Bogus 7

1042 Words
Nanatili akong tahimik sa buong byahe. Ewan ko basta may part na naiinis ako and at the same time ay nagtatampo. Tiningnan ko ang paligid sa labas, doon ko lang napansin ang mga naglalakihang bahay. When I say naglalakihan, malaking-malaki talaga ang mga bahay dito! Grabe, mansyon ata ang mga ito. Pero anong gagawin namin dito? Di ko namalayan na huminto na pala kami sa isang super duper mega sa gandang bahay. Napanganga ako nang makita ko ito. Wala kasing ganito sa probinsya. Bahay kubo ang karaniwan doon at kung mapalad ka sa buhay ay magkakabahay ka ng gawa sa semento. Ang bahay sa labas ng kotse ay napakamoderno. Napansin ko rin ang mga nagagandahang bulaklak sa paligid nito. Agad na nagningning ang mga mata ko nang makita ko ang sobrang gandang garden. Mahilig kasi ako sa mga bulaklak kaya napapahanga ako. Wish kong sana ay makapasok ako diyan! Ang ganda ganda ng garden. "Di ka pa ba bababa? " Napatingin ako sa nagsalita. Ngayon ko lang din napansin na nabuksan na pala ang pinto sa passenger's seat. Naalala ko na naman ang itsura ko ngayon. Hindi kasi ako komportable, ang iksi ng damit tapos itong sapatos ang taas ng takong tapos maginaw pa. Naman! Yung buhok at mukha ko iniba , diba nakakainis? " Ayoko! " nakasimangot kong sabi. Hindi na ako dyosa. Oo dyosa kasi ako sabi ni nanay kaya kontento na ako sa kung anong itsura ko. Hindi man ako maganda sa paningin ng ibang tao, alam ko na hindi ako trying hard gumanda at lalong walang pakealam sa sasabihin nila! " Let's go, they're waiting inside " nagtitimping pahayag niya kaya alam kong malapit ng maubos ang pasesya ng lalaking ito . "Ayoko nga! Nakakainis, sana di na lang ako natulog kanina " Nabigla nalang ako nang hawakan niya ang baba ko. Akala ko sasakalin o sasaktan nya ako. Napapikit ako because I can smell his perfume. Swabe kasi ang amoy pero parang may kung anong weird akong nararamdaman sa tiyan ko. Wala naman akong masyadong kinain. Nagulat na lang ako nang unti-unting humahaplos ang kamay niya sa mukha ko. Sasampalin ba niya ako? "Hindi ka panget but you're gorgeous " Napatitig ako sa kanya. Ano raw? Wala akong naintindihan kasi nadidistract ako sa bango niya at akala ko sasaktan niya ako! Del, wake up parang di ikaw to! "Anong sinabi mo? " tanong ko pero ayan na naman siya sa nakamamatay niyang tingin. Kung totoong nakakamatay ang tingin, baka kanina pa ako patay. "Just get outside the car! " naiinis na sabi niya at nauna ng maglakad papunta sa bahay na may magandang garden. "Hmp! Sungit. " nagdadabog akong lumabas ng kotse saka sinundan sya. Wait, papasok kami dun sa malaking bahay? Nasa harap na kasi kami ng bahay na yun. Wow, sana nga makapasok ako . "Dyan tayo papasok? " excited kong tanong ngunit di niya ako pinansin sa halip ay binuksan niya ang gate gamit ang isang .. Remote?? "Remote?? " gulat kong tanong. Bakit bumukas ang gate nang pindutin niya ang remote ? "Psh " Bigla kong naalala na mayaman pala si Drakola! Diba nga nag-alok siya sa akin ng ten million pesos? At isa pa may nabanggit din sya na ipapakilala niya ako sa pamilya niya. O__O Don't tell me, now na? "Uy teka sandali! " tawag ko sa kanya kasi ang bilis naman niyang maglakad. "Hoy ! " dedma pa rin. Ah ganyanan pala ha? Eh kung ibato ko kaya sa kanya ang takong ng sapatos ko?! Nagpapanggap kaming magdyowa tapos parang ang drakolang yun ang walang pakealam. Papaano kung tatanungin kami ng "When and Where did you meet each other? " ano ang sasabihin namin? Nganga kami sa harapan nila? Parang tanga lang, ganun? "Honeybee!" malambing kong tawag sa kanya kaya napahinto siya sa paglalakad sa napakahabang pasilyo. "What did you call me? " Parang nandiri ata siya sa sinabi ko. Hmp. Palusot ka lang, gusto mo kasing lambingin kita. Sarap mong batukan. "Sabi ko honeybee" sa wakas nasa tabi na niya ako at tiningnan ko siya ng masama. "Alam mo, parang gusto mo atang mabulilyaso tayo ano? Kahit nagpapanggap tayo, dapat naman na malambing ka kahit papano. " "What are you talking about? " "What I mean is dapat ganito ka " kinuha ko yung right arm niya at iniakbay sa akin. "Paano kapag nakita tayo? Mag-isip ka nga, ako na itong napasubo ako pa mag-iisip ng paraan para mas kapanipaniwala! " Gusto kong matawa nang biglang magbago ang itsura nya! Hahaha " At isa pa, dapat may name tayo sa isa't isa. Diba ganun ang lovers? Pero syempre pretend lang. So naisip ko na honeybee na lang " "You're crazy!" Anonh crazy dun? Ang sweet kaya. Nunca papayag akong tawagin siyang honeybee. Eh, sa wala akong choice. Kesa maging tanga kami mamaya, mabuti ng nakapag-isip ako ng mga pwedeng panlalambing mamaya sa harapan ng pamilya niya. Diba? Ang genius ko. "Hindi kaya. Gusto mo ba ng mas malambing? Ang common na kaya ng babe or sweetheart. Honeybee nalang para sweet dahil sweet akong magmahal! " hahaha naloloka na ata ako. Kung anu-ano nang sinasabi ko. Baka di alam ng lalaking ito na magaling din akong umacting . Kinuha ko yung left hand niya at ipinulupot sa baywang ko para mas alam niya kung ano ba dapat ang sweet. Nakita ko siyang agad na naalarma. Ang OA. Isang karangalan sa kanya ang ginagawa kong ito tapos mag-iinarte pa? Batukan ko kaya siya! "T-teka, what are you doing ?" "Showing you how a lover should be sweet to his partner " bulong ko sa may tenga nya . Omg, namumula siya o guni-guni ko lang yun? Pagkabulong ko kasi sa kanya ay parang nanigaw ang katawan niya at di makagalaw tapos namumula pa. Hindi naman mainit ang sikat ng araw ah. Baka di makatanggi sa karisma ko? Ito ang kabayaran niya kasi naman napakademanding niya kanina. Ayan tuloy, parang di na ako ito. "Oh the lovebirds are here " agad kaming napatingin sa nagsalita. Nashock ako nang makita ko kung sino siya. "Liezel? " Anong ginagawa niya dito? Naman! Pati ba dito ay nakasunod siya? Di kaya dahil sa ang ganda ko, na-tomboy siya? Gosh! Nakakaloka! Ang ganda ko nga talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD