawan nito ang bisikleta gamit ang hose. Pansin niyang mukhang nananadya pa ang binata dahil sinasadya pa nitong patalsikin ang tubig sa kung nasaan siya nakaupo. Padabog siyang umalis sa kinauupuan at lumipat sa kabilang parte. "Ibang klase ka rin naman pala eh 'no? Naniniwala ka sa mga bagay na 'di mo pa napapatunayan." "Bakit ikaw? Naniniwala ka rin naman sa mga bagay na hindi pa napapatunayan ha? Tulad ng mga multo." Umiling-iling siya. "At ngayon, napatunayan mo nang totoo ang mga 'yon dahil nandirito ako." At saka siya nagpeace sign sa binata. "Sadyang... may mga bagay na hindi natin nakikita pero patuloy nating pinapaniwalaan. Tulad ko, na naniniwala na balang araw makikita ko ang taong para sa akin, mamahalin namin ang isa't-isa, magpapakasal, magkaka-anak hanggang sa maabot namin ang tinatawag na happy ever after. Gano'n ko maihahalintulad ang paniniwala ng mga tao sa konsepto ng pagmamahal. At siguro, balang araw, gano'n mo rin ito titingnan." Nanatiling tikom ang bibig ni Gin sa sandaling 'yon. Mula sa kanyang peripheral vision, naaninag niya ang nakangiting mukha ng dalaga. Ngiti na para bang isang bulaklak na namumukadkad sa ilalim ng maliwanag na sikat ng araw. At dahil sa nakita, hindi niya maiwasang mapaisip kung saan humuhugot ng saya ang dalaga sa tuwing sasabihin nito ang gano'ng klase ng mga salita. Napaisip siya. Marahil isang talentadong dalaga si Serena kung hindi ito namatay ng maaga. Nakikita niyang marami pa itong magagawa, marami pang mararating, maraming makilala. isang dalaga na magagawang abutin ang pinakamataas nitong pangarap dala ang ngiti na nakikita niya sa mukha nito. magagawang malagpasan ang hirap ng buhay na humahadlang sa kanyang tagumpay. Isang dalaga na maraming maibibigay na magagandang ala-ala sa mga taong nasa paligid niya. Ngunit ngayong limitado na lang ang buhay nito sa mundo, hindi pa rin siya makapaniwala na nagagawa pa rin nito ang ilan sa mga 'yon. Subalit, ang tanging hindi lang nito magagawa ay ang manatili sa mga magagandang ala-ala sa isipan ng tao. Dahil alam nilang dalawa na darating ang araw na maglalaho ang Serena na nakilala nila matapos ang isang buwan. Maglalaho ang lahat maging ang ala-ala nila sa kanya.  Sumayaw sa hangin ang buhok ng dalaga. Nararamdaman ni Gin ang pagkakahawak ng dalaga sa kanyang baywang. Hindi naman siya nakaramdam ng kung anong pagkailang ang binata sa gano'ng lapit ng katawan nila sa isa't-isa. Mukhang masaya pa nga ang dalaga na nakasakay ito sa likurang bahagi ng bisikleta habang tinatahak nila ang daan pababa sa bayan. Malakas ang ihip ng hangin at halos sumasabay ang buhok niya sa pagdaan nito. Sa gano'ng klaseng posisyon, nakakaramdam ng tuwa ang binata. "Gaano ba kalayo ang dagat mula rito, Gin?" dinig nitong tanong sa likod. "Hindi ko sigurado pero sa tingin ko mga apatnapung minuto ang gugugulin ko sa pagpipidal. Baka madaragan pa dahil mabigat ang nakasakay sa likod ko." Naramdaman niya ang marahang paghampas nito sa kanyang likod. "Hindi kaya ako mabigat." "Papaano mo naman nasabi 'yan? Ikaw ba 'tong nagpipidal dito para sabihin 'yan?" hinawakan niyang mabuti ang manibela gamit ang kanang kamay. Hinawakan naman niya ang kamay ng dalaga at inayos 'yon sa kanyang baywang. "Humawak ka ng mahigpit kung ayaw mong maiwan d'yan sa likuran. Pababa na tayo sa bayan, magiging mabilis ang takbo ng bisikleta." "Gusto mo lang yakapin kita eh!" binitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga at ibinalik sa manibela. "Oh sige, bahala ka d'yang maiwan." "S'yempre biro lang." naramdaman niyang mas lalong lumapit ang katawan ng dalaga sa kanyang likuran. Humigpit din ang pagkakahawak nito sa kanyang baywang at kulang na lang yakapin siya. Napalunok siya ng malalim nang maramdaman niyang sumandal ang ulo ng dalaga sa kanyang likuran. "Gin..." mahinang sambit nito ngunit sapat na para ito'y kanyang marinig. "Napakakomportable sa posisyong ito. Ang sarap-sarap ng hangin sa balat, ang bango-bango ng likuran mo. Nararamdaman ko rin ang init ng katawan mo." "H-hoy! Ano bang ginagawa mo d'yan sa likuran ko? H'wag mong sabihing pinagnanasahan mo ang katawan ko?" "Sana habang buhay na lang ganito." Malalim ang sumunod niyang paghinga. "Totoo naman ang sinasabi nilang walang hanggang. Ang problema, nagiging limitado lang 'yon. Forever is too short." Muling umihip ang hangin. Sa katunayan, mas lalo iyong lumakas nang makarating sila sa tulay. Bahagyang inaninag ng binata ang senaryong matatanaw sa kanyang gilid. Kitang-kita niya ang maaliwalas na kalangitan habang nagliliparan ang ilang mga ibon sa ilalim ng bughaw na kalangitan. Sumisilay din sa kanyang paningin ang liwanag na ginagawa ng sikat ng araw sa malawak na karagatan. Ilang taon na niya nakikita ang magandang tanawin na 'yon subalit ngayon niya lang aaminin sa sarili na mas lalo itong gumanda sa kanyang paningin. Isang lugar na mas lalong tumingkad ang kulay, isang senaryo na nabigyang buhay. Mas matingkad at mas maganda kung ikukumpara sa senaryong nakasanayan niyang makita sa tuwing magbabakasyon siya sa lugar na 'yon. At iniisip niya kung iyon ay dahil sa dalagang kasama niya sa sandaling 'yon. "Woah! Ang ganda-ganda rito, Gin!" kumaripas ng takbo ang dalaga sa tubig. Kumot ang noo niya ngunit hindi maitatanggi na mayroong munting ngiti sa kanyang labi. Itinigil niya ang bisikleta 'di kalayuan sa lokasyon ng dalaga at pinanood niya itong magtampisaw sa tubig. "Serena, para kang kiti-kiting ibinalik sa tubig." "Hindi pa kaya ako nakakarating sa dagat kahit pa noong bata pa lang ako. Palagi ko nalang ito tinitingnan mula sa malayo. Hindi rin kasi maganda ang pakikitunggo ng mga magulang ko sa isa't-isa kaya wala kaming matatawag na quality time o family bonding." Tumalikod ito sa kanya at mukhang pinagmasdan ang nagliliparang ibon sa 'di kalayuan. "Masaya akong nakabalik kahit na limitado ang oras ko. Napakarami kong nagagawa ngayon na 'di ko nagawa noong bata pa ako. At s'yempre, mayro'n akong nakilala." Humarap ito sa kanya dala ang isang ngiti. Pansamantala siyang natigilan habang pinanonood ang dalaga. Sabay sa ihip ng hangin ang buhok nito. Ang dahan-dahan na pag-ipit nito sa ilang hibla ng buhok sa tainga, ang matamis na ngiti habang pinagmamasdan ang kalangitan. Ang lahat ng 'yon ay para bang naging slow motion pansamatala. Isang sernaryo na kaaya-aya sa paningin. Senaryo na nais niyang pagmasdan hanggang sa magdilim ang kalangitan. "Salamat dahil dinala mo ako rito, Gin. Hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong magpunta sa lugar na 'to." nagtampisaw ito sa tubig. Dahan-dahan niyang inilagay ang kanyang kamay sa dibdib, nararamdaman niyang may kakaibang pakiramdam sa kanyang sistema. Para siyang tumakbo ng matagal mula sa napakahabang kalsada. Sunod-sunod at mabibigat ang t***k, mas lalo pang nagiging slow motion ang lahat sa kanyang paningin. At si Serena, si Serena lang ang nakikita niya sa sandaling 'yon. Umiwas siya ng tingin. "H'wag kang mag-alala, sa susunod hindi na kita dadalhin sa lugar na 'to." namulsa siya. Mula sa peripheral vision, naninag niyang napatigil ang dalaga. "Sa ibang lugar naman tayo sa susunod." "Sinasabi ko na nga ba!" winisikan siya nito ng tubig kung kaya't pumitlag siya ng iwas. "Masungit ka sa akin pero mabait ka pa rin. Hindi naman mababawasan ang pagiging cool mo kung magiging mabait ka sa 'kin kahit 0.5 percent lang." "At anong gusto mong sabihin? Pa cool ako?" asik niya. Nakita niya lang itong nagkibit balikat. "Ikaw nagsabi niyan hindi ako." At saka siya nito muling winisikan ng tubig. Inismiran niya ang dalaga at hinabol. Inaamin niyang nakakaramdam siya ng pagkairita sa dalaga minsan. Lalo na noong unang beses na nagkita silang dalawa at unang beses na lumapit ito sa kanya. Pero gano'n pa man, nais pa rin niya itong makita. Hindi niya ito gustong makita subalit patuloy itong hinahanap ng kanyang mga mata. Hindi nais marinig subalit hinihintay ng kanyang mga tainga ang kanyang tinig. At ang pakiramdam na 'yon ang hindi niya maintindihan. Tumigil siya sa pakikipaghabulan sa dalaga. Nagtungo siya sa tabi ng bisikleta at umupo sa buhangin. Hindi niya maintindihan kung bakit tila nangyari na ang senaryong 'yon, marahil noong bata pa siya kasama ang kanyang lolo't lola sa lugar na 'yon. Gano'n din siya kasaya tulad ng pagsasaya ni Serena nang makita ang karagatan. At sadyang napakabata pa niya noong mga panahong 'yon para maalala pa ng malinaw ang lahat.  "Sa tingin ko unti-unti nang bumabalik ang ala-ala ko tungkol sa kung ano talaga ang nangyari sa akin. kung ano talaga ang ikinamatay ko." Humarap ang dalaga sa kanya. bahagya niyang ihinarang ang kamay nang masilaw siya sa sikat ng araw. Tanging ang silhouette lang ng katawan ng dalaga ang nakikita niya. "Talaga? Mabuti 'yan para mas maging madali ang pagtuklas natin sa unfinished business mo." "Pero hindi ko maintindihan kung bakit nalulungkot ako sa tuwing inaalala ko 'yon." Tumakip ang makakapal na ulap sa araw dahilan para makita niya ng mas maayos ang imahe ng dalaga sa kanyang harapan. Napakaseryoso ng mukha nito, mga matang tila ba nangngusap at mahipit ang pagkakahawak sa puting dami na para bang may ikinakatakot. "Makikita ko ang dahilan kung bakit naging malungkot ang mga mahal ko sa buhay." "Pero iyon ang magbibigay ng kasiyahan sa 'yo. Isang daan para muling makita ang mga mahal mo sa buhay." Pansin niyang nabalot ng pagtataka ang mukha ng dalaga. "Hindi mo maalis ang masasamang pangyayari sa nakaraan pero magagawa mo itong palitan ng panibagong ala-ala. 'di ba?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at namulsa. "Habang ginagawa natin ang trabaho mo, gagawa tayo ng masasayang ala-ala hanggang sa dumating ang araw na kailangan na nating tahakin ang magkaibang daan." Nakita niyang ngumiti ito sa kanya tulad ng isang bulaklak na namumukadkad. "Maraming salamat, Gin." "Masyado pang maaga para magpasalamat. Sinasabi rin pala ng karamihan na kapag nagdasal ka, tutuparin niya ang kahilingan mo." Tumingala siya sa kalangitan. "Hindi niya pinababayaan ang mga tao kaya't alam kong hindi ka rin niya pababayaan." Ngunit sa kabilang banda, mayroong maliit na tinig ang nagsasalita sa likuran ng kanyang isip. Hinihiling na sana'y hindi umalis ang dalaga sa kanyang tabi. Na hindi na ito maghalo at mamuhay nang walang inaalalang oras. Isang normal na nilalang tulad niya. Hinihiling na sana'y hindi isang espirito si Serena na nabigyan lang ng pagkakataon na mabuhay muli sa mundo sa loob lang ng isang buwan. Na sana'y isang normal na Serena ang nakita niya sa kakahuyan noong araw na 'yon. Isang dalaga na punong-puno ng kasiyahan tulad ng mga bulaklak na may makukulay na talulot. "Kung hihilingin ko bang sana'y manatili si Serena sa mahabang panahon tulad niya, tutuparin ba niya?" isip-isip niya. "Maari ba niyang ibalik ang nakalipas para makaranas pa siya ng mga bagay na hindi pa niya nararanasan? Mga lugar na 'di pa napupuntahan at mga taong maari pa nitong makilala." bumuntong hininga siya. "Maari ba niyang gawing possible ang imposible?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD