JUSTIN Isang araw akong hindi muna pinapasok ng tatay dahil sa pangayayari. Namamaga pa ang aking natamong sugat at kailangan pang ipahinga.Pinahupa ko rin ang pag-aalala ng nanay kaya dito na muna ako sa bahay. Ano na kaya ginagawa nila sa klase ngayon. Paniguradong alam na nila ang nangyari sa akin. Wala silang way na macontact ako dahil nakuha naman ang cellphone ko ng sira ulong holdaper na yun. Paniguradong kalat na sa school ang nangyari kagabi. Lumipas ang katanghalian at masakit na ang pwet ko kakaupo sa harap ng computer. Nasanay na ako na sa dapat ganitong oras ay naghihintay na ako ng susunod na klase. Nakakapanibago ang isang araw na pagliban. Nakakabagot din pala ang mapatambay sa kwarto lalot nasanay ka na sa gawaing eskwela. Di naman ako makalabas dahil usapan sa ami

