JUSTIN May dalawang araw pa kami para sa aming term papers. Wala pala ako natapos kagabi at nakatulugan ko na ang research ko. DNA ang topic ko. Deoxyribonucleic acid blah blah kung pahahabain at pahihirapin. Theories lang ang naipon kong data pero example ng pakinabang ng pagkasiskubre ay wala pa akong maibibigay. Mabuti pa sina Rupert at Eros ay kamapante at petiks-petiks na lang dahil kumpleto na ang kanilang ginawa. Hindi ko nakita si kuya Obet maghapon. Sa classroom,canteen,library, classroom lang kaming tatlo naglagi. Parang sinadya ata na wala kaming ganang tumambay sa kubo o sa batibot. Ang totoo ay may may salot na lumalaganap sa school ngayon. Hindi kami gaanong makalabas dahil sa mga higad na nagbabagsakan mula sa mga matatandang puno ng sampaloc na nakatayo sa buong pal

