Christine's POV Ilang araw na ang nakalipas nang magbati kami ni Leonardo, masasabi kong masasaya ang mga araw na dumarating. Tahimik ang paligiran, maririnig mo lang ang kasiyahan sa paligid ng buong resort. Nagulat pa nga kami ni Leona nang dinala kami ni Leonardo dito sa tabi ng resort, may malaking bahay na nakatayo na tila parang bagong gawa ito. Sinabi niya samin ni Leona na yun na ang bago naming bahay. Nung una hindi ako nagsalita tila naiiyak lang ako sa sobrang saya, pero nang malaman ko na pinagawa niya talaga ang bahay na yun para samin, hindi ko mapigilang yakapin at halikan ang gwapo niyang mukha. Sobrang saya ko nung araw na yun, hindi lang dahil binigyan niya kami ng bahay kundi dahil sigurado akong mapupuno na naman ang bahay na ito nang masasayang alaala na dadalhin

