Halos mag-iisang oras na akong scroll ng scroll sa cellphone ni Jino. Lahat na ata ng video na madaanan ko patungkol sa nangyaring gulo kanina sa reception ay binasa ko na ang comment section. Nakahinga ako ng maluwag na ang tanging negatibong komento lang patungkol sa Royale Kitchen ay ang ginawa at ugali ni chef Bernadette. Wala akong nabasang iboboycott nila ang restaurant dahil sa nangyari. Halos lahat din ng comments ay nakatuon kay Eula, at madami sa mga ito ay negatibo. Inaasahan ko na iyon at wala na akong magagawa pa doon dahil si Eula naman ang may gawa nito sa sarili nya. Kung hindi niya plinano ang lahat ay wala sana siyang problema ngayon. May ilan din akong nababasang negatibong komento patungkol sa akin. Sabi ni Jino ay baka mga die hard fans lang iyon ni Eula kaya huwag ko

