CHAPTER 26 TROBAK

2065 Words

JOBERTIsang gabi bago ako makatulog ay tumawag sa akin ang lolo. "May pinadala ako sa iyo ha. Sa western union mo ikubra. Sa inyo yun ni Justin." Nagpasalamat ako sa Lolo Rudy sa kaniyang ibinigay sa amin. Malapit na kasi ang kasal nila ni Lola Ghie at sa isang hotel ito gaganapin. Kinabukasan pagkatapos ng klase ay nagpasama ako kay Justin na kubrahin ang perang pinadala na nagkakahalaga ng 400 dollars. Para iyon sa susuutin naming suit bilang abay. Tuwang tuwa naman si Justin dahil kasama siya sa inalala ng lolo Rudy. Niyaya niya ako na tumingin sa mall na maari naming mabiling suit. Tumingin kami ngunit hindi ko nagustuhan ang mga itinuro ni Justin na bagay sa aming dalawa. Maganda oo, pero hindi ang presyo. "Kuya ito bagay sa iyo!" Isang ternong nakadisplay ang pinakita niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD