Nung panahon na lumayas si Johann sa Mansyon ay tinanggap na nya ang trabahong matagal nang inaalok ni Chris sa kanya. Alam naman nyang hindi sila magkikita nito dahil sinigurado iyon ni Chris sa kanya. Ang sabi nito ay nag out of town daw ang dalawa at doon na ipinagpatuloy ang pag aaral sa ibang bansa. Hindi ko alam pero bakit nalungkot ako sa isipin na magkasama silang dalawa sa iisang bubong. Hay naku Janelle! Ang dumi ng isip mo. Ipinilig nya ang kanyang ulo at ipinagpatuloy ang pagseserve ng coffee and cake sa mga customers. Matagal tagal narin simula nung umalis si Johann sa Mansyon at tinupad nga nito ang sinabi nito na hindi ito babalik hanggat naroroon ako. Wala naman akong magawa. Hindi ko maiwan si Daddy. Yes you heard it right. Daddy na ang tawag ko sa kanya simula nung le

