JUSTIN Kausap namin ni Rupert si Michelle Joy sa kabilang linya. Sinisigurado lang na niya na okay kaming nakauwi Pinaalam ko na dito na ako kina Rupert makikitulog dahil alas nueve naman ang pasok namin. Continuation lang naman ng aming kulitan kanina bago matulog. Humiling pa siya na sana ay magkaroon pa ng isang pagkakataon na makasama siya sa mga gimik namin bago siya umuwi. Ayaw kong isipin na may tama siya sa akin. Isa pa malabo rin yata maging kami. Hindi pa kami gaanong nagkakakilala. Maganda ang kwentuhan ng napunta kay Kuya Obet ang usapan. Kinamusta niya ang best singer of the night. Napansin din pala niya ang pagiging tahimik ni kuya. Hindi ko masabi na pinilit lang namin siyang isama para kay Rupert. Binanggit ko na lang na puyat at maihayain si kuya...kahit hindi.

