Nang makaalis na ang nurse after checking my temperature ay mas lalong naging awkward. It's already past 11PM kaya bakit nandito si sir Kael? Pano niya nalaman na nandito ako? Imposible namang si Jino ang nagsabi, eh ayaw nga nya sa boss ko. "I'm sorry if we interrupted something." Si sir Kael ang unang nagsalita. "You weren't interrupting anything, sir." Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa dahil sa sinabi ng boss ko. "B-Bakit nga po pala kayo nandito? Anong oras na." Pag-iiba ko kaagad ng usapan because there's nothing else I want at this moment kundi ang makalimutan niya ang nadatnan niya kanina. "Something important happened and I was trying to contact you. Bumalik kasi agad ako para kausapin kayo kanina after dad called me into his office. Pero ang sabi nila chef Allan at chef C

