Kinabukasan ay napumilit nang makalabas si Janelle sa Hospital na iyon. Ayaw pa sana syang payagan dahil wala pa daw ang taong nagdala sa kanya doon pero wala ring nagawa ang mga Doctor at Nurse sa kanya. Sinabi nalang nyang tatawagan nalang nya ang lalake na nagdala sa kanya doon kaya may ibinigay sa kanya ang Doctor na Calling Card nito. "Here! Kontakin mo sya kapag may kailangan ka" Nakangiting sabi nito sa kanya. Hindi na nya naintindihan ng buong ang sinabi ng Doctor dahil iba ang laman ng isipan nya. "Sige po Doc. Maraming salamat po sa inyong lahat.." paalam nya sa mga ito ng may ngiti sa labi. Suot nya ang damit na iniutos pa daw ni Dominic na bilhin para sa kanya. "Sayang at hindi ko man ang sya nagkita." Panghihinayang nya. Nang malapit na sya sa sakayan ay naalala nyang wal

