Del's POV Muli kong tiningnan ang bahay kung saan ako lumaki at nagkaisip. Dito ko unang naranasan ang pait ng buhay pati ang pagkakaroon ng pamilya. Ngayon, lilisanin ko na ito para makapagsimula ng bagong buhay. Bagong buhay kung saan makakasama ko ang totoong pamilya ko. Dalawang araw na mula nang pinuntahan nila ako. It's hard to accept at first pero naalala ko ang sinabi ni nanay nang mapanaginipan ko siya noong isang araw. "Patawarin mo sana ako anak, at sana mahanap mo dyan sa puso na handa ka ring magpatawad. Mahal na mahal kita" Di ko tuloy maiwasang maluhang muli. Simula sa araw na ito, hinding-hindi na talaga ako iiyak. Isa pang lingon sa bahay ang ginawa ko bago ko nilisan ang lugar. Drake's POV "Kayong dalawa, hanggang kailan nyo ba planong magkaayos?" tanong ni Bret sa

