KABANATA 91

2527 Words

"Huwag kang ngumiti ngiti jan! Hindi kita patatawarin sa ginawa mo kaninang umaga just by acting cute!" Sita ko sa kanya, para hindi niya mahalatang nadali niya ako sa ngiti niya. "What did I do wrong? Hindi naman ako ang umapak sa paa ng boss mo ah." Pagpapaalala pa nito sa nangyari. "I know you're upset that he's here, pero anong magagawa ko? Si ninang Viera mo ang nagpatuloy rito." Inis kong sabi. "Hindi naman yun ang rason kung bakit ako naiinis kanina." Nagsalubong nanaman ang mga kilay nito. "Then what?" Tanong ko. Pero sa halip na sagutin ako ay hinawakan ni Jino ang kamay kong napaso kanina at sinuri. Namumula pa din ito ng kaunti, pero hindi naman na gaanong masakit. "I hate it when I can't do anything when you're hurt." Seryoso nitong sabi, at hinipan hipan pa ang kamay ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD