LILITH'S POV Habang hinihintay si Jino na tawagin si Ava, at si Viera naman para tingnan kung sino iyong nagdodoorbell ay umupo na ako sa pwesto ko. I took a sip on my hot choco, at hindi ko alam kung bakit hindi ko magustuhan ang lasa eh ito naman ang timplada ko. Nasanay na ata ako na laging ginagawan ni Jino, kaso hindi naman niya ako maipagtitimpla ngayon dahil nariyan si Viera. "Besy, look who's here!" Sa totoo lang nang sabihin iyon ni Viera ay ang anak ko ang unang pumasok sa isipan ko. Bigla nalang akong umalis kahapon ng walang pasabi, at hindi din ako nagtext o tumawag man lang dito. Pero nang bumalik ang kaibigan ko ay hindi ang inaasahan kong tao ang nakabuntot sa kanya. "S-Sir Kael!" Pakiramdam ko ay lumipad palabas ng katawan ko ang hangover na nararamdaman ko nang makit

