LOLO RUDYSinabi ko na at mabibigla sila sa mungkahi namin ni Ghie na dito na patirahin ang dalawa sa bagong bahay na nabili ko. May anim na taon pa ako na kailangang manatili sa america bago tuluyang magretire at mamalagi na dito sa Pilipinas. "Gusto ko sana na kayong dalawa ang magbantay dito. Bibigyan ko kayo ng allowance siempre. May makakasama kayong kasambahay dito. Baka next week pa darating yung nirekomendang cook at all around maid." "Samahan nyo kaming dalawa ng lola nyo dito habang di pa kami nabalik ng America para masanay na rin kayo. For now mag-adjust muna kayo sa pagko-commute pag papasok ng eskwela. Isang sakay lang naman ng van mula dito papunta ng school nyo. Bago umalis baka makabali na rin ako ng sasakyan na magagamit nyong dalawa." "Trabaho ang gagawin nyo, babant

