CHAPTER 13 NAIWAN ANG DALAWA... EROS Napatulala ako sa balitang natanggap ko na patay na ang kaibigan naming si Rupert sa isang text. Kahit ilang buwan pa lang kaming magkakasama ay may pundasyon na kaming pinagtibay bilang magtotropa. Magkakakasangga. Walang iwanan. At kamatayan lang gumawa sa kaniya ng ganito kaaga. Kamakailan lang si Justin ang naholdap...at ngayon si Opet. Napaiyak ako ng binasa ko muli ang text ni J habang nagpapalaundry ng aking uniporme. Pagkatapos king magpalaundry ay tinungo ko ang bahay ni Rupert. Sa biyahe palang ay pigil na ang pag-iyak ko patungo sa kanilang bahay. Nakarating ako doon ngunit wala pa ang kaniyang labi. Mga malalapit na kaibigan at kapitbahay ang naroroon na abalang nag-aayos at naglilinis ng paligid para sa mga magluluksa sa unang g

