Bogus 5

2412 Words
''Ang panget talaga niya! Look at her, ang manang tapos ang laki ng eyeglasses. Paano ba siya naging girlfriend ni Drake?'' Chismiss here and there. Naririndi na ako sa insulto nila ha pero di ko pinapansin. As if I care. Pero kailangan ba talagang ulit-ulitin? ''Don't mind them'' sabi ng katabi ko. Yes tama kayo ng narinig. Si loverboy nga ang katabi ko a.k.a Drake. Sabay kasi kaming pumasok kaya ayan tuloy umagang-umaga ay sikat na kami. Pero dahil likas akong b***h, may pumasok na idea sa genius kong brain. Humarap ako kay Drake na ikinagulat niya. Sobrang close kasi ng mga mukha namin and I know nakatingin na lahat sa amin. Ha ha ha, let the show begin. ''Honey, mauuna na ako ha? I'll try kung makakasabay ako sa iyo sa lunch mamaya. '' Bravo! Inilapit ko iyong precious lips ko sa gilid ng labi niya , ayan lapit pa . Hahaha malapit na at hinalikan ko siya. Oha, ano sila ngayon? NGANGA. Pero sa gilid lang ng lips niya noh!Yuck! Wala pa nga akong first kiss no! ''Bye sweetie'' nagwave ako sa kanya pero nakita ko lang siyang ngumiti but his eyes , alam kong galit na galit. Oh well, simulan na ang pagpapanggap kahit di ko magets kung para saan ang lahat ng ito. ''She's a freaking slut!'' ''Oh no, she kissed my baby! Eww that girl, lagot sya sa akin!'' Ang feeler naman ng mga babaeng ito.Hmp! Don't worry girls, kung may choice lang ako, sa inyo na iyang Drake na iyan! Tsk. *** '' All of you failed in the exam! '' galit na sabi nung prof namin sa Accounting. Tsk, all of us? Sigurado siya? ''Except Ms. Delia Milagrosa Dimakuhakuha '' galit siyang bumaling sa akin pero napasimangot ako sa pagbanggit niya ng buong pangalan ko. Oo na ang panget na ng pangalan ko, pake ko? Tinawanan naman ako ng mga unggoy na ito but nagsmirk lang ako. Well, don't judge the book by its cover ika nga. Gaya ko, don't judge me because I know for sure, I have the real intelligence and beauty. Sila? Nganga. '' What? Paano siya pumasa? Parang wala namang alam iyang babaeng yan!'' ''Oo nga prof, sigurado ba kayo?'' Narinig ko ang reklamo ng iba dahil hindi sila makapaniwala sa resulta. ''Just shut up!'' malakas na sabi ni prof sa amin. Sige ayan ang napapala ng mga taong chismosa. Dahil perfect ako sa exam, yes perfect. Yay! Ayan magbebehave na ako, baka kasi kung saan na ako pulutin pag ipatapon ako. HAHA , kawawa naman kasi sila. Puro paninira lang ata alam nila eh. Ayan ang bagay sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang manghusga ng buhay ng may buhay. Nagdiscuss na sa amin si prof. Isang discussion na siya lang ang nakakaintindi. Buti na lang alam ko na ang lesson na iyan. Madali lang naman siya pero yung mga kaklase ko ay stress na stress na ang mga mukha. ''That's all for today. Goodbye class'' paalam ni prof nang marinig namin ang bell na tapos na ang klase. Okay, proceed to the next class ang beauty ko. Papalabas na sana ako ng classroom nang harangan ako ng tatlong babae. ''YOU!!'' galit na tumingin sa akin ang babae , parang luluwa na ang mata sa laki nito eh. >.< ''What about me? '' nakataas-kilay kong tanong. Ayoko kayang magpasindak no! Ngumiti pa ako sa kanila kaya mas lalo silang nainis. HAHA, mga pikon talaga. Sila na nga itong nagsimula eh. ''Bakit ba napaka-atribida mo? Sino ka ba? Panget panget mo, slut, mang-aagaw!'' di ako nakailag nang sampalin niya ako tapos tumawa lang ang dalawang alipores niya sa likod. OUCH. Shete, ang sakit! First time na may manampal sa akin! How dare her! ''Let's go girls, I don't want to waste my time sa mga weak. '' Nanggagalaiti ako sa galit kaya bago pa siya makaalis ay nahawakan ko siya nang mahigpit sa kanyang braso. Akala niya papalampasin ko ang ginawa niya? ''Where do you think you're going? '' nag-aapoy ang mga mata ko sa galit. She's insane! Pagsisisihan niyang sinampal niya ako! ''Ano? Papalag ka? Baka hindi lang sampal ang abutin mo sa akin panget '' nanlilisik na tanong niya. Oh, panget pala ha. Tiningnan ko yung paligid, lahat pala sila nakatingin sa amin. Akala ko nakaalis na. They wanna watch a show pala? Then, I'll give them the show they want to. ''Well, Payback's a b***h. '' Nakasmirk kong sabi sabay sampal sa pisngi niya. Siniguro kong maririnig ng lahat ng nandun ang sampal ko sa kanya. Sorry na lang siya. Ginalit niya ako at kapag b***h ay masama magalit. Poor her. Magpa Belo na lang siya para gumanda naman ang tingin niya sa sarili niya. After ko siyang sampalin sa kanang pisngi ay umalis na ako. Kulang pa sana iyon eh. Sana sa kaliwa naman para pantay. ''How dare you!! '' narinig ko pang sigaw niya pero di ko na pinansin. Umalis na ako at ayoko nang pumasok sa next class ko. Napansin ko na tulala pa rin ang iba sa nasaksihan habang ang iba ay ang sama ng tingin sa akin. Wag silang haharang-harang sa daanan ko at aakto ng para silang matataas na tao. Sa bansang ito, walang mayaman o mahirap. Lahat ay pantay-pantay kaya wala silang karapatang mang-api ng kapwa nila. Err! Nakakaasar! Ang sakit din pala ng masampal!Lakad takbo ang ginawa ko lalo na't naramdaman kong maiiyak ako. Sa tingin ko naiiyak ako sa galit. Galit ako sa ginawa nila kanina. Ano bang karapatan nilang ganunin ako? *** Nakakainis siya! Anong karapatan niyang sampalin ako? Hindi nga ako nasampal ng nanay ko tapos basta-basta niya lang akong sasampalin? How dare her! Ipinangako ko na hinding-hindi na ako iiyak simula nang mangyari ang lahat sa nakaraan ko at lalong hinding-hindi na rin ako magiging mahina. Kaya naman sinubukan ko talagang pigilan ang pagpatak ng luha ko. Nakarating ako dito sa may soccer field. May nakita akong punong mangga sa di kalayuan kaya doon ako dumeretso. Buti nalang walang taong napapaligaw dito. ''Nakakainis siya! Sino ba siya sa inaakala niya? Ang sama ng ugali niya! Nakakainis!'' napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis. Di pa rin kasi mawala-wala ang inis ko eh. Gusto kong ipalabas 'to. ''Para kang baliw'' napapitlag naman ako sa nagsalita . Nakita ko si Drake na nakaupo doon sa may bench. Di ko napansin na may bench pala dito. ''Ano ba! Papatayin mo ba ako sa gulat? '' naasar na tanong ko pero naalala ko naman iyong ginawa ko kaninang umaga sa kanya. Ngayon lang ata nag sink in sa akin ang kalokohan ko. Seriously, nagawa ko iyon? Mukhang tinamaan naman ako ng hiya. '' If you want to '' sabi niya. Anong if you want to? Pero narealize ko rin ang ibig niyang sabihin. ''So balak mo nga akong patayin? '' Isa pa ito. Nakakainis na ang mga tao dito! Errr. ''Psh '' Hindi nalang ako nagsalita. Bakit ba nagpapadala ako sa emosyon ko? Diba sabi ko hinding-hindi na ako magiging mahina? ''Saan ka pupunta ? '' tanong ko kasi paalis na siya. ''None of your business'' Kita mo 'tong lalaking ito! Pinagpanggap na nga akong girlfriend kung saan di ko maintindihan kung bakit tapos eto siya ang sungit sungit. Kakaasar! ''Bahala ka nga! '' Dahil sa asar ako ay inakyat ko yung puno. Oo marunong akong umakyat ng puno dahil bata palang ako'y nangunguha ako ng mga prutas sa mga puno doon malapit sa amin sa probinsya. Hays, kapag naalala ko ang nakaraan parang may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Dito na nga lang muna ako. Nahiga ako sa isang sanga na medyo may kalakihan. Nabalanse ko rin yung katawan ko kaya prenteng nakahiga na ako ngayon sa punong mangga. Buti pa dito tahimik, mabuti pang matulog na lang ako. *** ''Del ? Yohoo? Nandito ka ba? '' Nagising ako sa tumawag sa akin. Ako ba talaga iyong tinatawag? ''Del naman, kanina pa kita hinahanap eh. Sabi ni Drake nandito ka raw'' parang naging malungkot iyong boses ng babae. Teka, Drake? So ibig sabihin ako nga ang hinahanap? Tiningnan ko 'yung nasa ibaba. Nakita ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno. Ano na namang kailangan ng babaeng ito? Sino pa ba edi si Liezel. Hindi ko nga maintindihan kung anong kailangan ng babaeng ito sa akin dahil laging sunod ng sunod. Nakakaasar na nga minsan eh. Akala ko magkakasundo kami pero nakakairita kasi minsan. Bumaba na lang ako na ikinagulat naman niya. '' Bestie , anong ginagawa mo sa itaas? '' gulat na tanong niya nang makita akong bumaba. Bestie? Anong trip niya? ''Bestie? '' tanong ko pero agad naman siyang yumuko. ''Bakit iba na ang name ko? '' tanong ko pero nanatili pa rin siyang nakayuko. ''Sasagutin mo ba ang tanong ko or '' di ko na natapos ang sasabihin ko nang magtaas siyang ng tingin at sinabing, ''Gusto kitang maging bestfriend. '' determinadong sabi niya. What? Bestfriend? Seryoso ba siya ? ''Ayoko'' ''Sige na pleeease? '' nagpuppy dog eyes pa siya. Hay nako, simula nang dumating ako sa Maynila, ang dami ko nang alam na tawag sa mga bagay-bagay. ''Kadiri ka .Tigilan mo nga iyan'' pinandilatan ko siya ng mata pero ngumiti lang siya. ''Yay, payag ka ng maging bestfriend ko? '' tumalon talon pa siya niyan. So childish. T_T ''Para kang bata '' sabi ko. ''Eh mas bata naman talaga ako sa iyo ah'' What? Mas bata pa siya sa akin? ''Ilang taon ka na ba? '' ''Eighteen'' sagot niya. ''Hindi halata'' pero syempre joke lang. Aaminin ko, maganda si Liezel pero parang bata kung umakto. Mas mataas din siya sa akin. Ako naman ay nasa 5'5 lang ata? ''Ehh '' nagpout na naman siya. Seryoso? Dalaga ba itong kausap ko? ''Ewan ko sa iyo'' tumalikod na ako at naglakad palayo. Gutom na ako eh. Di ako nakakain ng breakfast kanina. ''Bestie! Hintay naman oh '' kumapit pa siya sa braso ko nang makasabay siya sa akin. ''Tanggalin mo iyang braso mo '' matigas kong sabi. ''He-he-he , okay bestie. Saan ka pupunta? '' wala bang klase ang babaeng ito? ''Wala ka bang klase? '' ''Meron pero mamaya pang ala-una'' I just rolled my eyes nang marinig yun. ''Anong oras na ba? '' tanong ko. Wala kasi akong relo. ''Alas onse pa lang'' sagot niya. Naglakad na lang akong papuntang canteen. Sumunod naman siya, bahala nga siya. *** ''Mauubos mo lahat iyan? '' napalaki ang mga mata ko nang makita ko siyang ang dami ng order. Hindi ko nga alam ang tawag sa iba eh basta may hamburger,spaghetti,salad, chiken, isda. Ewan ang dami lang , puno nga'yong mesa namin eh. ''Oo ba basta sasaluhan mo ako '' What? Ang dami niyan kaya! ''Wala akong pera'' sabi ko. ''Don't worry, nabayaran na ito '' hindi sa nag-iinarte ako pero kasi kakahiya rin noh. Sa maldita kong ito, may hiya rin naman ako. ''Sige na bestie, para sa atin talaga ito eh. Pleaase? '' sa huli ay pumayag nalang ako. Sabagay, pagkain na ang inihain, tatanggi pa ba ako? Pinagsaluhan namin yung pagkaing binili niya. Pambihirang babae. Mapapasabak ata ako nito eh. Bakit ba lagi siyang dumidikit sa akin? Gusto niya ring mahawaan ng pagiging dyosa? Well, di pwede. Nag-iisa lang kaya ako. *** '' Bestie! Uuwi ka na?'' medyo nagulat ako nang may biglang sumabay sa akin at tinanong ako. Ano ba naman siya, di ba siya napapagod kakasunod? ''Hindi, may klase pa ako kaya ako lalabas'' pamimilosopa ko pero tumawa lang siya. Nakakatawa ba iyong joke ko? ''Ewan ko sa iyo bestie. HAHA. Sige sabay na lang tayo '' agad naman siyang kumapit sa braso ko saka hinila ako palabas. Magko commute ako. Oo, alam ko na ang magcommute dito sa Maynila dahil kailangan . Wala akong kotse at ayaw ko ring makisabay. Saka may hinahanap ako dito kaya dapat sanayin ko na ang sarili ko sa Maynila. ''Wala ka bang sundo? '' ''Ay wala eh. Mag taxi na lang tayo '' sabi niya at akma na sanang papara ng taxi nang may naisip ako. ''Hindi tayo magtataxi'' I smirked at her na ikinagulat niya ''Magjejeep tayo '' sabi ko na mas ikinagulat niya. ''Talaga? Talagang talaga? Yay, sige sige sama ako '' may talon talon effect pa siya. -_- Akala ko di papayag pero bakit tuwang tuwa naman siya? ''Ba't excited ka? '' ''Kasi naman di ako pinapayagang magcommute kaya magtataxi ako '' sabi pa niya. -____- Iba talaga ang mayayaman. Ano pa kaya kung nasa probinsya sila? Kakayanin kaya nilang maglakad ng ilang kilometro para puntahan ang gusto nilang puntahan? I bet not. Pumunta na kami sa may pila kung saan naroroon ang jeep pero di pa nga kami nakakapila ay may humintong BMW sa harap namin. OO BMW basta yun ata yun, may alam ako no? Syempre may naresearch din ako tungkol sa mayayaman noh. ''Liz!'' tawag ng lalaki na kakalabas sa kotse. ''Kuya ! '' gulat na sabi ni Liz. ''Where do you think you're going dear sister ?'' may nakakalokong ngiti sa mga labi na sabi nito. Teka, magkapatid sila? ''Ah eh ah.. Shopping? '' di pa siguradong sabi ni Liezel. Tsk. Magpapalusot na nga lang, palpak pa. Halatang tatakas lang eh. ''C'mon sis, hop in '' pumasok na sa loob ng kotse ang lalaki. Ngayon pa lang, di ko feel ang kapatid niya. Masyadong maangas. Ganito ba talaga ang mga lalaki sa Maynila? Wala na bang medyo di pa-cool ang dating? ''Ayaw! '' pagmamatigas ni Liz. ''Pumasok ka na sa kotse, next time na lang kita isasabay'' sabi ko pero as usual parang bata na naman kung makareact ang babaeng ito. ''Talaga? Wow, may iba sa iyo ngayon bestie eh '' Naguluhan naman ako sa sinabi niya. '' Ano naman? '' ''Secret. Hahaha , sige sure ka? Sumabay ka nalang kaya sa amin '' alok pa niya pero tumanggi ako. ''Aw, basta next time ha sabay tayo? '' Tumango na lang ako kaya pumasok na siya sa loob ng kotse. Bago tuluyang makalayo ay binuksan niya ang bintana saka nagwave sa akin. ''Bye bestie, ingat! '' Napapailing ako. Ang dami namang nangyari ngayong araw. Nakakastress! Ayokong mastress baka magka-wrinkles ang precious face ko noh! Buti pang umuwi sa CONDO. Di naman akin iyon eh, pinagamit ng lalaking yun. Nakatira ito sa sinasabi nitong ninang at ninong raw. Tsk, pake ko? Ang role ko lang naman ay BOGUS GIRLFRIEND di ba? Hays. Kapagod. Makauwi na nga lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD