"Sir, pasensya ka na sa kaibigan ko ha. May saltik minsan." Paghingi ko ng dispensa sa boss ko. Nakakahiya naman kasi tong ginawa ni Viera. Humanda yun sa akin mamaya. "Mahirap ba talagang pagbigyan yung pakiusap ko sayo?" Saglit itong lumingon sa akin sabay balik rin ng tingin sa daan. "Pakiusap?" Nagtatakang tanong ko. "Just call me Kael, Lilith. Hindi naman oras ng trabaho." Sagot nito. "Pero-" "Pero boss mo ko may trabaho man o wala." Sabad nito gamit ang eksaktong mga salitang sasabihin ko sana. "Hindi ba talaga pwede? Kahit ngayong gabi lang? We're supposed to relax right? Pero pano mangyayari yun kung pati mismo sa loob ng club ay sir ang tawag mo sa akin?" Pahabol pa nito na parang nangungunsensya. At parang tumatalab nga iyon ngayon sa akin. After everything that happened to

