Pero bago pa man magtama ang mga labi namin ay tumawa ako, at kung nakunan ko lang sana ng litrato ang gulat sa mukha niya ay isasampal ko iyon sa kanya para nakita nya how stupid he looked. "What's wrong?" At talagang may gana pa itong magtanong. "Pierre, tirik na tirik pa ang araw oh, pero nananaginip ka na." Itinulak ko siya. "What made you think that I'll really sleep with you? Gusto mo pang itulad ako sayo na maging isang manloloko? I may have hated Eula, but that doesn't mean ibabalik ko sa kanya ang sakit ng ginawang panloloko nyo sa akin! No woman should ever experience such pain from asshöles like you! At mahal ko si Jino, hindi ko sya sasaktan!" Asik ko rito at dali daling binuksan ang pinto saka lumabas. Agad naman itong sumunod, nababaliw na nga ata talaga si Pierre. Hindi k

