Christine's POV "Anak maiwan muna kita dito ha, kukuha lang ako ng pantali dito." Sabi ko kay Leona, kasalukuyan kasi kaming gumagawa ng kwintas at bracelet malapit dito sa may dalampasigan. Iniwan ko muna si Leona mag-isa, kumuha ako ng panali sa Locker ko sa Resort. Hindi na ako nagtatrabaho dito sa Resort dahil malaki na ang tiyan ko at mabilis na akong mapagod, pero tanggap parin naman ako bilang empleyado dito, pagkapanganak ko na siguro ako babalik sa pagtatrabaho. "Bulaga! Hahaha." Panggugulat ni Glen sa akin, si Glen ang baklang laging nangaasar kay Leona. "Ano ka ba Glen? Gusto mo ba ako mapanganak ng wala sa oras?" Naiinis na sabi ko sa kanya, buti nalang hindi ganun kalakas yung panggugulat niya. "Sorry na, hindi ko na uulitin Christine. Wahaha ." Malakas na pagtawa niya u

