"Tulong! Yung babae nasagasaan!" "Ang lakas na pagkabagsak ng ulo nya sa lupa" "Ang daming dugo" "Kawawa naman yung babae" "Sana buhay pa sya" Ilan lamang ang mga yun sa naging reaction ng mga taong nagkakagulo matapos masaksihan ang nangyari. Nakahandusay si Del sa kalsada, duguan at walang malay. Nasa sampung metro ang inilayo nya matapos syang mabangga ng malaking truck. Hawak-hawak pa rin ni Del ang sulat ng nanay nya. Matapos ang lahat ng kanyang pinagdaanan, akala nya magkakaroon na ng happy ending pero di pa pala. Agad na isinakay si Del sa ambulansya pagdating ng sasakyan. Mahina na ang pulso ni Del at kung matatagalan pa bago sya madala sa ospital ay baka tuluyan na syang bawian ng buhay. Kung anu-ano ang inilagay sa kanyang katawan ng mga nurse na nag-assist sa kanya sa

