JOBERT Eto na nga,papasok na kami ng gate ng village patungo sa bagong titirahan namin ni J. Hindi pa rin ako makapaniwala na dito ako titira sa napakalaking bahay na lolo. Apat na araw mula ng ikasal siya kay Lola Ghie ay nabago bigla ang buhay ko,ang buhay namin ng mga papa at mama. Kahit wala na si Opet ay patuloy ang suporta ni Lolo. Ipinagpapasalamat ko ang kabaitan ng papa dahil nakita iyon ng kaniyang tiyo kaya maging ako ay naambunan ng grasya. Malaking tulong sa amin ang binibigay ni lolo na mga suporta hindi lang sa pinansyal kundi sa kaniyang presensya. Mabago man ang paligid ko,mananatili pa rin akong nakatapak sa lupa dahil turo iyon ng mga magulang ko. Sinalubong kami ng dalawang kasambahay na nakuha nila sa isang agency. Nahiya pa ako ng ipakilala kami ni lola sa kanila

