''What have you done? '' isang galit na galit na lalaki ang sumalubong sa akin pagkauwi ko.
''What's your name?'' di ko pinansin ang tanong niya kasi naalala kong hanggang ngayon ay di ko pa pala alam ang pangalan niya.
Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig. '' What? After three days , you still don't know my name? ''
Kailangang sumigaw? Sakit sa tenga eh. Sa nakalimutan ko pangalan niya. Pero parang wala naman siyang nasabing pangalan ah.
''Yeah, I don't know you. You just dragged me here tapos pinagpanggap na girlfriend. Do you think may time pa akong alamin ang name mo?''
Sumusukong napabuntong-hinginga siya saka nagsalita. ''Drake''
Drake? Parang ang bait ng name. Hindi bagay sa kanya na ubod ng sungit pero sinabi ko na rin pangalan ko.''Okay, hello Drake. I'm Del '' inilahad ko sa kanya ang kamay ko pero tiningnan niya lang ito at ibinaling muli ang tingin sa akin.
''Don't change the topic Delia! Tell me, why did you act like that? Alam mo ba na inirereklamo ka na sa school? ''
Sinamaan ko siya ng tingin, kung maka Delia wagas ah!
Here we go again. Lilinawin ko lang ha, I'm sure nalilito na kayo. Well, nasa condo niya ako ngayon pero di sya dito nakatira . Subukan niya lang, kasalanan niya lahat ng ito eh. Besides, anong pake ko kung ireklamo ako? As if naman natatakot ako.
'' Excuse me, bakit ka ba nagagalit? Diba ang trabaho ko lang dito ay PRETEND girlfriend? At ikaw ay PRETEND boyfriend ko? '' sabi ko na mas i-enemphasize pa ang pretend.
Binigyan niya ako ng death glare na akala mo kakain ng tao. '' But did I tell you to embarass me in the whole campus? ''
''Pwede ba, huwag kang magreklamo! Hindi pa naman nila alam na kunwari girlfriend mo ako. Ang alam nila ay isa akong nerd na manang na panget na naligaw sa paaralan niyo pero b***h kaya huwag kang magalit okay? ''
Nakakainis talaga siya! Sana hinayaan nalang niya akong makipag-away sa dalawang barakong bakla noon. Edi sana wala kaming problema! And di ko parin naiintindihan kung bakit may proposal siyang ganun. Oh well, ten million is not that bad. Hindi sa mukha akong pera pero sayang eh, besides I'm not my old self anymore .
'' Right '' labas sa ilong na sabi niya.
I smirked at him.'' See? Hindi ganon kalala ang ginawa ko. ''
Again, tiningnan niya lang ako na para bang gusto niya akong itapon palayo. Ha ha ha. As if kaya niya.
''Bakit ba kasi ako pumayag, psh ''
''May sinasabi ka? '' narinig ko kasi siyang bumubulong sa sarili. Parang tanga lang.
'' No, but promise me hindi mo na uulitin yung ginawa mo kanina''
Oh no, I can't promise that. Ang panget ng ugali nila eh.
''Why would I? '' tiningnan ko siya. Bakit ba siya nagkakaganito? At ano bang problema niya?
''Just do it '' pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya sa condo at umalis.
Good thing umalis na siya dahil baka di rin ako makapagpigil. In the first place, napilitan lang din ako.
***
''OMG, I can't believe this! My love has a girlfriend? Gosh! No this can't be!''
''Huhu, may girlfriend na si crush''
''Geez, who's the slut? Nakakainis! Sino ba siya? ''
'' Ayoko na! My baby has a girlfriend ''
Blah blah blah, yun ang mga naririnig ko pagkapasok ko sa university. Anong meron? Ang OA naman ng mga babaeng ito. Pero nung mapansin nila ako ay nag-iba rin ang tingin nila. Yung tingin na akala mo papatayin, sisindakin o pinagtatawanan nila ako. Duh, as if I care no!
''Hi '' nilingon ko yung tumawag sa akin. Sino naman ito?
''I'm Liezel but you can call me Liz '' inilahad niya ang kamay sa akin.
Huh? Sino ba siya?
''Don't worry, hindi ako nangangagat'' she smiled at me. Tsk. Joke ba yun?
''I know'' sabi ko nalang.
'' What's your name? '' mabait ba ito o nagpaplastikan lang?
''None of your business'' sabi ko sabay layo.
As far as I'm concerned, mas gusto kong lumayo sa mga tao dito baka mahawa pa ako sa kaartehan nila noh.
''Hey wait!''
Err, ano bang problema ng babaeng ito? Di ba siya makaintindi na ayaw kong makipag-usap?
''Ay, ang bilis mo namang maglakad'' di ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya at hinihingal.
''Sino bang may sabi na habulin mo ako? '' tanong ko.
Ngumiti lang siya sa akin. '' Wala, pero kasi ..''
''Pero kasi? '' kunot-noo kong tanong. May pabitin-bitin pa siyang nalalaman.
''I w-want t-to be your friend'' sabi niya at yumuko pa.
Seriously? Nagpapatawa ba siya ?
''Tanga ka ba? Bakit gusto mong makipagkaibigan sa akin eh ayaw ko sa iyo? ''
Tama, ayaw ko sa kanya. Ang FC nga eh. Baka isa ito sa mga babaeng nagkakandarapa kay Drake. Naku! Huwag na noh. Wala akong planong makipagfriends sa mga babaeng nagkakagulo sa lalaking yun. Baka mamaya ay di ako makapagpigil. Ang aarte kaya nila!
''Ang mean mo naman, gusto ko lang makipagkaibigan'' nagpout pa siya, akala mo naman bagay sa kanya.
'' I don't care'' sabi ko sabay lakad palayo sa kanya.
Ayaw kong makipagkaibigan sa kanila dahil lahat naman ata ng tao dito masama ang ugali.
''I know someday you'll be my friend!'' sigaw niya na ikinatigil ko.
Nung lumingon ako ay nakita ko siyang ngumiti at nagwave sa akin sabay takbo papaalis.
Ang weird naman ng babaeng iyon.
***
As usual, boring ang klase. Kaya naman ako nagkakaganito dahil diba dapat graduating na ako? Eh yung lalaking yun sinabi sa aking 3rd year pa ako kaya naman eto ako ngayon. Hays. Papunta pala akong canteen nang may napansin akong kakaiba.
''Yuck, is she the girl? ''
''I can't believe it. She's ugly''
''Eww, what a w***e''
Teka lang, ako ba pinapariringgan ng mga ito?
''Hey you!'' may isang babaeng lumapit sa akin. Ang kapal ng make-up. Estudyante ba siya o clown?
''Hey yourself'' sabi ko at di na siya pinansin.
''How dare you b***h! Don't you dare turn your back on me!''
Ang sakit sa tenga ng babaeng ito. Sino ba siya? Di ko nga siya kilala eh.
''Malandi! Akala mo maganda ka? '' Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tapos tumawa along with her friends. ''Hay naku, dream on girl. Ang panget mo, ikaw girlfriend ni Drake? Eww'' sabi niyaat binangga ako kaya naman bumagsak ako sa ground.
Ouch, ang sakit ng pwet ko. Hindi agad ako nakakilos kasi ang bilis ng pangyayari. Nakakainis! Bago pa ako makatayo ay nagsi-alisan na sila.
''Here, let me help you '' tiningnan ko yung nagsalita pero agad din akong sumimangot nang makita ko kung sino.
''Ikaw na naman? '' sabi ko pero inabot ko rin ang kamay niya.
''Yup'' again ngumiti na naman siya, parang tanga lang.
''Huwag mo nga akong lapitan!'' asar na sabi ko.
''Ouch , wala man lang thank you?''
Pigilan niyo ako, nakakainis na kasi itong babaeng ito eh. '' Pwede ba, tigilan mo ako. If you think na sasabayan ko 'yang trip mo pwes nagkakamali ka. '' sabi ko.
''Hay nako, ang sungit mo. Seriously, meron ka ba ngayon? ''
''What? '' baliw ata ang babaeng ito. Kung anu-ano na kasi ang pinagsasabi.
''Haha, you're funny Del ''
O_O '' Teka, paano mo nalaman ang name ko? '' gulat kong tanong.
''Oh well, sikat ka na sa campus '' she grinned at me.
''Ano? ''
''Yes, diba boyfriend mo si Drake? Haha, lagot ka girl. Ang daming may gusto don baka mamaya aabangan ka nila sa gate ''
>_< Nananakot ba ang babaeng ito o nagpapatawa lang? Pero wait, alam nila na boyfriend ko si Drake?
''Anong boyfriend? '' Ako.
''Si Drake, diba boyfriend mo? '' Siya.
O_O Oh no, nagloading ako. Oo nga pala, pretend boyfriend ko pala siya. Ba't ba ang tanga ko?
''Why did you ask? ''
''Wala, di pwedeng magtanong? ''
''Ewan ko sa iyo'' iniwan ko na siya, kakabadtrip!
''Ikaw naman di mabiro. Ano ka ba, okay lang na maging kayo noh! Buti nga yun para may lovelife na yung lalaking iyon'' natatawa niyang sabi.
Huh? Di ko talaga magets ang babaeng ito.
''Oh makatingin ka naman, parang gusto mo akong itapon palabas. Hahaha ''
Ang weird talaga niya. Ngingiti tapos tatawa. Feeling close din siya. Dapat na ba akong matakot?
'' You're weird '' naibulalas ko.
''Am I ?'' she asked.
I rolled my eyes, '' Shut up .''
''Why would I ? ''
''Argh, bahala ka nga! ''
''So, friends na tayo? ''
''Sinabi ko ba ? ''
''Ehh, akala ko okay na tayo?''
Kapal ah. Anong okay na kami? Hindi ko nga naiintindihan kung bakit siya lapit ng lapit sa akin. Bakit ba sunod ng sunod ang babaeng ito sa akin? Ayaw ko nga diba?
''Ayoko. AYOKO '' sabi ko na mas in-emphasize ang salitang AYOKO.
''Bakit? Why? '' tanong pa niya habang nagpapout.
''Di bagay sa iyo.''
''Sama mo . Pero sige na let's go '' sabi niya sabay hawak pa sa braso ko.
Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa akin.''Di ka rin FC ano? ''
'' Hindi , friendly lang ako sa mababait ''
Mabait? May topak ba ang babaeng ito? Alam naman nitong napakasama ng ugali ko tapos mabait?
''Baliw'' pero imbis na magalit ay tinawanan lang niya ako. Wala rin akong magawa nang hilahin niya ako papasok ng canteen.
Bahala na nga. Hindi naman ata masamang sumama sa babaeng 'to. Well, might give it a try baka siya ang kauna-unahang tao dito sa university na 'to ang makakasundo ko. But I think it's impossible. Hmp!