Wala ng ibang sinabi si Viera at nilapag na ulit ang cellphone niya sa lamesa. I wanted to check my phone so bad, pero pinigilan ko ang sarili. "Bes, sumayaw tayo." Pagyaya ni Viera. "H-Ha? H-Hindi ako marunong." Sagot ko. "You don't have to worry, bes. Wala namang steps eh. Just let your body move to the rhythm." Pangungimbinsi ni Viera. "Okay lang ba na hiramin ko sandali ang besy ko?" Paalam nito kay sir Kael. "Go on ladies, I'll guard your stuffs." Sagot ng boss ko. "Thanks, Kael. Pararanasin ko lang sumayaw tong besy ko." Hinawakan ni Viera ang kamay ko at nagmamadaling hinila ako sa may dance floor dahil mag-uumpisa na ang bagong tugtugin. Pagkatayo ay nakadama kaagad ako ng pagkahilo. Lagot, ayan na, umeepekto na ang alak. Pero itong si Viera, sunog baga na ata, parang wala la

