Napatingin ito sa likuran ko na parang may hinahanap. "You're alone?" Tanong nya. "Ah, oo eh." Inilagay ko ang cellphone ko sa loob ng bag at hindi na nakapag reply kay Jino. "That's weird. Your husband looks like the type of person that won't let you go grocery shopping alone, knowing you're healing from an injury." Saad niya. "Kasi ano, acquaintance party nila ngayon." Hindi na ako nagsinungaling pa. Napapahamak lang ako pagnagsisinungaling eh. "So he's still in Uni?" Usisa nito. "Y-Yeah." Ang awkward! Bakit ko kasi sinabing asawa ko si Jino? Baka anong isipin nitong boss ko. Obviously, halatang mas matanda ako kay Jino. Nagsalubong ang kilay ko ng makita kong nakangisi ito. "What?" Tanong ko. "Nothing. Wala sa mukha mo that you like younger men." Panunukso nito. Naparolyo nalang

