Nang tangka syang habulin ni Johann ay pinigilan ito ni Dominic. "Back off! You Asshole!". Nakangisi itong tumingin kay Dominic. "Sabihin mo yan sa sarili mo. Baka nakakalimutan mong ako ang asawa nya at hindi ikaw." Hindi nakailag si Johann ng suntukin ito ni Dominic. Gumanti si Johann hanggang sa nagpalitan na nagpambuno na ang dalawa. Si Scarlet naman ay tuwang tuwa pa sa nakikita. Tila ba nanunuod ito ng nagwre-wrestling sa isang arena dahil may pag cheer pa. "Go Johann! Bugbugin mo ang pakialamerong Dominic na yan hanggang sa malumpo!" sabay halakhak na parang isang bruha. Si Janelle naman ay umalis na ng walang lingon lingon sa kanila at dirediretso hanggang sa makarating sa kotse na sinakyan nila ni Dominic kanina. Pagbukas nya ng pintuan ay hindi na nya nagawang makapasok dahil

