"Chef Lilith anong nangyari?" Kung hindi pa ako sumigaw at dumating si chef Allan ay hindi pa nito inangat ang paa niyang nakaapak sa kamay ko. "Oh my god chef Lilith I'm so sorry! Hindi ko sinasadya." Agad akong inalalayan nito, pero hindi ko magawang tumayo dahil sobrang sakit ng mga daliri ko sa kaliwang kamay. Pakiramdam ko ay buong katawan ko ang apektado sa tindi ng kirot na nararamdaman ko. "What the hell did you do to her chef Mae?" Galit na sigaw ni chef Allan rito at itinulak ito palayo sa akin kaya napaupo ito sa sahig. "W-Wala! A-Aksidenteng nagkabangga kami ni chef Lilith at nahulog ang mga dala niyang mansanas. K-Kaso hindi sadyang naapakan ko ang kamay niya nang pulutin n-niya ang mga ingredients." Natatarantang paliwanag nito ng sigawan siya ni chef Allan. Ito din ang un

