Nasa condo ako ngayon and I felt empty. Syempre mag-isa lang ako. At saka naalala ko iyong ipinunta ko dito sa Maynila. I have to find that person para maliwagan ako.Isa pa, ang laki ng lugar na ito tapos mag-isa lang ako.
Miss na miss ko na iyong nanay ko yet I won't see her anymore. Sana maligaya siya kasama ni God.
Ano ba Del, dapat di ka umiiyak eh! sigaw ng utak ko.
Pinahid ko yung luhang tumulo sa pisngi ko. Ayoko nang umiyak, ayoko na ring maging mahina. Tama na ang sakit na naramdaman ko . Ngayon, matapang na ako at di na ako magpapaapi.
Maya-maya ay narinig ko na nagring yung telepono. OO telepono kasi wala akong cellphone eh. >.<
''Hello?'' sagot ko sa kabilang linya.
Pero wala naman sumasagot. '' Hello? Sino ito? '' ulit ko pero wala pa rin. Pinagloloko ba ako nito?
''Kung nagtitrip ka lang , sorry pero wala ako sa mood . Bye'' agad kong ibinaba yung telepono. Kakaasar! Sino ba kasi iyon? Tatawag-tawag na nga di pa sumasagot. Aksaya lang ng kuryente.
Narinig ko namang may nagdoor bell. Napabuntong hininga ako. Sino naman ang dadalaw sa akin ngayon?
Naglakad ako papunta sa may pinto saka binuksan ito. Pagkabukas ko ay nabungaran ko si Drake. As usual, siya na naman. Sino pa pala bibisita sa akin? Siya lang nakakaalam na nandito ako.
''Oh Drakola napadalaw ka? '' nakataas-kilay kong tanong.
Kumunot ang noo niya sa narinig. '' Drakola? ''
Nagsmirk ako. ''Yes. Drakola, as in DRAKE na masungit s***h nakakaasar, gets? ''
Sumama lang ang tingin niya sa akin saka nagsalita. '' Go change your clothes, may pupuntahan tayo''
Aba! Demanding? Saan naman kaya kami pupunta?
''Ayaw, tinatamad ako '' pagmamatigas ko na mas lalo lang niyang ikinairita.
''Do you want me to put force on you? ''
Haler as if natatatakot ako. ''Bakit, nananakot ka? ''
''Don't try my patience Del or else...''
Itinaas ko yung kamay ko para patahimikin siya. Magsusungit na naman kasi eh. ''Hep hep hep! Oo na, magbibihis na! Tigilan mo nga iyang pananakot na yan ha. Di bagay sa iyo. Saka isa pa, di kita maintindihan. Kahit pretend girlfriend ako ay dapat sana naman ay may konting lambing ka. Kaasar!'' tinalikuran ko na siya pagkasabi ko nun. Nakakainis kasi!
****
''Teka anong gagawin natin dito? '' gulat na tanong ko.
Pinagbihis kasi niya ako and as usual nakapangmanang s***h nerd ang suot ko pero anong ginagawa namin sa mall? Don't tell me we will have a date? Abaaaa, ayaw! Di ako papayag, saka sa mall? Walang mas sosyal? Yung nababasa ko sa pocketbooks?
''Bumaba ka na lang'' masungit na sabi niya sabay bukas ng pinto ng driver's seat at bumaba.
Di man lang naging gentleman. Naku! Kaasar talaga 'tong lalaking 'to.
Ayoko man ay bumaba na rin ako. As if I have a choice. Naglakad na kasi siya papasok kaya naman sinundan ko na lang. Napansin ko rin na ang daming nakatingin sa kanya lalo na yung grupo ng mga kababaihan na kulang na lang magharlem shake dahil sa kilig. Totoo ba itong nakikita ko? May gusto ang mga 'to kay Drakola?
''OMG girl, he's sooo hot! Ang gwapo niya!''
''Oo nga, teka puntahan natin at magpapicture tayo!''
Sinundan ko na lang ng tingin yung grupo ng mga kababaihan. Mga high school students ata 'tong mga ito. Nandito lang ako sa likod , syempre titingnan ko pa ang gagawin nila kay Drake. Nakita kong lumingon siya sa akin pero dedma lang ako habang siya ay nakakunot na ang noo.
''Kuya pogi, pwedeng papicture? '' nilingon niya ang mga teenagers pero nanatiling nakakunot ang noo niya.
''Sige na kuya, isang picture lang'' pamimilit nung isang babae na kung makatitig sa kanya ay wagas sabay pout pa. Yuck, di bagay.
''Tatayo ka nalang ba diyan ?'' napataas ako ng tingin sa kanya dahil sa akin na pala siya nakatingin. Hindi niya pinansin yung mga babaeng nagpapacute sa kanya.
"Nakatayo ka rin naman ah!" palusot ko. Kung makataas siya ng boses akala mo kung sino. Yabang!
"Bahala ka nga" nauna na siyang pumasok. Napabuntong-hininga ako. Okay. Kalma ka lang Del. Habaan mo lang ang pasensya mo.
''Oo na! Susunod na. Kaasar ka '' inis na inis kong sabi habang nakabusangot ang mukhang sumunod sa kanya. Ano ba naman siya! Siya na nga ang nagyaya , ako pa itong pinapahabol. Ang kapal!
Naiinis rin ako sa klase ng tingin ng mga babaeng yun kay Drake at sa akin. Kulang na lang ay ipatapon ako palabas. Akala mo naman magaganda. Duh!
''Sino siya? Girlfriend niya? Ang panget ah!''
''Oo eh, baka yaya? ''
Galit kong binalingan ang dalawang babae. Talagang yaya pa ang tingin nila sa akin? Ang bata bata pa nila, ang lalandi landi na. Ang kakapal pa ng mga mukha! Ganito ba sa syudad? Wala ng dalagang pilipina?
''Excuse me? Kung yaya ako, ano na lang kayo? Alagang baboy ko? Tsk '' pang-aasar ko sa kanila sabay talikod. Buti nga sa kanila. Narinig ko pa ngang galit na nagsabi yung isang babaeng kulot ang buhok.
''What? She called us pig? How dare her!''
Blah blah blah di ko na sila pinansin. Ano namang mapapala ko? Aksaya lang sila ng oras. Baka magkapimple pa ako, kasalanan pa nila dahil ginalit nila ang dyosa.
Sinundan ko na lang yung lalaking iyon. Ang bilis bilis kasi maglakad eh. Dalawang hakbang ko, isang hakbang niya . Para siyang kabayo, ang haba ng mga binti!
Nakita ko siya na tumigil sa isang boutique. ''Anong gagawin natin dito?'' agad na tanong ko nang makalapit ako.
''Go find an outfit that would fit on you'' seryoso niyang sabi sa akin.
''What? Bakit? Marami naman akong damit ah!'' reklamo ko. Bakit ba kasi mamimili pa ng gamit , marami naman akong damit!
''With that ? I don't think so'' sabi pa niya saka itinuro ang damit na suot ko. Err! At talagang ininsulto niya ang suot ko?
Ayaw! AYOKO. Hindi ako magpapalit ng damit!
''NO'' matigas kong sabi pero sinamaan lang niya ako ng tingin.
Ayaw ko kasi komportable ako sa ganito noh! Anong problema niya sa suot ko? At isa pa dyosa na ako kaya di ko na kailangan niyan!
''Bilisan mo, naghihintay na sila sa atin'' atat na sabi niya habang magkasulubong ang kilay na nakatingin sa akin.
''Anong sila? Teka, saan ba tayo pupunta? '' naguguluhan kong tanong.
''I'm going to introduce you to my family''
O_O
What?? Kung kumakain ako ngayon, baka nabulunan na ako. Teka lang! Ang bilis, bakit niya ako ipapakilala? Wala yun sa kontrata namin ah!
***
''Ayoko na! Pagod na ako ! '' hinihingal kong sabi pagkatapos ko siyang makita na umiiling sa isinukat kong damit. Pang one hundred times na ata akong nagpalit! Nakakapagod na!
''Ma'am, try this baka papayag na si sir'' naiinis na ring sabi ng sales lady.
''Ayoko na. Kung gusto mo, siya ang pasuotin mo ng damit na iyan! Kaasar'' bumalik na ako sa loob para magbihis nung damit ko talaga. Ano ang tingin niya sa akin? Model na papalit palit ng damit? At isa pa, alam kong walang babagay sa akin na damit gaya ng mga ito dahil hindi ako nagsususot ng mga ganito tapos ang mahal pa!
'' Try this '' di ko namalayan na nakalapit na pala siya dala dala ang isang royal blue na damit.
''Ma'am , it is royal blue pleated strapless mini dress made from Paris '' sabi nung sales lady.
Whatever, wala akong alam sa mga ganyan. Tiningnan ko si Drakola '' Last na ito or else ikaw ang pagsusuotin ko nito ! '' padabog kong kinuha yung damit at agad na nagpalit.
Pagkatapos kong magbihis ay pinagmasdan ko ang sarili sa salamin na nasa dressing room. Ano ba ito! Ang iksi naman saka strapless? Kitang kita ang legs ko at cleavage ! Ayokooo! Ang iksi tapos para naman ata akong malandi sa suot na ito.
''Drakola, ayaw ko nito! Kaimbyerna. Ang iksi!'' lumabas ako ng dressing room habang nagsasalita nang agad na napatingin sa akin ang sales lady . Tingin ko nasa mid thirties na ito. Tsk, bakit pati sales lady inaalam ko ang edad?
''Wow ma'am, bagay po sa inyo '' ang laki ng ngiti nito habang ako ay nakasimangot lang. Bagay sa akin? Sipain ko siya dyan eh!
'' We'll buy that one '' agad na sabi ni Drake saka pumunta na sa cashier para magbayad. Di pa nga ako nakakapagreact ay nabili na niya ang damit!
''Hoy, bakit mo binili? Pumayag ba ako? Ang iksi ng damit na ito tapos ang laswa ko lang tingnan!''
Di ako pinansin sa halip ay sinabi niya na ''Suotin mo nalang iyan. Let's go may pupuntahan pa tayo'' agad na rin siyang lumabas.
''Aww, bagay naman sa iyo hija eh. Tanggalin mo lang iyang salamin mo sa mata at saka you look great. Swerte mo rin sa boyfriend mo. I know he's happy '' kinikilig na sabi nung sales lady.
''Baliw ka na ata ate'' I rolled my eyes at her ngunit tumawa lang ito. Sa inis ko ay umalis na lang ako. Ano pa bang magagawa ko? Edi suotin na ito kahit di ako komportable!
***
''Hoy? Where are we going ? '' Di siya lumingon sa akin nang tawagin ko siya. Ano ba kasing trip ng lalaking ito ? Ang weird niya lang at di ko maintindihan.
Napaka bipolar, masungit, mayabang, maangas, malupit. Oo na over na pero nakakaasar lang siya! Natahimik ako nang huminto siya sa isang parlor.
''Let's go inside'' pagkapasok namin ay binati kami ng isang bakla.
''Oh Mr. Renton, good morning. '' nakangiting bati nung sosyalerang bakla. Tinaasan naman niya ako ng kilay nang mapatingin sa akin.
''Make her beautiful '' supladong sabi ni Drake pagkatapos ay umupo doon sa isang sofa.
O___O
Anong make me beautiful eh maganda na talaga ako? Naku, nakakainsulto talaga ang Drakolang 'to!
''Hep hep hep, anong gagawin mo? '' nagulat na lang ako nang biglang hawakan ng bakla ang buhok ko saka hinila ang tali sa aking buhok .
'' You're not that bad'' nakataas na kilay na sabi niya.
''I know, and excuse me pwedeng lumayo layo ka kasi nakakaasiwa yang ginagawa mo ha'' paano ba kasi pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa tapos sabay iiling. Hahawakan ang buhok ko, mukha at tapos nag-iisip. Di ba kayo maaasiwa sa ginagawa niya?
''Perfect! Alam ko na ang gagawin ko sa iyo'' pumalakpak pa siya niyan, parang tanga.
''Ano naman aber?'' masungit na tanong ko pero nag evil smile lang siya.
''Heey, ba't ka ba nanghihila?? '' reklamo ko nang hilahin niya ako. Wala na bang matinong tao dito ? Bigla rin nanghihila ang baklang ito tapos pinaupo ako sa upuan yung parang umiikot na upuan sa parlor. Mali pala, salon pala ang tawag dito. Yung may ginagawa sa buhok at mukha, etc.
''Just seat back and relax'' nanayo tuloy ang balahibo ko sa katawan nang bumulong siya sa akin.
Ano pa nga bang magagawa ko? Edi sumunod. Inaantok na ako kaya bahala sila. Napagod ako sa kakasukat ng damit.
''Straighten up your body lady '' saway nung bakla habang may kinukuha na gunting doon sa assistant na babae.
''Oy, anong gagawin mo sa akin? '' nahihintakutan kong tanong. Paano kasi may hawak siyang matulis na gunting!
''I'll cut your hair''
Ano ? Gugupitan niya ako ? Oh no! Ayaw ko!
''Subukan mo lang baka di ka na abutan ng bukas ! '' banta ko sa kanya.
Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung gugupitan ang buhok ko except sa bangs ko . Ang ganda ganda ng buhok ko tapos mumurderin lang?
''Come on, babagay 'to sa iyo pramis! '' nakakalokong ngiti ang nakita ko sa mukha niya. Ngayon pa lang wala na akong tiwala sa baklang ito.
'' Matagal pa ba iyan?'' naiinis na tanong ni Drake kaya binalingan ko siya.
''Oo kaya wag kang mag-inarte! Bwisit!'' nagtuos pa kami nung bruhildang bakla na gugupitan ang buhok ko pero sa huli wala akong magawa kundi pumayag.
Paano kasi, tinakot ako ng drakolang iyon na kung hindi raw ako susunod baka siya na ang gugupit sa buhok ko and he'll do it in his own way. Knowing that jerk, alam kong totohanin niya iyon.
''Haaaaaaah '' naghikab ako kasi nga inaantok na talaga ako tapos ayaw kong makita ang pagmu-murder ng buhok ko. Mas mabuti pang matulog na muna.
*After 2 hours
''Wake up sleepyhead'' nagising ako nang may tumapik sa pisngi ko.
Kinusot kusot ko ang mga mata ko nang magising ako. Istorbo, ganda na ng tulog ko eh. Napansin kong di ko suot ang eyeglasses ko. Hmp. Wala namang grado yun kaya ayos lang.
''See? She looks perfect! '' masayang sabi ng bakla. Perfect-in ko iyang mukha niya. Nakita ko kasi yung mga buhok kong nagkalat sa sahig. Nakakainis!
binaling ko ang tingin sa salamin kaya lang..'' Aaaahhh ! '' napahindik ako sa nakita kaya napasigaw ako. Oh my gosh! This isn't true!
''Bakit? Anong problema? '' Bakla
''What's wrong? '' Drakola
Nagkasabay pa talaga silang tanungin ako kung anong problema! Anong nangyari sa mukha at buhok ko? Hindi ako ito! Oh no, nasaan ang dyosang si Del?
''Sino iyan? '' galit na tanong ko habang nakaturo sa salamin. Nakarinig naman ako ng tawanan mula sa ibang costumers at mga tauhan dito.
''Shunga ka teh, tinakot mo naman kami! Syempre , ikaw iyan! Duh. '' masungit na sabi nung bakla pero may ngiti sa mga labi.
O_O A-ako at S-siya ay iisa?
''Hindi, hindi ako papayag. Masyado akong maganda para maging siya!'' naghihysterical na ako dito nang marinig kong nagsalita si Drake.
''Arte ''
Sinamaan ko siya ng tingin. '' Arte arte, kasalanan mo ito eh! Ayoko nito, hindi ako ito! Hindi ako papayag!'' again nagtawanan naman ang iba.
''Huwag kang OA te, pinaganda ka lang namin noh. Look at you, you turned into a swan. Syempre nilagyan ko rin ng highlights iyang buhok mo para mas magmukha kang mestisa. May pagka brunette na iyang kulay niyan and medyo kinulot ang dulo to make it more suitable for you. The make up is just light so there you have it. Dyosa ka na talaga ''
Wala akong naintindihan sa pinagsasabi niya, ang tanging alam ko lang ay nagbago ang itsura ko. Huhu, hindi na ako dyosa!
''Let's go '' ayan na naman sa sungit sungitan 'tong lalaking 'to. Kitang nagdadalamhati pa ako sa itsura ko tapos basta-basta lang siyang magsasabi ng let's go? Pektusan ko kaya siya baka matauhan siya.
''Sige Mr.Renton. Thank you so much. " nakita kong muling humalik sa pisngi ni Drake ang bakla. Tsk. Chansing lang. "By the way, you have a very gorgeous girlfriend''
Blah blah blah . Wala akong narinig. Nakakainis! Nakakainis ang bruhildang baklang iyon! Sana pala hindi na ako natulog! Ayan kasi, napakabatugan ko.
Hindi maipinta ang mukha ko habang nililisan namin ang lugar. Nakarating kami sa kotse niya na walang nagsasalita. Agad kaming pumasok sa kotse niya. Umupo ako sa passenger's seat habang nasa driver's seat siya.
''I hate you! '' sabi ko pero di niya ako pinansin.
Nagpatuloy lang siya sa pagdadrive habang kumukulo na ang dugo ko dito. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana dahil alam kong di rin niya papansinin ang hinanakit ko dito. Bahala nga siya! Mas pinagsisisihan ko na ngayon kung bakit pumayag ako sa kasunduang iyon! Bwisit!