Nang magising si Johann ay wala na si Janelle sa tabi nya. Agad syang bumangon at hinanap agad ito. Sinilip rin nya sa banyo pero wala ito doon. Nag aalala sya dahil baka atakihin na naman ito ng morning sickness nito. Pinuntahan nya ito sa kwarto nito at pagbukas nya ng pinto ay bihis na bihis ito at parang may lakad. "May pupuntahan kaba?" hinihingal na tanong nya. "Oo, check up ko kasi ngayon e," sagot nito na parang wala itong balak na isama sya. "Sasamahan na kita!" agad nya dito. Sa totoo lang ay gustong gusto nya talagang alamin dito kung kelan ang check-up nito. Nag aalangan lang syang tanungin ito noon dahil hindi sya nito pinapansin. "S-sigurado ka bang sasama ka? Sasamahan mo ako magpacheck-up?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Bigla nalang nya itong niyakap mul

