JUSTIN Nakapagpasa na ako ng term papers ko. Maganda ang feed back na natanggap ko sa aming genetics professor. Dahil sa tulong ni kuya Obet kaya napadali sa akin ang paggawa at pagpasa. Pumayag naman siya usapan namin na ililibre ko siya. Nagpasama ako kay Rupert at Eros na hanapin si Kuya Obet ng matapos ang aming klase. Nais kong iparanas kay kuya Obet kung gaano naman ako kagalante bilang pagtanaw ng utang na loob sa ginawa niya noong isang gabi. Napuyat din kaya siya para matulungan ako. Siya lang ang plano kong itreat pero nahihiya naman ako i-approach siya ng basta-basta. Mamaya mahusay lang siya kausap sa phone at pagkaharap ay iba na. Kung kasama ko si Rupert at Eros paniguradong di ako mapapahiya. Kailangan ko talaga ng security. Pagod na rin ako sa tuksuhan at asaran la

