Episode 19

1495 Words

Labis labis na ang pag aalala ni Amanda para sa anak nito lalo na si Armando. Kaya naman naisipan na nilang lumapit na sa pulisya para ipahanap si Janelle dahil maghahating gabi na ay hindi parin ito nakakauwi sa mansyon. Pero ang sabi ng nakausap nilang pulis ay kailangan maghintay muna sila ng bente kwatro oras para bumuo sila ng isang searching team na lalong ikinainit ng ulo ni Armando. Padabog nitong ibinagsak ang telepono sa sobrang inis sa kausap. "Dito ka lang Amanda, hahanapin ko lang si Janelle!" anito kay Amanda saka isinuot ang kanyang itim na coat. "Teka! sasama ako!" Tumayo si Amanda at hahabol sana kay Armando nang mabungo ang tuhod nya sa isang maliit na salaming lamesa kaya napa aray sya sa sobrang sakit at napahawak sya sa parteng tuhod nya. Pero hindi na nya ininda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD