Sinunod nya ang payo ng Doctor at dalawang araw pa nga syang nanatili sa hospital. Hindi nya nga alam kung bakit hindi na bumalik si Dominic at si Johann nalang ang nanatili sa tabi nya. Ito ang nagaalaga at nagbabantay sa kanya. Hindi nya ito pinapansin o kahit kausapin ay hindi nya ginagawa. Pinapanindigan nya ang sinabi nya dito na gusto na nyang makipaghiwalay pero mariin iyon tinutulan ni Johann. Isinauli din nya dito ang singsing na nasa kamay nya pero ng makatulog sya at magising ay nakita nyang nakasuot na ulit ito sa kanya. Nang malaman ni Johann na buntis sya ay alagang alaga sya nito. Ultimo kaunting pagkilos lang nya ay inaalalayan pa sya nito. Pagminsan ay hinahaplos nito ang tiyan nya kapag inaakalang tulog sya. O kaya naman ay hahalikan. Parang gusto na nya agad bumigay per

