Walang nagawa si Janelle kundi ang ipagbabalik ulit ang mga damit sa cabinet na kanina lang ay pinagkukuha nya mula doon. Nagawa pa syang konsensyahin ni Uncle Armando nya. "Ganun mo nalang ba kadaling kalimutang ang naging pangako mo sa iyong Inay?" Napatungo sya ng tanungin sya nito ng ganoong bagay. Alam naman nyang pagdating sa Inay ko ay nagiging mahina ako. "I'm sorry po Uncle Armando. Hindi ko naman po talaga gustong suwayin ang ipinangako ko kay Mommy na hindi ako aalis sa puder nyo pero nang marinig ko po kayo ni Johann na nagtatalo dahil saken tapos hindi pa sya babalik haggat nandito ako ay nakonsensya po ako. Sya po ang tunay na anak nyo kaya sya po dapat ang nandidito at kasama nyo. Hindi po ako." Tila nahihiya nyang sabi. Agad namang lumambot ang hitsura ng mukha ni Arm

