"Ha? Ano yun?" Lumingon si Viera. "W-Wala," Saka ko nalang talaga sasabihin kapag nasabi ko na kay Nadine. I don't want to be overwhelmed sa kung ano mang magiging reaksyon ni Viera. Baka hindi na ako magkalakas ng loob na sabihin sa anak ko kung sakali mang maging negatibo ang reaksyon ng best friend ko. Habang kumakain kami ay chineck ko ang cellphone ko, at may message akong natanggap kay Jino. Imessage ko daw sya kapag nakaalis na si Viera para makauwi na sila ni Ava. Pero lumipas pa ang ilang oras ay hindi pa din ito umuuwi. Hindi ko naman pwedeng paalisin si Viera dahil ganito naman kami noon, inaabot ng buong araw sa pagkukwentuhan, at minsan pa nga ay magdamag. "Bes, gala tayo." Pagabi na ng biglang mag-aya si Viera. "Ha? Saan naman?" Tanong ko. "Let's go clubbing." Aya nito.

